Chapter 09

2311 Words
"Hello, Gabby! We are so so so so back!" sabi ni Angel na kakapasok lang sa kwarto ko. "What's with the face? You look so eewie." Naabutan niya kasi na nakadukmo ako sa study table ng naka-side view. It's been a week since the day that I hurt Nikko. . .again. And hanggang ngayon, wala parin kaming communication. He didn't bother to send me a text: even a blank one. He didn't bother to give me a call: even a missed call. Masakit. Kasi feeling ko, malaking parte na naman sa puso ko ang nawala. Feeling ko, nasaktan na naman ako. "Siya nga pala, pwede na tayong mag-transfer sa Soo-Li by second sem. Nakuha ko na ang dapat makuha. Thanks to me. At dahil dyan, ililibre mo ko." sabi niya pa. Kanina pa siya daldal ng daldal pero ako, ganun parin ang posisyon ko. Ganito ba ang feeling na magkaaway kayo ng boyfriend mo? Pero. . .hindi ko pa naman siya boyfriend eh. "Gabriella!" "Oh?!" Nagulat ako kasi kasabay ng pagsigaw niya ay ang pagpalo ng malakas sa study table kung saan nakapatong ang ulo ko. Nabingaw tuloy ako. "Nakakainis! Kanina pa ako salita ng salita dito but you didn't make sagot or galaw man lang!" sabi niya ng naka-kunot noo. "Haaay," sabi ko nalang ulit tapos dumukmo ulit ng pa-side view. "Gabriella!" "Puta! Ano ba?! Leche." Inulit na naman eh. Gagong babae 'to. Paduduguin ko ilong nito eh. "Uhm. . .sorry. You kasi eh. What's your problem ba? You look like a broken hearted. Did you and your boyfriend make away? Wait. . .you have a boyfriend na?!" sabi niya ng nanlalaki naman ang mata nang sabihin 'yung last sentence na parang 'di siya makapaniwala. "Ohmayghad!" Medyo nagpanic pa siya kunwari. Tsk. Binatukan ko tuloy. OA na eh. "Ang OA, ha?" sabi ko sabay irap. "Eh, whyie ba kasi?" tanong niya at nangalumbaba. Bumuntong-hininga ako. "Nag-away kami." sabi ko. "So you have a boyfriend nga? Omg--" "Ni Nikko. Tsk." singit ko bago niya pa maipag-patuloy ang walang katapusan niyang omg. "Eh. . .'di ba he's your suitor? You tell me that dati eh. So. . .do you say 'oo' to him na? Kyaah! I'm so kilig na. Hihihi." Napailing nalang ako sa reaksiyon ni Angel. Alam niyo 'yun? Ang sarap sampalin kasi ang landi magsalita pero ang cute kaya bagay sa kanya? Nakakainggit kasi eh. Huhu. Baka kapag ako nag-conyo, mapagkamalan akong bakla ng makakarinig sakin. At saka. . .kadiri. Eew talaga. Eew. Eew. "Hindi nga. Hindi kami. We're just. . .friends. Uhm, long story kasi. Basta nag-away kami. Case closed." sabi ko. "Eh?!?! I'm willing to wait naman eh. Go na. You look so depressed kasi so it means big deal 'yan. Go na. Make kwento na. I will listen." sabi niya at ngumiti. At bilang uto-uto na kaibigan. . .I make kwento --este-- kinwento ko na. Buset. Nagiging conyo na ako. Hayop! Kinwento ko sa kanya 'yung simula. Alam niya naman 'yung nakaraan ko. Kaya nga naging sobrang close kami eh dahil nagawa niyang pagkwentuhin ako ng nakaraan ko sa kanya. So, ayun. Sinabi ko nga na Mike kissed me and I felt something strange. Not totally strange but rare. Kasi, nung una kong naramdaman 'to, nung unang beses na hinalikan niya ako. . .ni Mike. Kinwento ko rin sa kanya 'yung nangyari last week nung gabi. Nung nakita ko si Mike at Faith na magkasama, parang biglang gusto kong maging si Gabriella Manlapaz na gagawin ang lahat para makuha ulit si Mike. And that hurts Nikko's feeling so much. And nasaktan rin ako ng sobra at the same time nang makita kong nasaktan ko na naman siya, at nung tumalikod siya at naglakad palayo sa akin. "So. . .'yan ang sinasabi mong long story? Well. . .we didn't even reach 5 minutes. What's so long?" sabi niya nang naniningkit ang mga mata. Pinaningkitan ko rin siya ng mata. "Alam mo naman siguro na pwedeng maging excuse 'yun kapag tinatamad mag-kwento, 'di ba?" sabi ko. Tumino naman siya at umayos ng upo. Ha! Di talaga uubra sakin 'to. "Let's go. I want to make libot. I want to see my future husband." sabi niya at tumayo. Nang maramdaman niyang hindi ako kumilos sa kinalulugaran ko, bumalik siya at hinila ako patayo at palabas ng kwarto ko, hanggang sa nakapunta na kami sa kung saan-saan. --x "Hindi ka parin ba nagsawang mag-shopping sa Canada nung bumalik ka dun? Leche ka. Saan mo ba pinaglalalagay 'yung mga damit at sapatos na binibili mo?" sabi ko. Nandito na naman kasi kami sa mall at binibilhan lahat ng boutique na madaanan. Seryoso ako. Maniwala kayo sakin. Ayaw niyong maniwala sakin? De wag! Tsk. Maniwala kasi kayo sakin!!! Charaught. Habang naglalakad kami papunta sa susunod na boutique na pupuntahan namin, napahinto siya sa paglalakad na siyang ipinagtaka ko. "Ay, omg. I smell something gwapo here." sabi niya habang nakatingin sa harap niya. Pag-tingin ko naman doon, nakita ko naman 'yung gago -este- 'yung gwapong sinasabi niya. "Oh, Gerald? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Bakit? Masama na bang pumunta dito?" tanong niya pabalik. "Gago." sagot ko. "Hi, Gerald." sabi ni Angel na parang nagde-daydream. "Hi there." sabi naman ni Gerald sabay ngiti. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Angel. Putek! Hahahahahaha! Kinikilig ang gaga. Natawa tuloy ako. Siniko niya naman ako. "Teka, did Gabby tell you what I want to tell you when I am malayo?" tanong niya kay Gerald. "Huh? Hindi," sabi ni Gerald na parang nagtataka. "Ano ba 'yun?" "Hmp," pagtataray ni Angel sakin. "Uhm, Gerald, I just want to tell you na mahal na mahal kita." After she said that, mabilis na hinalikan ni Angel si Gerald sa pisngi sabay takbo papalayo sa amin. Bakas naman ang gulat sa mukha naming dalawa ni Gerald dahil sa ginawang 'yun ni Angel. Okay. . .what was that? Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong eksena sa amin. Grabe. Ang awkward. Nakita ko si Gerald na humawak sa pisngi niya tapos tumawa. Medyo namumula pa nga eh. "Yung. . .yung kaibigan mo, masyado yatang ano. . .patay na patay sakin. Ha ha ha." Bakas parin ang awkwardness sa boses niya. Sino ba naman kasing hindi magiging awkward sa ginawa ni Angel, 'di ba? So, instead of just standing there, naglakad-lakad nalang kami sa mall. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Ngayon nalang ulit kami nagkasama ni Gerald. Sa totoo lang, kahit naman inis na inis ako sa mga ginawa niya sakin years ago, nung mga panahong patay na patay pa siya sakin, namimiss ko rin naman 'yung bonding moments namin. Naging masaya naman ako kay Gerald. Sadyang hindi lang talaga kayang turuan ang puso na piliin kung sino ang gusto at dapat mong mahalin. Hue. Bravo! Ang corny ko! "Kamusta? It's been a long time since we spent our time na tayong dalawa lang. 'Yung. . .ganito." pagbasag niya sa katahimikan. Ngumiti ako at nagbitaw ng isang malalim na paghinga. At namatay ang lahat ng tao. Joke. Ang bango kaya ng hininga ko. Amoy sampaguita. Sampaguita kasi ang pinangtu-tootbrush ko sa ngipin ko eh. Tapos Victoria's Secret ang mouth wash ko. Oha? "Oo nga eh. I kind of miss this." sagot ko. Naramdaman kong tumingin siya sakin kaya tumingin rin ako sa kanya. Nakita ko ang ngiti niyang totoo. 'Yung ngiting matagal ko nang hindi nakikita. "Really? You missed me?" tanong niya ng nakangisi. Same Gerald I've ever known. After all those years, makapal parin ang mukha. "Sabi ko, I missed this moment. Not the person with me in this moment." sabi ko ng natatawa-tawa. Ang daming tao. Pero naglalakad kami na parang kaming dalawa lang ang tao sa mall na 'to. Ewan ko ba? Sa gitna pa kasi kami dumadaan eh. Pffft. "So. . .how's your life for the past three years na nasa Canada ka?" tanong niya naman, changing the topic. "Well. . .I had a boring life in Canada nung mga taon na 'yun. Ang dami ko rin naubos na tissue sa lugar na 'yun, ah?" sagot ko ng natatawa-tawa. Kumunot ang noo ni Gerald sa isinagot ko sa kanya. Jusme. Ang slow naman. "Huh? Really? Why?" tanong niya. "Puro english kasi. Putek, nosebleed." sabi ko naman. Natawa naman siya. "Sabi ko naman sayo when we were in college days, mag-aral kang mabuti para magkaroon ng magandang future ang pamilyang bubuoin natin eh." sabi niya ng nakangisi. Grabe talaga. Naaalala niya pa pala 'yun. Kung hindi niya pa ipinaalala sakin 'yun, hindi ko rin maaalala. Pero 'yun 'yung mga time na brokenhearted siya kay Faith dahil ipinagpalit siya nito sa best friend ko. At ako ang naisip niyang gamitin para daw pagselosin at pabalikin sa buhay niya si Faith. Well, asa naman siya. Noong mga panahong 'yun, kayang-kaya kong birahin ng walang humpay ang  pagmumukha niya dahil sa katapangan ng hiya. Pero hindi ko ginawa. Nakakaawa eh. Brokenhearted na nga, mafe-facebroken pa. Pffft. "Alam mo, wala ka paring ipinagbago nu? After all those years na umalis ako ng Pilipinas, I was expecting na everyone's matured when I come back. Pero ganun parin pala eh. So. . .ikaw? Kamusta 'yung past three years mo na wala ako?" tanong ko naman. Thank God at nawala na ang awkward atmosphere sa pagitan namin. "Well. . .I dated tons of girls for the past three years." simpleng s**o niya na parang kampanteng-kampante at gwapong-gwapo sa sarili. Tangna. "But none of them can replace you in my heart." dagdag niya. Feeling ko, bumilis ang t***k ng puso ko sa idinagdag niya. Nabigla ako, syempre. So ibig sabihin, after all those years na lumayo ako sa kanila. . . "Ewan ko. I tried very hard para mawala ka sa puso ko. I tried very hard to move on from the past. The past where you hurt me so bad. That sounds so funny. But yeah. Until now. . .you're still here." Napalingon ako sa kanya at nakita kong huminto siya sa paglalakad nung lumingon ako. Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya sa left chest niya and I can feel his heart beating so fast. Sunod na ginawa niya ay hinila ako palapit sa kanya para mayakap niya ako. "It beats so fast, right? You're the only reason why my heart can beat that fast. Faith never did that when we're together. Yes. I loved her. I am very happy when we're together. But she can never make my heart beats that fast. Ikaw lang, Gabby. You're the only one who can do this to me. You're the only one who can drive me crazy. You're drivin' me crazy. And I don't know how to stop it." Nangilid ang luha ko sa mga narinig ko sa kanya habang nakadikit ang tenga ko sa kaliwang dibdib niya kung saan rinig na rinig at ramdam na ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso niya. "Until now Gabriella. . .mahal na mahal parin kita. I dated tons of girls the last three years na wala ka. I diverted my attention to them para hindi na kita maisip. Pero at the end of the day. . .ikaw at ikaw parin." Tumulo na ng tuluyan ang luha ko sa huling sinabi niya. Niyakap niya ako ng mahigpit as I feel him kissed my temple. I don't know why but it feels like I'm going back to my old life. It's so nostalgic lang dahil feeling ko, nagre-reminisce lang ako ng mga days na kasama ko 'yung taong nagmahal sa akin ng totoo. . .hanggang ngayon. Niyakap ko siya pabalik. "I'm sorry, Gerald. Kung may paraan lang na madali para maialis ko sayo 'yung sakit na nararamdaman mo. . .ginawa ko na." sabi ko. Kumalas siya sa yakap at tumingin sa mga mata ko. Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko. "It's okay. Don't be sorry. I already accept the fact that you can't love me as much as I love you. Don't be sorry, okay? I just wanted to tell you this. Dahil sa loob ng tatlong taon na wala ka. . .wala rin akong napagsabihan ng mga nararamdaman ko. So, don't be sorry, okay?" He kissed my forehead then I smiled at him. Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go. I'll drive you home. 'Yung kasama mo, iniwan ka na eh." Pati ako, natawa na rin. Saan na kaya napunta 'yung si Angel? Parang kanina lang, kasama ko pa siya at daldal ng daldal habang naglalakad kami. Pero ngayon, nasaan na? Nung maglalakad na kami paalis ng mall at saktong pag-angat ko ng tingin, nagulat ako sa nakita ko. Tumingin siya sa kamay namin ni Gerald na magkahawak. Pilit kong binabawi ang kamay ko kay Gerald but he didn't let it go. May kasama siya. . .'yung best friend niyang si Rhianne. Bakit. . .ang sakit? Ano itong nararamdaman ko? Bakit. . .baki sobrang sakit? Nikko smirked before turning his back at us and started to walk away. "Nikko!" malakas na tawag ni Rhianne sa kanya. Tumingin sa akin si Rhianne ng masama bago tumakbo na rin palayo sa amin para habulin si Nikko. Wala akong nagawa kundi tumayo nalang sa kinatatayuan namin at hayaan sa pag-agos ang luha sa mga pisngi ko. Why am I feeling this way? Bakit pakiramdam ko, pinaparusahan na ako sa lahat ng kagagahan ko noon? Nasaktan lang naman ako noon kaya ko nagawa ang lahat ng 'yun eh. Nagmahal lang ako. Nag-suffer na naman na ako sa Canada noon, ah? Nasaktan na ako noon. Bakit kailangan hanggang ngayon, pagbayaran ko 'yung kasalanan ko noon? Akala ko, tapos na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi pa pala. Inakbayan ako ni Gerald at parang niyakap gamit ang isang braso niya at inakay na ako palabas ng mall para ihatid pauwi. Nikko, hindi pa man din kita sinasagot, nagkakaganito na tayo. Ano bang problema sa atin? Anong nangyari sa atin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD