Gabriella's POV: Ah. . .aray. Ang sakit ng ulo ko. Gagong Mike 'yun, ah? Nilagyan yata ng vetsin 'yung Emperador na iniinom namin. Naka-isang litro palang kami, nalasing na kaagad ako?! Ang imposible yata nun. "Gising ka na pala." "Ay, mamaw!" Napalingon ako sa nagsalita na siyang dahilan ng pagkagulat ko. Nanliit ang mata ko sa nakita ko. Pumikit nalang ako at nagtalukbong ng kumot. "Mahal, sorry na. Wag ka nang magalit." sabi niya pa. Hindi ko siya pinansin. Bahala ka sa buhay mo. Magsama kayo ng best friend mo! Ilang saglit pa, naramdaman kong gumalaw 'yung kama ko. Humiga yata siya. Then, maya-maya lang, naramdaman ko na ang braso ni Nikko na nakayakap sa baywang ko. Nakayakap siya sakin mula sa likod. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. "N-Nikko, alis ka nga. N-natutulog pa

