Chapter 12

2380 Words
Gabriella's POV:   Nasa labas na kami ng village. Papauwi na kasi si Nikko. Ginabi na nga siya eh. Nag-commute lang daw kasi siya at tinatamad daw siyang mag-drive. Sabi nga niya, bakit daw ihahatid ko pa. Sagot ko naman, baka ma-r**e siya. Tsaka gusto ko din magpahangan sa labas. Ang dami kong naiisip na hindi naman dapat isipin eh. "Eto na pala'y bus eh. Sige na," sabi ni Nikko nang may makitang bus na paparating. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako ng mabilis. "Alis na ako, asawa ko. Samahan nalang kita bukas mag-enroll sa Soo-Li. Mahal na mahal kita." sinasabi niya habang hawak-hawak ang mukha ko bago ako hinalikan ulit. "Sige, ingat. Mahal na mahal din kita." sabi ko. Ngumiti siya at sumakay na sa bus na nakahinto sa harap namin. Nang umalis na ang bus, napabuntong-hininga ako. Naupo ako sa waiting shed na pinag-hintayan namin kanina ni Nikko. Hanggang ngayon, hindi parin ako maka-move on sa pag-uusap namin ni Nikko. Lalo na nung tinanong ko sa kanya 'to...   "Paano kung si Rhianne, magkaroon ulit ng boyfriend?" nag-aalangang tanong ko matapos niyang magkwento ng tungkol sa kanila ni Rhianne. Matagal. . .   Matagal bago siya nakasagot. Alam niyo 'yung parang pinag-iisipan niyang mabuti 'yung isasagot niya? Bakit? Kailangan pa bang pag-isipan 'yun? Wag niyang sabihin na hindi niya hahayaan si Rhianne na magka-boyfriend ulit. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, pero nangingibabaw 'yung sakit; 'yung selos. "Gabi na, ah? Bakit nandito ka pa?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Mike pala. It's been months since we last talk. Dahil siguro umiiwas ako palagi sa kanya, at isa pa, 'yung palagi silang magkasama ni Faith. Hindi na naibalik 'yung dati naming pagkakaibigan. Nakakalungkot lang. Umupo na siya sa tabi ko. "Wala lang. Nagpapahangin." sabi ko. Mahabang katahimikan ang nanaig sa pagitan namin. Walang nagsasalita sa amin. Pareho lang kaming nakatingala habang nakatingin sa langit na napupuno ng mga bituin. Nagsalita na ako nang hindi nakatingin sa kanya. Nasa langit parin ang atensiyon ko. "Eh ikaw, bakit nandito ka pa sa labas? 9pm na, ah?" "Galing ako sa bahay nila Faith eh," simpleng sagot niya. Faith. . . Napabuntong-hininga nalang ako. He really loves her so much. Ngayon ko lang narealize na wala akong dapat pagsisihan sa ginawa kong pag-let go kay Mike noon. Masaya ako na hindi nasayang 'yung isinakripisyo ko noon. "So. . .kamusta ka na? It's been a long time simula nang magkausap tayo ng tayong dalawa lang. Alam kong iniiwasan mo ako. Pero. . .nami-miss na kita eh. Nami-miss ko na ang best friend ko. Nami-miss ko na ang Mangkukulam ng buhay ko." Napalingon ako sa sinabi niyang 'yun. Nakita kong nakatingin parin siya sa langit pero nang maramdaman niyang nakatingin na ako sa kanya, tumingin rin siya sakin at ngumiti. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Mangkukulam. . . Kapre. . . It was so nostalgic. Ilang taon na ba ang nagdaan simula nang tawagin namin ang isa't-isa ng ganyan? 'Yung pareho kaming masaya? "Sorry, ha?" sabi ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Akala ko, mapipigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi pala. Naramdaman ko lang kanina na may bumara sa lalamunan ko. I didn't know na hindi nakukuha sa paglunok 'yun para mapigilan ang paglabas ng mga luha. Ngumiti siya. "Bakit ka nagso-sorry?" "Kasi. . .sinira ko 'yung friendship natin. Sorry kasi hindi ko tinupad 'yung pangako natin na hindi natin iiwan ang isa't-isa." paliwanag ko habang nag-uunahan sa pag-agos ang mga luha ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinag-intertwined ito. Pinisil niya ang kamay ko bago tumingin sakin. "Wala kang dapat ika-sorry, Gab. Alam mo, kung hindi mo ginawa 'yun, hindi ako matututong pahalagahan lahat ng bagay na mayroon ako ngayon. Nung nawala ka, itinaboy ko lahat ng tao sa paligid ko. Si Faith, si Kuya Michael, 'yung mga magulang ko, at mga kaibigan natin, pati 'yung Kuya at Tatay mo. Nagalit ako sa mundo no'n. Akala ko, ako na 'yung pinaka-malungkot na tao dahil iniwan ako ng taong kasabay kong tumanda," tumawa siya ng mahina bago ipinagpatuloy ang pagku-kwento. "Kaso, simula nang sukuan ako ni Faith dahil sa pagiging miserable ko; nung sinukuan niya ako dahil akala niya wala na siyang halaga sakin simula nang mawala ka, doon ko lang narealize na hindi lang sa isang tao umiikot dapat ang mundo natin. Hindi naman natin kailangan maging sobrang malungkot kapag iniwan tayo, 'di ba? Lalo na't alam natin na babalik pa sila. Pero siyempre, hindi maiiwasang malungkot. Pero wala na 'yun. Ang importante, bumalik ka na. Ang importante, pwede ulit natin ibalik ang lahat sa dati." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil may natutunan siya nang dahil sa akin, o dapat ba akong malungkot dahil pakiramdam ko, nawala ako sa buhay niya dahil sa kagaguhan ko. Hindi ko alam. My story was supposed to be a humor. Pero bakit ang dalas dalas kong umiyak? Ang dalas kong masaktan? Masaya ako noon eh. Masaya kami. . .sobra. Hindi ko alam kung anong nangyari at naging sobrang madrama ang buhay ko. Kailan ba ako nagsimulang masaktan? Kailan ba ako nagsimulang malungkot? Kailan ba naging madrama ang buhay ko? Ah, alam ko na. Simula nang dumating si Faith sa buhay naming lahat. Pero alam ko naman na hindi ko siya dapat sisihin. Sa totoo lang, ako ang dapat sisihin dahil kung hindi ko niligtas 'yung Faith na 'yan sa mga putaenang holdaper na 'yan, hindi siguro kami magkakaganito. Pero hindi rin, 'di ba? Kasi siya 'yung babaeng hinahanap ni Mike noon. Siya 'yung babaeng nagpatibok ng puso ni Mike. Siguro, naka-tadhana lang talaga na mangyari sa amin 'to. Kaso, I doubt na maibalik sa dati 'yung friendship namin ni Mike. Feeling ko, hinding hindi na babalik sa dati 'yun. Minsan nang nasira. Parang baso. Once na nabasag, buuin man, may lamat parin: may marka parin. "Pwede pa bang mangyari 'yun?" tanong ko. "Oo naman. Kung gugustuhin mo," sabi niya. Ngumiti siya sa akin at naglahad ng kamay. "Friends?" he said. Ngumiti ako at nakipag-shake hands sa kanya. "Best friends." --x Simula nung araw na 'yun, naibalik na namin sa dati ang bestfriendship namin ni Mike. Nagbalik na si Mangkukulam at Kapre. Masaya na naman sa mumurahing village namin. Bwahaha! "Late ka nang mag-eenroll, Mahal." sabi ni Nikko habang nakasakay kami sa bus. Kasama din namin si Angel. Sa tatluhan kami naupo eh. Nasa gitna nila akong dalawa. Si Angel, tulog. Ewan ko ba dito kung anong ginawa mag-hapon kahapon. "Nakakatamad kasi." sabi ko. Isang linggo na ang nakakaraan kasi. 'Di ba sabi niya nung nagpunta siya sa amin, sasamahan niya akong mag-enroll kinabukasan? Eh tinamad ako kaya natulog nalang kami sa bahay namin. Hanggang sa sumunod na mga araw, tinamad na naman ako. Ngayon nga, tinatamad ako eh. Pinilit lang ako nitong uto na 'to dahil pasukan na naman in two weeks. "Sus, ang sipag mo nga eh." sabi niya naman. Inuuto na naman ako nito. "Haha. Oo. Masipag ako magpahinga. Oh? Angal?" tanong ko tapos inambaan ko ng suntok. Hinawakan niya naman ang ulo ko at isinandal sa dibdib niya. "Ang sipag mong tumakbo. 