Gabriella's POV Nagising ako na nasa kwarto ko na ako. Paano ako napunta dito? Ang huling naaalala ko ay nasa labas ako at sinisigaw ang pangalan ni Nikko. . .sa pag-aakalang nakita ko siya dito. Ugh! Panaginip lang siguro. Bumangon na ako at inayos ang sarili. Kailangan ko na namang magluto ng breakfast at kumain ng mag-isa. Dalawang linggo na. . . Dalawang linggo na akong hindi nagpapakita sa kanila dahil sa kaduwagan ko. Natatakot akong makita si Nikko at sabihin ang mga salitang ayokong marinig. Ayoko. Hindi pa ako handa. At alam ko na kailanman ay hindi ako magiging handa sa bagay na 'yun. 'Yun ang pinaka-ayokong mangyari, eh. Habang kumakain akong mag-isa sa dining area at nakatingin sa kawalan ay may naririnig akong tahol ng aso. . .o tuta? May alaga ba akong tuta? Sa pagkaka-a

