Chapter 13

1659 Words
"Hoy, Mangkukulam. Ano na namang problema mo? Bakit mo ko pinapunta dito? Nag-away ba kayo ng syota mo?" kahit kailan talaga, salitang kalye meron itong si Mike eh. "Upo. Kung ayaw mong mabangas mukha mo sakin." Hindi ko alam kung nasa anong lugar na eksakto kami nandito ngayon eh. Basta may nakita akong lugar na pwedeng tambayan, doon nalang ako. Nandito lang ako sa pavements. Nakaupo. Kanina pa. May dalawang oras na siguro akong nakatanga dito. Hapon na eh. "Ano ngang nangyari?" sabi niya sabay bukas ng dala niyang chichirya. May San Mig Light pa! Wow. Na-miss ko 'to! "Nakakainis kasi eh," sabi ko habang binubuksan ang San Mig Light na naka-can. "Nakakaselos. Naiinis ako sa best friend ni Nikko. 'Di ba ako ng girlfriend? Dapat nasa akin lang ang atensiyon niya at hindi sa ibang babae. Nakakaselos eh." Narinig ko naman na tumawa si Mike sa tabi ko habang ngumunguya. Ako naman, napa-tingin lang sa kanya ng naka-kunot ang noo. "Alam mo, hindi parin ako makapaniwala na 'yung titibo-tibo kong bespren noong high school, actually hanggang ngayon, eh may boyfriend na. Haha! Grabe. Dalaga ka na talaga, Mangkukulam ka! Hahaha!" sabi ni Mike habang tawa ng tawa at ginugulo ang buhok ko. "Gago ka, ah? Suntukan, oh?" sabi ko ng nakaporma ng suntukan. "Uto. Alam mo, para kang si Faith." Tangina. Sa kabila, si Rhianne. Dito, si Faith. Uuwi na nga ako at matutulog mag-hapon! "Hoy! Saan ka pupunta?" sabi niya nang makita na aalis na ako. "Uuwi na. Mga walang kwenta. Ako ang kasama, iba ang binabanggit. Damoho kayo, oo." sabi ko. Tumawa na naman si bugok. Siyempre, naaabno na naman. Nakaka-abno kausap 'yung mga tao dito sa Pilipinas. Doon naman sa Canada, nakaka-regla. Putek. Di ko na alam kung saan ko ilulugar sarili ko. Makapunta kaya ng Afganistan? Sigurado, ako pinaka-magandang tao dun kapag nagpunta ako dun. Joke. "Hahaha! Di mo kasi ako naiintindihan, Mangkukulam. Umupo ka. May iku-kwento ako sayo." sabi niya sabay inom ng San Mig Light. Ako naman, bumalik na sa pag-upo sa pavements sa tabi niya. "Ano ba'y kwento natin ngayon, Lolo Kanor?" sabi ko ng pabiro. "Aray naman. 'Tong Kapre na 'to, 'di na marunong gumalang sa babae. Tsk, tsk, tsk." "Tss. 'Di parin kita tinuturing na babae. Nag-boyfriend ka lang! 'Di parin nagbabago 'yung Gabriella na mangkukulam ko! Boyish parin. Hahaha!" sabi pa ni Mike. "Ano ba? Kwento o uuwi na ako?" "Eto na. . .eto na." So, ayun. Nagkwento na siya. "Nung bago-bago palang kami ni Faith, ganyan din palagi ang nirereklamo niya sakin. Nagseselos siya palagi dahil mas close pa tayo kesa sa kanya. Mas madalas kitang kasama, kesa sa kanya. Tapos, kapag nagku-kwentuhan kami, ikaw din minsan ang inoopen na topic ko." Huh? Nagseselos sakin si Faith dati? Ha-ha-ha. Bakit may ngiting tagumpay ako ngayon sa isip ko? Ha-ha-ha. Pero hindi naman masyadong magkamukha ang sitwasyon namin ni Faith nu. Una. Mas maganda na ako sa kanya. Pangalawa. Mas maganda na ako sa kanya. At pangatlo. Mas maganda na ako sa kanya. De joke lang. Basta. Magkaiba talaga kami ng sitwasyon eh. "Uh, huh?" "Then, ayun. Nagalit siya sakin isang araw. Sabi niya, wala na daw akong ibang bukambibig kundi Gabby, Gabby. Hindi naman sa nagagalit siya sayo that time. Sa akin siya nagagalit dahil nga puro ikaw ang inaatupag ko samantala siya ang girlfriend ko. Then, ayun. Nung naramdaman mong nawawalan na ako ng oras sayo, dun ko napagdesisyunan na ituon ang atensiyon ko sa kanya dahil siya naman ang girlfriend ko. At ikaw, best friend kita, 'di ba? So at the end of the day, tayo parin ang magkasama. Magkatapat lang naman ang bahay natin eh. Kaso. . .naramdaman ko rin na unti-unti akong nalulungkot dahil nababawasan na 'yung oras na magkasama tayo." Oh. . .medyo na-touch ako dun, ah? Pero seryoso, nagse-selos pala talaga sa akin si Faith noon, ah? Akala ko, nagfi-feeling lang ako noon. Totoo palang nagse-selos siya sakin. At isa pa. . .alam ko na ngayon kung ano ang nararamdaman ni Faith sa tuwing nawawalan ng oras ang boyfriend niyang si Mike dahil sa akin. Grabe. Ngayon ko lang napagtanto na sobra ko pala siyang pinapahirapan noon. "Pero dahil nga down to earth si Faith, maganda na, mabait pa, nag-sorry siya sakin. Sorry daw kasi sobrang clingy niya. Sorry daw kasi feeling niya, tinatanggalan niya ako ng karapatan na magkaroon ng sariling best friend. Kaya, ayun. Everytime na magkasama tayo, hindi na siya nagse-selos kasi alam niya naman na siya ang mahal ko at wala na siyang dapat ipagselos." Nang matapos siyang magkwento, uminom siya ulit ng San Mig Light at nagbukas ulit ng bago saka ininom ulit. Tumingin siya sakin at ngumiti. "Kaya ikaw, wag ka nang mag-selos dun. Magbest friend lang sila. Sigurado ako doon, Mangkukulam. At kung saktan ka man ng syota mong hilaw na 'yun, sisiguraduhin kong mata niya lang ang walang latay. Pwahaha!" sabi niya. Uto talaga kahit kailan 'to. Pero nakaka-touch, ah? Poreber besprens na kami niyan. And don't think too much. Wala na akong feels dito. Hm, siguro meron. Pero tanggap ko nang hanggang dito nalang kami. Ini-straight ko na 'yung iniinom ko. "Alam mo kasi Kapre, magkaiba kami ni Faith. Kung siya, naintindihan niya kaagad na mag-best friend tayo, ako hindi. Alam niya kasi na mula sa pagkabata, mag-best friend na tayo kaya alam niya rin na we can't stand na malayo sa isa't-isa. Eh si Rhianne at si Nikko? Nung college lang sila naging mag-best friend. Paano ko iintindihin 'yun?" Nagbukas na ulit ako ng panibagong San Mig Light in can at nilagok ng nilagok. Masamang-masama ang loob ko nang dahil sa Rhianne na 'yan. Pati kay Nikko. Nakakainis eh. Nakakainis!!! "Mangkukulam, manahimik ka na nga. Wala ka talagang naiintindihan sa mga bagay eh. Alam mo kasi, hindi sa tagal ng pagsasama nakukuha 'yan. Sa pag-iintindi sa isa't-isa. Kung sa maikling panahon naintindihan nila ang isa't-isa at nakapag-share na sila ng problems, kung natulungan nila ang isa't-isa sa mga personal na problema, siguro okay lang na maging mag-best friends sila. Pero hindi mo naman dapat pagdudahan 'yun kung may tiwala kang ikaw lang ang mahal ni Nikko. Magtiwala ka sa taong mahal mo, Mangkukulam. 'Yun ang isa sa mga sangkap ng isang matibay na relasyon. Tingnan mo kami ni Faith. 