Chapter 11

2659 Words
Yes! Nikko and I were good! Buti nalang at nagkaayos na kami. At masaya ako ngayon dahil kami na. "You look so happy. Kainis. You didn't tell me earlier kasi that Gerald is into you until now. I look so stupid tuloy. I make tampo." sabi niya habang kumakain dito sa amin. Katapang ng hiya nitong magtampo samantala kumakain na siya sa amin. Pero yes. Hindi ko kaagad 'yung nasabi sa kanya. Nawala na sa loob ko eh, tsaka baka kasi, you know. Magalit. "Wag mong sabihing you have a boyfriend na, huh?! Soon enough, magiging boyfriend ko rin si Papa Gerald." sabi niya pa na parang nagde-daydream. Gago talaga 'to. "Ligawan mo na kasi." sabi ko naman. "Huu. Ayaw ko nga. I'll make him court me, nu." Ilang saglit pa, may nag-doorbell. Nagkatinginan kami ni Angel tapos sumimangot na naman siya. "I'll go ahead na nga. Your boyfriend is here na eh. Hmp!" sabi niya tapos ay uminom ng tubig bago lumabas ng bahay namin. Natawa nalang ako. Sumunod na ako kay Angel para pagbuksan ang mahal kong boyfriend. Grabe. Ganito pala ang feeling, no? Sana noon palang, sinagot ko na siya. Joke. "Hi," bati niya sakin when I opened the door. "Yo." sabi ko naman. Tumawa siya at lumapit sakin bago hinawakan ang mukha ko at mabilis akong hinalikan sa labi. "Paksyet ka!" sabi ko. Tumawa naman siya. Nauna na siyang pumasok sa akin sa loob ng bahay ko. Grabe ha. Bahay niya 'to eh. At ako ang bisita. Facepalm. It's been two weeks simula nung maging kami. Masaya. Masaya kaming dalawa. Sabi nga niya, napaka-worth it ng paghihintay niya kasi sobrang saya niya daw ngayon na naging kami na. Pumunta siya sa kusina at binuksan ang ref. Kumuha siya ng pagkain doon at sinimulang kainin. "Ehem. Nakakahiya. Ehem." pagpaparamdam ko. "Oh? Andyan ka pala." sabi niya pero tuloy parin siya sa pagtibag ng mga pagkain. "Penge." sabi ko. "Huu. De kumuha ka ng sayo." Aba. Gago 'to, ah? Kinuha ko nga 'yung pagkain niya at kumain. "Hoy," sabi niya nang makitang inuubosko na ang pagkain niyang kinuha. Pero hindi ko siya pinapansin. "Kapag hindi mo ibinigay 'yan--" "Ayan na! Ayan na." sabi ko sabay lagay sa kanya ng ice cream na nasa bowl. Ang sarap eh. "Ubusin mo. Mabilaukan ka sana sa kadamutan mo." Tumawa naman siya bago sinabakan yung ice cream. Tarantado, nu? Pinagdadamutan 'yung girlfriend. Ibreak ko nga 'to. Joke. Pumunta nalang ako sa ref at kinuha 'yung lalagyanan ng ice cream. 'Yung super think na rocky road 'yung kinakain namin kaya ang sarap eh. Buti nalang may natira pa. Medyo madami pa nga eh. Kumuha ako ng kutsara at doon ko na kinain 'yung ice cream. "Hoy. Ang daya mo naman! Bakit kinain mo lahat 'yan? Magtira ka naman," sabi niya. "Wala kang pakialam. Bakit? Bahay mo 'to?" pagtataray ko. "Hindi. Pero asawa kita. Kaya penge na. Dali." Ano daw? Asawa? Tungnu. Uwian na. "Kadiri 'to. Maka-asawa naman. Di pa nga tayo kasal eh. Ni singsing nga, wala tayo. Psh." pagtataray ko sabay irap sa kanya. Tumawa naman siya at tumayo pumunta siya sa likod ko at niyakap ako. Yii. Ang PDA namin. Hanggang ngayon, hindi parin nagsi-sink in sakin na may boyfie na ako. Ahihi. Hinalikan niya ang ulo ko. "Kahit wala pang singsing, kahit wala pang marriage contract, sa isip at puso ko, mag-asawa na tayo." sabi niya tapos hinigpitan niya ang yakap sakin at ipinatong ang baba sa balikat ko. Ahehe. Teka lang. Kinikilig ako. Ahehe. Ang sarap lang sa pakiramdam. "Wag mo na akong utuin. Ayan na 'yung ice cream." sabi ko habang pilit na itinatago ang mga ngiti ko. Bumalik na siya sa upuan niya at kinuha ang ice cream na nasa harapan ko. See? Timawa, 'di ba? Malala pa sakin. Tsk. "Salamat," sabi niya habang sinasabakan ang ice cream ko. Pakyu. "Tss." "Pero lahat ng sinabi ko, totoo." sabi niya ulit. Ugh. Me is so kinikilig. Teka. . .bakit nagiging conyo ako?!?! Argh. --x Nandito kami sa sala. Ako, nakaupo. Si Nikko naman, nakahiga sa mahabang couch tapos nakapatong ang ulo sa lap ko. Alam niyo ba kung ano ang ginagawa namin? Nag-aano kami. . . Nag-aano. . . 'Yung ano. . . Ano. . . "O-ouch!" sigaw ni Nikko. "Dahan-dahan kasi. Ugh." "Mas masakit 'to kapag dinahan-dahan ko. Kailangan, biglaan." sabi ko naman. "Ah. . .a-aray! Ugh, o-ouch!" sabi ni Nikko. "Hoy! Anon ginagawa niyo?!" Napalingon kami sa dahil sa pag-sigaw ni Kuya na kakapasok lang ng bahay. Nanlaki ang mata ko. "Kuya Greg oh? 'Yung kapatid mo nga. Binubunot 'yung buhok ko sa ilong. Ang sakit kaya," pagsusumbong ni Nikko. "Eh bakit mo ba naman kasi binubunot, Gabby?" tanong ni Kuya ng natatawa-tawa. "Wala lang. Bored eh. Pffft!" sabi ko. Tumawa nalang si Kuya at napailing sa aming dalawa bago pumunta sa kwarto nilang mag-asawa. Kami namang dalawa, bumalik sa dating pwesto tapos si Nikko, binuksan 'yung TV. NBA ang palabas. Miami vs. Spurs. Wuu~ Miami eff tee dobol yu! "Kwento ka nga." sabi niya. "Ano namang ikukwento ko?" tanong ko naman. Nag-uusap kaming dalawa pero yung tingin naming pareho, nasa TV. "Hm, 'yung nangyari sayo habang nasa Canada ka." sabi niya. Hmm, ilang beses ko na ba 'tong sinasagot? Ang dami kasing nagtatanong eh. Alam niyo 'yung. . .nakakasawang sagutin? Facepalm. Pero dahil boyfriend ko naman siya, okay. Sasagutin ko. Ahihi. "Boring ang buhay ko doon. Kasi wala kayo sa tabi ko. And. . .haha. Enough said." sabi ko lang. True naman eh. Bored na bored kaya ako dun sa Canada kasi nga, wala 'yung mga taong nakasanayan kong kasama. "Eh, wala namang nanligaw sayo du'n?" tanong niya pa. Pffft. Natawa naman ako du'n. "Marami. Ang ga-gwapo nga eh. Hihi," sabi ko. Tumingin siya sakin ng masama nang sabihin ko 'yun. Sinapak ko nga pero pabiro lang. "Di pa tapos. Wag kang ano. Ayun nga. Madaming nanligaw sakin du'n kasi maganda ako," sabi ko. "Ay, ganun? Nakaka-antok naman 'yung joke mo, asawa ko. Tara, matulog," sabi niya tapos naghikab kunwari. Sinabunutan ko nga. "Aray!" "Sabihin mong maganda ako," sabi ko. "Kiss muna." "Wag na. Ang pangit ko. Ang pangit pangit pangit pa--" Hindi ko pa man din natatapos 'yung sasabihin ko, hinila na niya ako papalapit sa kanya at hinalikan. Nakakakilig kung titingnan. Ang kyotie kasi ng posisyon namin. Nakaupo siya sa lap ko tapos ako nakayuko and we're kissing. Para siyang upside down kiss. After the kiss, ngumiti siya at binulungan ako. "Ikaw ang pinaka-magandang babae sa buhay ko." Ugh. He's making me shiver, but in a good way. Nosebleed! Ang totoo niyan, ang sarap lang talaga sa pakiramdam na manggaling mula sa kanya 'yun. Pero sinimangutan ko siya. Kunwari di ako naniniwala. Tsaka may isa pa akong naisip eh. "Bakit?" tanong niya ng nakakunot-noo nang makitang nakasimangot ako. "Mas maganda ako kay Rhianne?" tanong ko. Well, totoo namang mas maganda ako kay Rhianne. Haha! Pero gusto ko parin manggaling sa bibig niya ang mga salitang gusto kong marinig. "Oo naman. Isa pa, magbest friend lang kami. Ikaw ang girlfriend ko. Ikaw ang asawa ko." sabi niya tapos hinalikan niya ulit ako ng mabilis. Ngumiti ako sa kanya. Feeling ko, hindi ako kontento sa isinagot niya. Naalala ko kasi 'yung mga sinasabi sakin ni Kuya eh. 'Mas matimbang ang best friend kesa sa girlfriend. Kasi pwedeng magbreak ang mag-boyfriend pero ang magbest friend, hindi.' What if. . .what if ngayon magkatotoo lahat ng 'yan? Paano kung. . .paano kung magbreak nga kami ni Nikko someday? Iniisip ko palang, nasasaktan na ako. "Nikko. . ." "Hmm?" sagot niya habang nanonood. "Pwede mo bang ikwento sa akin kung kailan nagsimula ang pagiging magbest friend niyo ni R-Rhianne?" Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa isasagot niya. Paano kung mas worth it si Rhianne na maging girlfriend niya kesa sakin? Ugh! Bakit ko ba iniisip 'to? Tsk. ** Nikko's POV: "Nagsimula 'yun nung nag-transfer si Rhianne sa Soo-Li University nung 2nd year college na kami..." Flashback... "Hi! I'm Rhianne Santiago. 18 years old. I am from Asia Pacific College but I chose to transfer here in this school because we're now staying here for good, I think." Pagpapakilala ng new student.   Maraming transferee ngayong school year dito sa Soo-Li. Maganda kasi ang pamamalakad ng eskwelahan dito. Nadidisiplina lahat ng mga estudyante dito na nambubully at yung mga mag-boyfriend na PDA.   Hindi mahigpit ang eskwelahan at maraming activities na lahat ng estudyante, mag-eenjoy. Maganda ang turo. Siguradong lahat ng dapat maituro, naituturo sa eskwelahang ito kaya't hindi sayang ang 25k tuition fee per sem.   "Thank you, Ms. Rhianne. You can sit beside Mr. Suarez."   Napatingin ako sa babaeng 'yun na sinabing pwede daw siyang umupo sa tabi ko. Nagkatinginan kami. Ngumiti siya sa akin at lumapit tsaka umupo sa tabi ko.   "Hi! I'm Rhianne. Ikaw?" tanong niya habang nakalahad ang kamay, asking for shakehands.   "Nikko. Nikko Suarez." sabi ko at nakipag-shakehands sa kanya.   "Nice to meet you." sabi niya. Tumango nalang ako at ngumiti.   --x   Simula nang araw na 'yan, naging magkaibigan kami. Actually, ako lang ang naging kaibigan niya. Ako lang ang kinaibigan niya. Pero ako, marami akong kaibigan. Hindi lang masyadong close pero madalas naman kaming nagkakausap.   Sa tuwing may mga activity na gagawin sa Drawing111 namin at kailangan ng partner, palagi kaming dalawa ang magpartner. Naging sobrang close kami hanggang sa sinabi niya,   "Alam mo, hindi ko kailangan ng maraming kaibigan kung gagamitin lang nila ako para makapasa sila. Isang totoong kaibigan lang ang kailangan ko. Ikaw lang 'yun, Nikko. Ikaw na best friend ko,"   Dun ko lang napagtanto na mag-best friend na pala kami. Palagi siyang nagpupunta sa bahay namin. Palagi silang nag-kakasundo ni Nicole. Sa condo ko naman, palagi din siyang pumupunta para ipagluto ako. Kapag nagkakasakit ako, inaalagaan niya ako. Hindi siya umaalis sa tabi ko hangga't hindi nagiging maayos ang pakiramdam ko.   Naalala ko pa dati. Nagkaroon kaming dalawa ng seryosong pag-uusap. Kinwento niya ang tunay na dahilan ng paglipat niya ng eskwelahan.   "Noong nasa APC pa ako, I had so many friends. Actually, I have a boyfriend way back then. I love him so much. Actually, ako rin ang gumagawa ng plates niya para makapasa siya dahil daw tinatamad siya. And every time na may assignment kami, ako ang gumagawa. Kapag may exam, nire-review ko siya. Lahat ginawa ko para sa kanya.   Binigay ko rin sa kaniya 'yung mga material na bagay na gusto niya. I almost gave him everything because he asked for it and I loved him so much that I can't say no to him but I back out. Naisip ko kasi, we're too young for that and I am not ready to give him that. I told him that if he really loves me, he can wait for it until I am ready. But he got angry on me. He became cold. Cold as ice. And after being together for 6 months, I've found out na ginagamit lang pala niya ako para makuha ang lahat ng gusto niya. Noong nakipag-break siya sakin, hindi ako pumayag. Sabi ko, ibibigay ko ang lahat sa kanya wag niya lang akong iwan. When he asked for 'it' again, hindi ako nakapagsalita because I don't know if I can. And that's the end of our love story." pagku-kwento ni Rhianne habang umiiyak.   Naaawa ako kay Rhianne nung mga oras na nakikipag-kwentuhan siya sa akin about sa buhay namin. Naaawa ako sa kanya kasi, sa likod ng maaliwalas at masiyahin niyang mukha, may pinagdaanan rin pala siya na sobrang nagpasakit sa kanya.   Nag-iinuman kaming dalawa dito sa sala ng condo ko. Madalas namin gawin 'to. Kaya kapag nalalasing siya, dinadala ko nalang siya sa kwarto para dun siya matulog at ako, dito lang sa couch. I didn't take advantage on a drunken woman. Isa pa, isa lang naman ang taong mahal ko.   "Anong nangyari sa mga kaibigan mo? 'Di ba, marami sila? Hindi ka nila tinulungan du'n sa ex-boyfriend mo?" tanong ko.   "They weren't true friends. They're just using me. Everytime na may group activity, ako ang gusto nilang ka-group. Ako ang ginagawa nilang leader. I don't know why. Pare-pareho naman kaming nag-aaral. Bakit kailangan pa nilang gamitin ang talino ko para makapasa sila, 'di ba? You know what Nikko, if I haven't found out that they're not using me, hindi naman ako lilipat ng school eh. I treasure them so much. Kaso, ayun nga." Pinunasan na niya ang luha niya at pinakalma ang sarili.   Nagsalin ulit siya ng alak sa baso at uminom.   "Ikaw nga. Magkwento." sabi niya.   "Anong iku-kwento ko?"   "Girls from the past. A girl you love the most. Past life. Kahit ano. Basta it will keep us busy nang hindi agad ako makatulog." sabi niya.   "Si Gabriella Manlapaz," panimula ko.   That time, 5 months na simula nang umalis si Gab ng bansa. And still, nasasaktan parin ako na hanggang sa mga oras na 'yun, hindi pa siya umuuwi.   "Who is she?"   "She's the Unbeatable." simpleng sagot ko.   "Unbeatable?" nakakunot-noong tanong niya.   "She's unbeatable in my heart."   "O-oh? Do you mean. . .you still love her?" she asks.   "Yes. I do. She never left my heart. Kasi, dala niya 'yun kahit saan siya pumunta. And it's been 5 months since she left us. . .since she left me."   "Do you think babalik pa siya? Do you think. . .babalikan pa niya kayo. . .ikaw?" tanong niya.   "Yes. I believe in her promises. Alam ko babalik siya."   "What if, hindi na?" tanong niya ulit.   "Then I have no choice but to go to where she is right now and drag her back to Philippines." sabi ko nang natatawa-tawa. Natawa rin siya but there's something in her.   "Oh? Hindi mo idi-divert and atensiyon mo sa iba? Hindi mo idi-divert ang pagmamahal mo sa. . .iba?"   "I won't. Because I promise that she's the only girl that I will love. And she's the only girl I ask for God to be my wife."   "Oh," 'yan nalang ang tangi niyang nasabi matapos kong magpaliwanag.   --x   Since that day, mas naging open kami sa isa't-isa. Mas naging close kami at mas naging masaya kami. Siya ang taong nagpapasaya sakin sa tuwing nalalaman o nararamdaman niyang nalulungkot ako.   Siya lang ang hindi sumuko sakin na sabihing maging masaya kahit wala na dito ang babaeng mahal ko. Siya ang tumulong sakin na tumayo ulit sa sarili kong paa.   I always thought that my life was a mess without Gabriella by my side. Siya lang naman kasi ang gusto ko eh. Bakit kailangan niya pang umalis, 'di ba?   Yes. We always talk to each other, kaso phone call and skyppe lang. Mas masaya talaga kapag magkasama talaga kami. 'Yung nahahawakan ko ang kamay niya, nayayakap ko siya, basta. I always thought she's my life. But Rhianne always told me that,   "There are so many reasons to be happy. We didn't have to focus our attention to only one."   And I guess she's right. I started to live happy without Gabby but with my best friend, Rhianne. Naging normal ang bawat araw na dumadaan sa buhay ko. Pero at the end of the day, si Gabriella parin ang kailangan ko para makamtan ang totoong kaligayahan. Siya lang talaga. End of Flaskback. ** Sa naalala kong 'yun, hindi ko maiwasan na mapangiti. Kasi, noon ko lang narealize na masaya pala talaga ang may best friend ka sa tabi mo. Simula nang makilala ko si Rhianne, hindi ko masisisi si Gabriella kung bakit hindi niya matanggap na may babae nang mahal si Mike. I understand her now. "Paano kung si Rhianne, magkaroon ulit ng boyfriend?" tanong ni Gab. Kung si Rhianne, magkaka-boyfriend ulit? Minsan nang pumasok sa isip ko 'yan at hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksiyon ko. Kailangan ko ba siyang suportahan nalang sa gusto niya? O siguro, kailangan ko siyang ingatan? Rhianne is so special to me. And one thing is for sure: hindi agad ako magiging masaya para sa kanya kapag nagka-boyfriend na ulit siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD