Nanlamig ako sa sinabi ni Faith. Ano? Nakipag-break na sa kanya si Mike. . .dahil sa akin? Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Mike 'yun. "W-Wag mo akong p-pinagloloko, Faith. Hindi ako natu--" "Hindi kita niloloko! Gabby, he broke up with me because he said that he's too confused. Hindi niya alam kung sino 'yung mas mahal niya sa ating dalawa. Gabby, masakit. Hindi ko akalain na magagawa ni Mike 'to. Sobrang sakit na nagdadalawang isip sa akin 'yung taong mahal ko ng sobra. Gabby." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Lumuhod siya at humagulgol. "Tumayo ka dyan, Faith!" malakas na sabi ko. "Gabby, please. Nagmamakaawa ako. Mahal na mahal ko si Mike. Please, huwag mo na siyang kuhanin sa akin." sabi niya habang humahagulgol. Tumulo ang luha ko. Sa sobrang inis ko, hinila ko ng malak

