Chapter 08

1795 Words
"Gabby, wait!" Hindi ko alam kung bakit ako tumakbo nang makita ko si Nikko. Parang. . .parang napaka-laki ng kasalanan ko sa kanya. At ngayon. . .hawak-hawak niya ang kamay ko para pigilan ang pag-alis ko. "I'm sorry, please. I'm sorry," sabi niya. Bakit pakiramdam ko, ako ang dapat na mag-sorry sa kanya? "Sorry kung ginawa ko 'yun. Ayoko na kasing umalis ka. Sorry kasi. . .gusto ko, nasa tabi lang kita palagi kaya ko ginawa 'yun. Mahal kita, at gagawin ko ang lahat para mapigilan ang pag-alis mo." Tumulong muli ang luha ko. Geez. Kailan babalik sa Gabriella na punong-puno ng sense of humor? Dati, tawa lang ako ng tawa. Bakit ngayon, iyak na ako ng iyak? Naramdaman kong lumapit siya sa akin kahit na nahihirapan siya dahil naka-clutch siya. At naramdaman ko rin na niyakap niya ako. . .mula sa likod. Sweetest hug a girl could ever have. "I'm sorry, Gabby. Kausapin mo na ako, oh? Aalis ka parin ba? Iiwan mo parin ba ako?" bulong niya sa akin. Umiling ako bilang sagot at hinawakan ang kamay niyang nakayakap sa akin. "Hindi na, Nikko. Hindi na." --x Two weeks have passed since that day. Walang label ang kung anong meron sa amin ni Nikko. Hindi kami pero parang kami. Nililigawan niya parin 'daw' ako hanggang ngayon at hanggang sa dulo ng buhay namin. Madalas talaga, may ka-corny-han sa buhay itong si Nikko eh. At ngayon naman, ka-skyppe ko si Angel. "Miss na miss ko na." sabi ni Angel sa screen habang nagme-make face na parang umiiyak. "I miss you, too." sabi ko ng natatawa-tawa. "Tseh. It wasn't for you. Miss na miss ko na si Gerald baby." sabi niya ng naka-pout. Napa-poker face naman ako dun. Halos ipagtabuyan na nga siya ng tao pero ayaw magpatinag. Hay, nako. 'Yung lalaking 'yun talaga. Parang ahas. Ang lakas ng kamandag. "Pakisabi kay Gerald, mahal na mahal ko siya." sabi niya habang naka-halumbaba na parang nagde-daydream. "Tch. Ayoko nga. Kadiri, ah?" sabi ko sabay irap. "You're so mean talaga! You're going to make sabi lang na I love him very much eh. Hindi naman ibig sabihin na you're the one who loves him eh. Tseh!" sabi niya then flips hair. Pengeng arnis. Mga pitong pares. Maisampal dito sa babaeng 'to. Ang arte talaga! "Makakarating." poker face na sabi ko. "Yehey! Thanks Gabby! Love you. Love you. Hart hart!" Natawa naman ako dun. After lang ng ilang minutes na pagku-kwentuhan namin, nag-logout na siya. May pupuntahan daw siyang importanteng very very, eka pa. Ang arte nu? If I know, magsho-shopping lang 'yun eh. Kinuha ko ang isang pares ng arnis ko at lumabas ng bahay. Nakasalubong ko naman si Nikko na papunta palang yata sa bahay namin. "Oh? Saan ka pupunta?" tanong niya na parang nagtataka. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Napangiti siya at napailing bago lumapit sakin at inakbayan ako. "Bumalik na si The Unbeatable Gabriella Manlapaz." sabi niya tapos ipinatong niya ang kamay sa ulo ko na may suot na cap. "Asa ka naman. Di ako nawala, gago. Nag-ibang bansa lang ako kasi mayaman ako." sagot ko. "Mayaman daw? Bwahaha! Sige nga. Libre mo nga ako." At bilang sagot, siniko ko ang sikmura niya ng malakas at nauna nang maglakad sa kanya. --x I was planning to play arnis with someone who can beat me kaso ang kalaban ko ngayon, si Nikko. "Sigurado kang makikipag-laban ka sakin?" sabi ko ng nakangisi at naka-crossed arms pa. "Bakit? Natatakot ka ba na matalo kita?" sagot niya pa. "Ha! Asa ka, ah? Nananaginip ka ba? Natatakot lang ako para sayo. Kakagaling lang ng mga sugat mo dahil sa katarantaduhan niyo ng Kuya ko, gusto mo na namang madagdagan." sabi ko sabay irap. "Tss. Tama na nga salita. Simulan nalang natin." sabi niya sabay hampas sa arnis na hawak ko. Nasa park kami dun sa medyo madamong part kaya kapag bumagsak ang isa sa amin, hindi masyadong masakit. Mwehehe. Maggagabi na rin. 5pm na mahigit eh kaya malamig na ang hangin. And so, we start the game. Nag-espadahan na kami ng arnis na hawak namin. At bilang magaling na arnis player, umikot ako na parang nagsasayaw kami ni Nikko at inihampas sa kanya ang arnis. Pero nasangga ng arnis niya at muntik na akong bumagsak pero sinalo niya ako. Ang posisyon tuloy namin ngayon, naka-bend ako habang hawak-hawak niya ang likod ko. Tapos siya naman, malapit ang mukha sa akin habang magkasangga ang arnis na hawak naming dalawa. "Oops, muntik na. Haha!" sabi niya. Kumunot ang noo ko kaya tumayo ako at sinamantala ang pagkakataon para hampasin siya sa binti, dahilan para mapaluhod siya. "Oh, ano ngayon?" sabi ko ng nakangiti. Tumingin siya sakin ng may nasasaktan na mukha. Naawa naman ako dun. Kaso, ngumiti siya at hinampas ako ng arnis. Buti nalang nasangga ko kaagad. Alerto kaya ako. Dumadami na ang nanonood sa aming dalawa. Lumalalim na rin ang gabi at wala paring bumabagsak sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong plano nito. Ayaw yata akong saktan eh, putek. Hanggang ngayon, hindi niya parin ako tinatamaan. Tsk. "Hoy, mokong! Aba, yung totoo? Ayaw mo lang siguro akong patamaan ng arnis kaya hanggang ngayon, hindi mo pa ako tinatamaan? Tsk!" sabi ko sa kanya habang nag-hahampasan kami ng arnis. "Eh, hindi ko kayang saktan 'yung babaeng mahal ko." sagot niya naman sakin. Hinampas ko tuloy sa braso, nalaglag tuloy isa niya. Out na yun. Huehue. "Sana 'di ka nalang nakipaglaro sakin kung 'di mo lang rin seseryosohin." sabi ko habang nakatayo siya at hawak ang brasong hinampas ko. "Eh. . ." "Dali na!" sabi ko sabay hampas sa arnis niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumango at sinugot ako ng mabilis. Medyo nataranta ako kaya hindi ko nasundan gaano 'yung galaw niya. Nalaglag tuloy 'yung isa ko. "Whoa~" sigawan ng mga nanonood. "Haha! Oh, ayan? Tig-isa nalang tayo." sabi niya. Pawis na pawis na kaming dalawa, seryoso. Nagugutom na rin ako. Huhu. Pero walang kakain!!! Walang kakain hangga't hindi natatapos ang laro naming ito! Bwahaha! "Sino unang bumagsak, talo." sabi ko. Then the game continues. Natatawa nalang ako kasi na-miss ko talagang gawin 'to eh. Sa Canada kasi, wala akong makalaban kaya 'di ako nakakapaglaro. Alangan namang kalabanin ko 'yung Nanay ko, eh malutong na buto nun at tumatanda na daw siya! Pffft. Mamaya daw, maputol ang buto niya. Sa huli, sumuko nalang rin kami sa isa't-isa dahil walang may balak na magpatumba sa amin. Badtrip kasi si Nikko eh. Ayaw akong saktan. Para na din daw niyang sinaktan ang sarili niya. Sabi ko nalang tuloy, "Sana hinayaan mo nalang na patumbahin kita para masaya, 'di ba? Tutal, ayaw mo naman akong labanan ng matino. Sarap mong pakuluan at ibabad sa asin, paksyet ka." sabi ko at umirap. --x Ginabi na kaming talaga at naglalakad-lakad lang kami sa kalsada. Ganitong oras masarap lumibot kasi malamig ang hangin eh. Bigla kong naisip 'yung dati. 'Yung. . .kaming dalawa ni Mike. Ganito kasi kami nung mga panahong hindi pa nangyayari ang dapat mangyari. Masaya kami. . .sobra. Pero dahil sa pagiging selfish ko, nawala lahat 'yun. "Alam mo Gabby, namiss ko 'to." Napalingon ako kay Nikko nang magsalita siya. Nakalimutan ko, siya rin pala 'yung kasama ko sa mga ganito. "Buti nalang, bumalik ka ulit. Buti nalang, nandito ka ulit. Masaya ako na nakakasama na kita ulit." dagdag niya pa. Ngumiti ako sa kanya bilang sagot. Sa gitna ng paglalakad namin, nadaanan namin ang simbahan. At sa harap ng simbahan, may dalawang tao na magkaharap. Magkahawak ang kanilang dalawang kamay. Nagtatawanan pa sila na parang may pinag-uusapang masaya. "Si Faith tsaka si Mike 'yun, 'di ba?" sabi ni Nikko. Hindi ko inalis sa paningin ko ang dalawang taong 'yun. May kinuha si Mike sa bulsa niya at nanlaki ang mata ko nang makita kong singsing 'yun. Nangilid ang luha ko sa nakita ko. Tinitigan kong mabuti ang labi ni Mike para mabasa kung ano ang sinasabi niya. 'Ikaw lang ang babaeng papakasalan ko. . .sa simbahang ito.' Tumulo ang luha ko. Parang bigla nalang, gusto kong bumalik sa dati. 'Yung dating ako na gagawin ang lahat para makuha ko si Mike. Matapos nun, niyakap niya si Faith. Sumunod, hinawakan ni Mike ang mukha ni Faith at hinalikan. Lalo akong naiyak sa nakita ko. Ang. . .ang sakit parin hanggang ngayon. Paksyet. Aalis na sana ako para sugurin silang dalawa pero may biglang humawak sa kamay ko para pigilan ako. Pag-lingon ko, nakita ko si Nikko na may malungkot na mukha. "Wag. . .hayaan mo na sila." sabi niya. Tumingin ulit ako kay Mike at Faith at nakita kong magkahawak-kamay silang dalawa habang papasok sa loob ng simbahan. Walang misa kaya madalang na madalang ang tao doon. "Pero--" "Gab. . ." Napatigil ako nang marinig ko ang kakaibang boses ni Nikko. Sa boses palang niya, alam mo nang hindi siya masaya. "N-Nikko. . ." "Gabby, akala ko. . .ako na. Akala ko, ako na ang laman ng puso mo. After all these years na nagtiis ako ng wala ka sa tabi ko at hinintay kang makalimot. . .siya parin pala." Lumuwag ang hawak niya sa kamay ko. Hahawakan ko sana ang kamay niya ng mahigpit para hindi niya ako pakawalan but. . .it's too late. Nabitawan na niya ang kamay ko. And for the nth time, feeling ko. . .may nawala na naman sa aking napaka-importanteng tao. "Hanggang ngayon, siya parin. Hanggang ngayon, si Mike parin. Gabby. . .kailan magiging ako? Kulang pa ba ang mga taong naghintay ako sayo? Kailangan ko pa bang maghintay ng ilanpung taon para tuluyan ko nang makuha ang puso mo?" sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Nikko, hindi--" Napatigil ako ng yumuko siya at tumawa ng peke. "Akala ko, ako na eh. Nag-assume lang pala ako. Pero wag kang mag-alala, tumutupad naman ako sa pangako. Kahit gaano katagal, hihintayin kita. Mahal kita eh. Pero Gabby, please. Hayaan mo na silang maging masaya. Wag mo nang subukan ulit na. . .sirain sila. Alam kong masakit na makita silang masaya. Ako rin naman eh. Nasasaktan rin ako, kasi nakikita kong mahal mo parin siya hanggang ngayon. Masakit, Gabby. Pero tinitiis ko. . .kasi mahal kita. Mahal na mahal. . .sobra." After saying this, tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. Nag-unahan sa pag-tulo ang mga luha ko matapos niyang sabihin at gawin 'yun. I'm so sorry, Nikko. I'm really really sorry. I didn't mean everything. Akala ko rin, ikaw na. . .hindi pa pala. Napaupo nalang ako doon at itinakip ang kamay sa mukha ko at saka humagulgol. Bakit ba feeling ko, nauulit lang ang lahat? Bakit nararamdaman ko na naman ang ganitong sakit? Pero bakit pakiramdam ko, mas masakit 'tong nararamdaman ko ngayon kesa dati? "I'm sorry." nasabi ko nalang habang humahagulgol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD