Hinintay kong bumaba si Aaron pero hindi siya bumaba. Tiningnan ko kung ano nang ginagawa ni Aaron. Naka-sandal lang siya sa pader, nakapikit at naka-taas ang isang paa habang naka-patong ang braso niya sa tuhod. May nakita akong sugat sa kamay niyang naka-patong sa tuhod. Ang isang paa niya naman ay naka-straight lang sa sahig. Para bang pagod na pagod na siya. Yun ang napansin ko sa posisyon niya ngayon. Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng uniform ko. Pinunasan ko ang pawis niya sa mukha pati ang bakas ng luha sa mga pisngi niya. Tinalian ko ang kamay niyang dumudugo. Yun siguro ang ipinang-suntok niya sa pader kanina. Matapos kong gawin iyon at tinitigan ko siya. Tumulo na naman ang luha ko dahil naaawa ako kay Aaron. Nang dahil sa akin, nasasaktan siya. Nang dahil sa akin, nagkaka-gan

