Nasa labas kami ng bahay ngayon ni Nikko, nakaupo. Hindi pa ako nakakapag-bihis at yung mga gamit ko, nakapatong sa lap ko. "Bakit ngayon ka lang umuwi? Anong nangyari?" Tanong ni Nikko. Nagbuntong-hininga ako bago umiling saka nagsalita. "Wala. Ang dami lang nangyari ngayong araw na 'to." Sagot ko. "Tulad ng?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ipinatong ko ang siko ko sa balikat niya saka ko ipinatong ang ulo ko sa kamay ko. "Kinausap na naman ko ni Aaron." Paninula ko. Alam kong hindi lang ito ang nangyari pero hindi naman lahat ng nangyari, dapat ikwento. "Anong sabi?" Nakita kong naka-kunot ang noo. "Mahal niya daw ako, eh." Sabi ko at tumawa ng mahina. "Ganda ng girlfriend mo." "Tss. Maganda daw siya." Sabi ni Nikko tapos inirapan ako. Kinurot ko naman ang tagiliran at sumanda

