Hindi ko alam kung bakit pero pinag-ssihan ko ang pagpapa-alam ko sa kanya na huwag na lang muna pumasok ngayon. Nakakainis, eh! Nakalimutan na niya na kailangan ko pang pumasok, eh. Nakalimutan na niyang may meeting sila sa bahay, eh. Kaso naalala niya nung nagpaalam ako sa kanya. Nakakainis naman! "Sige na kasi. Ngayon lang naman, eh." Sabi ko habang papunta kami sa labas ng forest kung nasaan ang kotse niya. "Hindi nga pwede." Sabi niya ulit. "Please, Mahal. Mahal mo naman ako, eh. Pagbigyan mo na ako." Sabi ko. "Hindi. Pwede." Sabi niya ng umiiling. Nang makarating kami sa kotse niya, ibinato niya ako sa tabi ng driver's seat bago siya pumasok doon. Nang ikakabit na niya ang seatbelt ko, hinila ko siya palapit sa akin para halikan. Gumanti naman siya pero kinalas niya rin maya-ma

