Natapos na akong mag-empake ulit ng mga gamit ko. Nakapag-pabook na ulit kami ng flight papunta sa Canada at mamayang 4am ang alis namin. So technically, dapat 2-3 hours earlier ay nandoon na kami sa airport.
10pm na. Di parin ako maka-getover sa kalokohan ng mga kaibigan ko kahapon. Pati 'yung Kuya ko, dinamay. Putek. Anong akala nila? Nakakatawa 'yung pinaggagagawa nila? Hindi. Nakakagalit. At feeling ba nila, mapipigilan nila ako sa pag-alis dahil sa ginawa nilang 'yun? Naubos na pera ko kakabili ng plane ticket papunta sa Canada na 'yan dahil palagi nalang naaantala. Buset. Magta-trabaho na naman ako ng sobra sa Canada para mapalitan 'yung mga perang nagamit ko.
Hanggang ngayon, hindi ko parin sila kinakausap. Yes. Silang lahat, pati si Kuya. Damay-damay na, I know. Nakakainis kasi dahil feeling ko, pinaglalaruan ako ng mga paksyet na 'yun.
Maya-maya, may kumatok.
"Walang tao." sabi ko.
Ayokong makausap ang kahit na sino sa kanila ngayon.
"Papasok ako." sabi ng tao sa labas. Si Kuya.
"Mamamatay ang papasok sa loob ng kwarto ko." sabi ko ulit.
"Gabby naman. . ."
Tatayo sana ako para ilock ang kwarto ko pero binuksan na 'to ni Kuya at saka pumasok. Inirapan ko nalang siya at humiga na ulit.
"Gab, sorry na." malungkot na sabi ni Kuya. Umupo siya sa gilid ng higaan ko. "Hindi naman talaga ako ang nagplano ng lahat ng 'yun eh. Sa totoo lang, against nga din ako sa pinaplano ni Nikko na 'yun para pigilan ka eh. Pero di ko naman siya mapigilan. Gusto niya talaga na huwag ka nang umalis. Gusto niya, dito ka nalang ulit. Ayaw ka na niyang maging malayo pa sa kanya."
I'm tired of hearing those explanations. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nangyari na eh.
"Okay, Kuya. Sabihin na natin na against kayong lahat sa pinaplano ni Nikko. Pero isipin mo nga, paano kung natuluyan 'yang si Nikko? Makukulong ka. Mawawalan ng asawa si Ate Rissa. Mawawala si Nikko sakin. Sabihin mo nga, paano ako matutuwa dyan sa katarantaduhan niyong 'yan para lang mapigilan ang pag-alis ko? Paulit-ulit ko namang sinasabi na babalik ako once na maka-graduate na ako, pero ano? Hindi kayo makapag-hintay? Kapag ba napigilan niyo ang pag-alis ko, uunlad ang Pilipinas? Hindi naman, 'di ba?" mahabang sabi ko.
"Gabby. . .mahal ka lang ng tao kaya handa niyang gawin ang lahat para sayo. . .makasama ka lang niya ulit. At kung kami ang tatanungin, ayaw na naming bumalik ka pa sa Canada. Gusto namin, dito ka lang. Kasi masaya kami kapag nandito ka. Sana lang maintindihan mo na ginagawa lang namin 'to dahil mahal ka namin."
Pagkasabi niya niyan, tumayo na siya at naglakad papunta sa pintuan. Pero bago siya tuluyang lumabas, nagsalita ulit siya.
"At isa pa, kung hindi ka namin kayang daanin sa santong dasalan, dadaanin ka nalang namin sa santong paspasan." then he left..
Wow, lalim. Ano ibig sabihin non? Psh. Kahit anong sabihin nila, 'di na nila ako mapipigilan.
--x
Halos 'di rin ako masyadong nakatulog. Nakaidlip lang ako ng konti dahil nga almost 11pm na ako nakatulog.
Hindi ko alam kung bakit parang may nararamdaman akong kakaiba. Feeling ko, may something eh. Sobrang tahimik. Wala akong naririnig na kahit na anong kaluskos sa baba. Di rin pumunta sa kwarto ko si Nanay or si Angel para gisingin ako at sabihing magmadali ako dahil aalis na.
Kinuha ko na ang maleta ko sa gilid since tapos na akong gumayak. Lalabas na sana ako ng kwarto ko pero ayaw umikot ng doorknob! Fck! Kinulong nila ako! Mga paksyet sila!!!
"Mama! Kuya! Tatay! Ano ba? Pagbuksan niyo nga ako!" sigaw ko habang kinakatok ang pinto ko.
May narinig akong pag-andar ng sasakyan sa baba. Tumingin ako sa bintana at nakita kong umalis na ang sasakyan namin. What the fck?!
"Argh!!!"
Ginawa ko ang lahat para mabuksan ang pintuan ng kwarto ko but I failed. Sinundot-sundot ko na ng hair pin, pinadaanan ko na ng card pero parang may nakaharang. Tsk.
Kaya ang ginawa ko, nagbuhol nalang ako ng nagbuhol ng mga damit at itinali sa railings ng veranda ng kwarto ko tsaka ihinulog 'yung pinagbuhol-buhol kong mga damit.
Dahan-dahan ko ring ibinagsak ang maleta ko dahil natatakot akong baka masira. Syempre, ang mahal kaya niyan. Baka sumabog pa mga damit ko. Ang mamahal pa naman.
After that, ako naman ang bumaba. Kumapit ako ng mahigpit at dahan-dahan akong bumaba habang nakakapit ng mahigpit sa mga damit na ipinagdugtong-dugtong ko pero ang malas ko!
Natanggal sa pagkakabuhol ang damit kaya nalaglag ako!
"Aahh!!!" sigaw ko.
Napapikit ako nang naramdaman kong nahuhulog na ako pero hindi ko naramdamang nalaglag ako sa sahig. Napadilat ako ng mata at nakita kong salo-salo ako ni Mike.
"M-Mike. . ."
Nagkatinginan kaming dalawa ng ilang segundo at parang may nakita akong kakaiba. Hindi ko alam kung ano pero naramdaman ko nalang na parang bumilis ang t***k ng puso ko.
Agad akong bumitaw sa kanya at umalis sa pagkaka-salo niya. Kinuha ko ang maletang ibinaksak ko kanina at pinagpag ito. Nagkaroon ng gasgas. Tsk. Ang mahal eh. Psh.
Lalabas na sana ako ng bahay pero nakita kong naka-lock ang gate. Seryoso?! Hanggang dito, kailangang mag-over the bakod ako?!
Lumingon ako kay Mike ng may masamang tingin. Ngumisi naman siya at pinaikot ang susi sa daliri niya.
"Akin na 'yan! Kailangan kong umalis, Mike!"
Bago pa ako makalapit sa kanya, ibinalibag na niya sa labas ang susi. Puta. Paano ko makukuha 'yun?! Paano ako makakalabas dito?!
"Alam niyo, nakakatuwa kayo." sarcastic na sabi ko bago tinungo ulit ang gate.
Sinimulan ko nang akyatin ang gate para makalabas pero nasa kalahati palang ako nang maramdaman kong may humawak sa bewang ko at binuhat ako paalis doon.
"Tangina Mike! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya habang nagpupumiglas.
Nang ibinaba na niya ako, hinawakan niya ako sa dalawang balikat at itinulak sa pader.
"Gabby, ano ba?! Hindi mo ba kami naiintindihan? Ayaw na naming umalis ka! At hindi ka na rin pwedeng umalis pa, Gab. Di mo na ulit kami pwedeng iwan!" sigaw niya sakin.
Napakagat ako ng labi nang makita na parang nasasaktan siya sa mga ginagawa ko.
"Mike, hindi mo rin ba naiintindihan? Hanggang ngayon. . .ikaw parin. Hanggang ngayon. . .masakit parin. At hanggang malapit kayo sakin, alam kong hinding-hindi mawawala 'tong nararamdaman ko para sayo."
Tumulo ang luha ko matapos kong magsalita. Pumungay ang mga mata ni Mike.
"Gab--"
"Kasi Mike, mahal parin kita. Mahal na mahal."
Pagkasabi ko niyan, napahagulgol na ako. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon, siya parin. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon, mahal na mahal ko parin ang best friend ko, at ang sakit parin. Sobra.
"Hindi mo naman kailangang lumayo, 'di ba? Gabby. . .hindi mo lang alam na sobra akong nalungkot noong iniwan mo ako. Hindi mo alam kung gaano ako kawasak nung mga panahong wala ka sa tabi ko. Gabby. . .ayoko nang maulit ulit 'yun. Please, Gabby. Wag ka nang umalis." sabi niya.
Muli. . .napakagat ako ng labi nang makita ko ang pagtulo ng luha niya. Nakita ko naman na tumingin siya sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang naestatwa ako sa pag-tingin niya sa labi ko. Hindi ako makakilos.
"Mike. . ." tanging nasabi ko.
Ilang saglit pa, napapikit nalang ako nang makita kong pumikit siya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa akin. Hanggang sa. . .naglapat ang aming mga labi.
Hindi ito ang unang beses na hinalikan niya ako, pero ito ang unang beses na naramdaman ko 'to. Parang. . .parang may kakaibang sumabog sa puso ko. At tumriple ang bilis ng t***k ng puso ko.
Hinawakan niya ang likod ko at lalo niya akong idiniin sa kanya. Nang gumalaw ang kanyang labi. . .narealize kong mali ang lahat.
Itinulak ko siya gamit ang buong lakas ko. He. . .he kissed me. Dapar maging masaya ako, pero why am I feeling this way? Para akong bumabangka sa dalawang ilog. Feeling ko, may isang tao akong niloloko.
"I'm. . .I'm sorry, Gabby." sabi niya.
Tinalikuran ko siya at mabilis na nagsi-agos ang mga luha sa pisngi ko. Bakit nasasaktan ako ng ganito?
"Fine. You win. Hindi na ako aalis."
After I said that, pumasok na ako sa loob ng bahay. Pinuntahan ko ang kwarto ko at nakita kong nakaharang ang study table ni Kuya. Ang bigat pa naman nun. Sabagay, magkatapat lang naman ang kwarto namin kaya madali nilang nailagay dyan 'yan. Napaka-husay talaga nila.
--x
Ilang araw na ang nakakalipas, pero ganun parin. Hindi parin mawala sa isip ko 'yung ginawa ni Mike na pag-halik sa akin.
Si Ate Rissa, dito na nakatira sa bahay namin. Nagpapagawa palang kasi yata sila ng bahay na titirhan nila eh. Tss.
"How, brad!" tawag sakin ni Tatay sabay bato ng unan sakin. "Aray." reklamo ko.
Nandito kasi kami sa sala. Nanonood ng NBA. Kumakain ng popcorn. Si Kuya at Ate Rissa, tulog pa.
"May tumawag nga pala kanina sa landline. Pumunta ka daw sa address na 'yan." sabi ni Tatay sabay bigay sa akin ng papel na may nakasulat na address.
"Pengeng pera." sabi ko habang nakangising aso.
"Mukha mo." sabi ni Tatay tapos inirapan.
Hm, sino naman kaya 'yung tumawag na 'yun? Di man lang sinabi kung sino 'yung tumawag.
In the end, gumayak na rin ako. Naiinip kasi ako sa bahay kaya much better kung puntahan ko nalang kung sino man 'tong dapat kong puntahan.
After ko gumayak, pumasok ako sa kwarto ni Tatay.
"Hoy, anong ginagawa mo dyan?"
Nagulat ako sa pagsasalita ni Tatay ng malakas. Di pa man ako tuluyang nakakapasok eh. Tengene.
"W-wala. M-makikipabango lang." sabi ko.
Pumasok na ako sa loob at ini-lock yung pinto. Hinanap ko yung pantalon ni Tatay na nakasabit palagi. Siguradong may pera sa bulsa nun. Bwahaha!
Nang makita ko 'yun, hinalughog ko kaagad 'yung bulsa. Kinuha ko 'yung wallet at tenen! 3 thousand pesos on my hand!
Para naman mas maging kapani-paniwala ang alibi ko kanina, nakipisik na ako ng pabango kahit na 'di ko type 'yung pabango niya.
After kong gawin 'yung business ko sa loob ng kwarto niya, lumabas ako na parang walang krimen na ginawa.
"Alis na 'ko, brad." pagpapa-alam ko pa.
Nang makalabas ako ng bahay, nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi pa man din ako nakaka-isang hakbang palayo sa bahay ay narinig ko na ang napaka-lakas na sigaw ni Tatay sa loob ng bahay.
"Gabriella Manlapaz!!!"
Uh. Oh. Malamang sa malamang ay alam na niya ang krimen na ginawa ko sa loob ng kwarto niya. Mwehehe. Tumakbo nalang ako palabas ng village at sumakay ng taxi.
Yes, taxi. Dati, jeep lang, ngayon tumataxi na! Mayaman ako eh, bakit ba? Pwahaha.
Ibinigay ko na sa driver ang papel na may nakasulat na address ng pupuntahan ko ngayon, pero ibinalik niya ulit sa akin 'yun at sinabing alam na niya. Oks. De ikaw na.
Nung isang araw, nakatanggap ako ng tawag mula kaya Mama at Angel. Sinabi nilang babalik din daw sila once na matapos 'yung inaayos nila. Pero nagso-sorry at the same time sa ginawa nilang pag-iwan sa akin. Sinabi ko naman na, okay lang. Babawian ko nalang sila pag-uwi nila dito. Bwahaha!
"Ma'am, andito na po tayo." sabi ni manong driver.
Nagbayad na ako at lumabas ng taxi. Building ito eh. Isang mataas na building na sa palagay ko ay condo units ang laman nito. Ano naman kaya ang ipinunta ko dito? Or rather, sino? Tsk.
Tiningnan ko ang papel na hawak ko at nakalagay doon ang number ng unit niya, pati kung anong floor. Hmm.
Pumasok na ako sa lobby at dumiretso sa elevator. Nagulat ako nang pagpasok ko, may naghahalikan sa loob. Puta! Bigla silang naghiwalay at umayos. Yucks.
Nang nasa 17th floor na, bumukas na ang pintuan ng elevator at lumabas na ako. Whew. Buti nalang, nakalayas na ako sa mga malalanding 'yun. Kadiri, ah?
Hinanap ko na ang 68th unit. Nang makita ko ito, nag-buzz kaagad ako and wait until someone open the door.
Pero ang tagal, ha? Ang isang Gabriella Manlapaz, pinaghihintay? This man must know who I am. Pag nakita ko kung sino 'yung taong 'to, sasapingilin ko 'to ng walang habas.
Ilang saglit pa, nagbukas na ang pinto ko at nagulat ako sa nakita ko.
"Gabriella. . ."
Halata sa kanya ang pagka-aksidente niya, about a week ago dahil may mga galos pa siya at naka-clutch pa siya. Pero kasi. . .hindi pa ako handang harapin siya ulit eh. Bakit?
Una, galit parin ako sa mga ginawa niya. Texts siya ng texts sakin nitong mga nakaraang araw, tawag din siya ng tawag pero wala ni isa doon ang sinagot ko.
At pangalawa, feeling ko, nag-cheat ako sa kanya when Mike kissed me and I kissed him back. Feeling ko. . .niloko ko siya. I don't know why I am feeling this but. . .
"Gabby. . ." pagtawag niya ulit.
Nikko. . .I'm sorry.