24/7 kang tumatakbo sa isip ko," narinig kong sabi niya kasabay ng mabilis na t***k ng puso niya. Napangiti ako sa sinabi niya. "Eww. So corny," sabi naman ni Angel at tinalikuran kami bago naglagay ng headset sa dalawang tenga. Natawa naman kaming dalawa ni Nikko du'n. Pffft. --x Nang makarating na kami sa Soo-Li, grabe sa dami ng estudyanteng nag-eenroll. Napaka-haba ng pila, jusko. 7am na kaming nagpunta dito, ah? Tsk. "Grabe. The pila is so haba. I kennot!" sabi ni Angel. "Let's go na. Para matapos na tayo ng maaga." sabi ni Nikko. Actually, kaming dalawa lang naman ni Angel ang mag-eenroll eh. Third year na kami! Malapit na kaming gumraduate! Pero after naman namin dito, napag-usapan namin ni Angel na kukuha kami ng Masterals eh. Para astig, 'di ba? "I'm so pagod na." sabi Angel. Pinupunas-punasan pa niya 'yung pawis niya. "It's so init, Gabby. You make pila nalang me. You have kasama naman eh. I'm so OP here, ah?!" Nagulat naman ako sa biglang banat ni Angel na 'yun. OP na pala, hindi pa nagsasalita. Di naman kami ganun ka-sweet ni Nikko sa maraming tao eh. Para lang kaming barkada na may something sa isa't-isa, ganun. Haha! "Hoy! Gago. De ikaw pumila. Ikaw kaya may gustong sumama sakin dito na mag-aral. Sampalin kita dyan ng pera eh," sabi ko. Si Nikko naman, tawa lang ng tawa. "Hoy, ano na naman 'yung pinag-aawayan niyo na 'yan?" Napalingon kami sa sumigaw sa likod. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Yves at Aubrey. Teka! Anong ginagawa nila dito? "Hay, nako. Sabi ko na nga ba eh. May b***h na darating. Tsk," bulong ni Angel. Natatawa talaga ako sa dalawang 'to. "Hoy, kutong lupa! Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko nang makalapit na siya samin. "Hi, pre!" sabi naman ni Yves at nakipag-bro fist sakin. "Wala lang. Pinuntahan ko lang kayo. Nagpasama na rin ako sa bodyguard ko. Haha." sabi ni Aubrey. "Grabe. Ang gwapo ko namang bodyguard ng isang muchacha." sabi naman ni Yves habang nakahawak sa baba. Siniko naman siya ni Aubrey. Napatingin siya kay Angel. "Oh? Ba't may witch dito?" tanong ni Aubrey sakin. Tiningnan naman siya ng masama ni Angel. "Eff you, bitch." sagot naman ni Angel. Feeling ko talaga, may pinagpuyatang 'tong babaeng 'to kahapon. Halatang inaantok eh. "Aww. Poor you. Ikaw lang ang walang boyfriend dito." sabi ni Aubrey na parang naaawa kay Angel. Naramdaman kong hinawakan ni Nikko ang baywang ko. Namula naman ako dun. Grabe, hanggang ngayon, may kilig parin. Sobra. Nasa likod ko kasi si Nikko sa parang nakayakap siya sa waist ko. Ehehe. Kenekeleg eke. Ehehe. "De kayo na may boyfriend!" bulyaw ni Angel kay Aubrey. Natawa naman kami du'n. "Tsk, tsk, tsk. Bitter ka na naman. Tumitibok na naman 'yung apdo mo." natatawa-tawang sagot ni Aubrey. "What are you saying ba, b***h?!" "Kapag in love, tumitibok ang puso. Kapag bitter, tumitibok ang apdo. Hahaha!" Hahahahaha! Natawa na kaming lahat (except kay Angel) dahil du'n sa sinabi ni Aubrey. Oo nga no? Hahaha! Kapag nga naman bitter, apdo ang tumitibok. Grabe! Mahusay, mahusay! Clap your hands, everybody! Everybody, clap your hands! Hahaha! --x 11am na kaming natapos magpa-enroll at nagulat ang mga professor na nandun pati 'yung nasa registrar nang makita ako. Syempre, ang ganda ko. Haha! Joke. Hahaha. Joke lang ulit. Nagsasabi akong totoo na maganda ako. At hindi ako nagjo-joke. Pero ang totoo niyan, nagulat sila nang makita ako ulit dahil nga ang tagal ko daw nawala. Nagka-trabaho na daw lahat ng mga ka-batch ko, ako naman daw hanggang ngayon ay nag-aaral pa. Dapat nga, kanina pa kami tapos eh. Kaso nakipag-kwentuhan pa sakin 'tong mga teacher na 'to. "Grabe. I am very hungry, ah?" sabi ni Angel habang kumakain ng spaghetti sa cafeteria dito sa Soo-Li. Di na namin kinayang bumyahe pa para kumain sa labas at gutom na gutom na kami, oh mahabaging langit. "Ang arte mo talaga witch. Umuwi ka na nga!" bulyaw naman sa kanya ni Aubrey. "Tseh! You make uwi! You didn't study at all here naman eh! You didn't belong here na. Poor you." sabi ni Angel sabay belat kay Aubrey. "Aba! Namumuro ka nang wit--" "Oh, babe. Tama na. Wag mo na ngang patulan. Di ka na nasanay." pag-awat ni Yves kay Aubrey. "Oo nga. Magsitigil na nga kayo. Ang tatanda na eh." sabi ko. "Pffft. Hahaha! I'm not matanda no! I'm 18 palang kaya. D to the U to the H? That b***h is oldy na. Hahaha!" Napailing nalang ako sa dalawang isip bata na hindi parin tumitigil sa pag-aasaran. Kay Nikko ko nalang itinuon ang atensiyon ko. Mabubuo pa ang araw ko. "Ang gulo ng mga kaibigan mo. Sa susunod, wag na natin silang isasama nang masolo naman kita, Mahal." sabi ni Nikko. Una, asawa ko. Ngayon, Mahal. Ano ba talaga, hijo? Kinikilig ako, ah? Di ko lang siya matawag sa ganun dahil nahihiya ako. Tsk. "Haha. Hayaan mo na. Sa susunod, tayo nalang dalawa palagi magkasama." sabi ko nalang. Nagkwentuhan pa kaming dalawa ni Nikko nang biglang tumunog 'yung cellphone niya. Kinuha niya 'yun sa bulsa niya at sinagot ang tawag. "Hello, Rhianne." Poker face. Naiinis ako kapag binabanggit niya 'yung pangalan ni Rhianne. Feeling ko, pangalan ko lang 'yung gusto kong sinasabi niya palagi. Gusto ko, ako lang. "Tapos na naman na. Kumakain nalang kami. Uuwi na rin kami mamaya." Ano bang pinag-uusapan nila? Hindi ko kasi naririnig sinasabi nung impakta eh. "Okay. Wait for me, ha? Pupuntahan kita dyan mamaya. Sige." After that, their conversation ended. "Ano daw sabi ng best friend mong mas clingy pa sakin?" mahina kong tanong sa kanya habang nakatingin sa carbonara na kinakain ko. "Ano?" "Sabi ko, anong sabi ng best friend mo?" na mas clingy pa sakin. Gusto ko sanang idugtong kaso baka magalit sakin eh. "Wala. May kailangan daw siyang sabihin sakin. May nangyari yata. She seem so sad. Ano na naman kayang nangyari dun?" sabi niya. Napatingin nalang ako sa kanya. Sobra naman siya kung mag-worry dun sa babaeng 'yun. Halatang malalim 'yung iniisip niya habang kumakain siya. Argh! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?! Nakakainis! Nagagalit ako! Nagagalit ako. Bago pa man ako sumabog sa galit, ibinagsak ko na 'yung tinidor na hawak ko at tumayo bago lumabas ng cafeteria. Halatang nagulat 'yung mga kasama ko sa ginawa ko, pati 'yung iba na kumakain dito. "Gab! Saan ka pupunta?" tanong ni Nikko. "Kahit saan, basta malayo sayo." Pagkasabi ko niyan, tumakbo na ako palayo sa kanya, pero bago pa man ako makalayo sa kanya, hinawakan niya ang braso ko para pigilan. "Gab, ano ba problema?" tanong niya. Hinila ko ang braso kong hawak niya. "Wala." Tumakbo na ulit ako hanggang sa makalabas na ako ng campus. Bakit ba may ganito akong nararamdaman? Bakit ngayon ko lang naramdaman 'yung ganito? Oo! Alam kong selos 'to. Pero iba 'yung selos na nararamdaman ko ngayon kesa dati kay Mike. Galit ako. Galit na galit ako. Sana hindi ko nalang maramdaman ulit ito. I hate this feeling! Argh! Magsama silang dalawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD