Lunchbreak na pero hindi parin ako nilulubayan ni Angel kata-tanong kung ako ba ang nagbigay ng number niya jay Gerald. Pagka-labas namin ng classroom, nakita namin si Aaron na papunta pa lang sa room namin. "Wow. Just on time, ladies." Sabi niya at sumabay na sa paglalakad sa amin papunta sa cafeteria. "Ano na namang ginagawa mo dito, b***h guy?!" Masungit na sabi ni Angel dito. "Cool, Taglish. Wala akong ginagawa sayo, ah?" Sabi ni Aaron. Ako naman, natatawa lang. "Gabby naman, eh! Just tell me!" Pangungulit ni Angel. "Ano bang kina-kana ni Angel?" Tanong ni Aaron. "Ewan ko dito. Hahaha." "Gabbyyy!!!" "Ano?" Simpleg tanong ko. The whole time na naglalakad kaming tatlo papunta sa cafeteria, walang ibang ginawa si Angrl kulitin ako, hanggang sa maka-order na kami ng pagkain namin.