4 years and counting. Going strong. Byaheng forever." sabi ni Mike. Napangiwi naman ako sa huli niyang sinabi. Binatukan ko tuloy. "Aray naman!" "Ang kadiri lang! Punta kang 7/11 o kaya Ministop. Bili kang hard drinks! Miss ko na eh." At sinunod niya naman ako. --x Mike's POV:   "Tangna. Hahaha! Kapag nakita ko 'yung Rhianne na 'yan, sasabunutan ko 'yan. Hahaha. Tangna niya." sabi ni Gabby habang pasan-pasan ko siya. Hawak ko rin ang dalawang sapatos niya. Bulok na siguro daliri ko. Tsk, tsk, tsk. Pauwi na kami. Tumawag sakin kanina at sinabi niyang pumunta ako doon sa tapat ng bahay na walang nakatira. Akala ko naman kung saan. Walking distance lang pala. Sinayang ang pamasahe ko sa taxi. Tsk, tsk, tsk. Napapailing nalang ako dahil kung nakakamatay lang ang mga mura ni Gabby, malamang, mas patay pa sa double dead at triple dead si Rhianne. Sobrang nalasing si Gabby eh. Masyadong masama ang loob kay Nikko. Hindi ko naman siya masisisi. Ganito din kasi si Faith noon eh. Galit na galit kapag nawawalan ako ng oras sa kanya dahil magkasama kami ni Gabby. Pero hindi naman nagtagal, naintindihan na niya 'yun kaya hindi na rin siya nagselos. "Hoy, Kapre. Sabihin mo. . .kay Nikko. . .m-mahal. . .mahal. . .mahal ko siya." Natutulog siya habang sinasabi 'yan. Hindi ko alam kung nasasabi niya kay Nikko 'yang mga sinasabi niya habang lasing na lasing at tulog siya. Pero minsan, naisip ko rin, bakit mas gusto ko na walang boyfriend si Gabby? Mas gusto ko 'yung dating siya eh. Pero hindi ko naman siya masisisi. Nagmamahal lang naman siya. Nami-miss ko na 'yung dating siya. 'Yung dating kami. Maibabalik pa kaya 'yun? Nang makarating kami sa tapat ng bahay nila na tapat ng bahay namin, binuksan ko na 'yung gate at ipinasok siya sa loob ng bahay nila. "Oh? Anong nangyari dyan?" tanong ni Greg. "Oo nga. Nag-lasing?" tanong naman ni Tito Anton. "Malamang, Brad. Nag-LQ sila ng boyfriend niya eh. Hahaha!" sabi naman ni Greg. Minsan talaga, napapaisip ako kung normal pa ba ang pamilya na 'to eh. Magtatanong pero sasagutin din nila. Hay, nako. Pumunta na ako sa kwarto ni Gab at muntik ko nang maibalibag si Gabby nang biglang bumukas ang pinto. "Tol naman! Wag ka namang nanggugulat! Aatakihin ako sa puso sayo eh." sabi ko sa nagbukas ng pinto ng kwarto ni Gabby. Phew~ ninerbyos ako don, ah? "Sa susunod, kakatok ka bago mo buksan ang pinto, ah?!" singhal ko pa sa kanya. Kumunot naman ang noo niya. "Nabubugok ka na naman. Kakatok ako mula sa loob tapos pagbubuksan ako ng tao sa labas ng kwarto? Ganun?" pambabara ni Nikko sa akin. Aba! Aba! Sumasagot ka na ah? Mamaya ka sakin! "Ang ingay!" "Aray ko!" reklamo ko. Sinapok kasi ako ni Gabby habang natutulog. 'Yung babae naman na 'to, wala paring pinagbago kahit na halos tatlong taon siyang nanirahan sa ibang bansa. Tsk, tsk, tsk. Kaya mahal na mahal ko 'to eh. "Lasing?" tanong niya. "Hindi. Inuntog ko lang sa pader kaya nakatulog." tatanong pa eh. Amoy na amoy naman 'yung alak. Inihiga ko na si Gabriella sa higaan niya at kinumutan. "Bakit naglasing?" tanong niya pa. "Baka dahil sayo?" "Sakin?" "Hindi, Nikko. Sa akin." nakakabanas talaga minsan kausap 'tong syota ni Gabby. Ano bang nakita niya dito? Tsk. Nakakainis ah? "Siya nga pala," sabi ko nang pumunta ako sa pintuan. Tumingin siya sakin ng nagtataka. "Pinapasabi ni Gabby. . ." "Ano?" "Mahal na mahal ka niya." Matapos kong sabihin 'yun, lumabas na ako ng kwarto ni Gabby at isinara ang pinto. Habang naglalakad ako papunta sa hagdanan, hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko. Ano 'tong masakit na 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD