Sina Simeon “SINA!!!?” Nakita kong nagkukumahog si ate Maxine papasok sa loob ng bahay. Hingal-hingal ito. Nakahawak sa kaniyang dibdib at tila nagmamadali. “Ate Maxine? Tamang-tama ang dating mo. Birthday ko ngayon. Tara, kumain ka!” Masiglang bungad ko sa kaniya. Nahinto ang pag-uusap naming mag-ina sa biglaang pagsulpot niya. Masaya ako na nandito ang isang taong mahalaga sa buhay ko. “Ikukuha kita ng Plato, wait…” Humawak siya sa kamay ko nang mahigpit kaya hindi ako nakatalikod. “Bakit ate Maxine? Tagal mong walang paramdam. Alam kong miss mo rin ako.” Tumingin ako sa kamay niya dahil nanginginig iyon at alam kong napansin din iyon ni nanay. “May problem ka ba Maxine?” tanong ni nanay rito. Huminga ng

