Ilang araw na ang nakakaraan simula nang sinabi ko kay Nikko ang tungkol doon. Wala siyang sinabi, wala siyang ginawa. Tinalikuran niya lang ako noon sa higaan at hindi na ako muling kinausap. Kinabukasan noon ay maaga akong umalis sa condo niya. Hindi rin ako nakatanggap ng texts sa kanya na nagtatanong kung bakit umalis kaagad ako nang hindi nagpapaalam sa kanya. "Yo! Bakit ang lungkot mo?" biglang sabi ni Aaron sabay akbay sa akin habang naglalakad kami ni Angel papunta sa next class. "Oh, the epal is here." sabi ni Angel. "Hindi ako epal. Tsaka, 'di naman ikaw ang pinupuntahan ko, ah? Si Gabby kaya!" sagot ni Aaron. "Duh?! Gabby has a boyfriend. Don't you get it?" naiiritang sabi ni Angel. Really, Angel? Meron pa ba akong boyfriend? Eh ilang araw na nga akong hindi kinakausap, eh

