Oras na magising ako ay bumangon na ako; inayos ang sarili at bumaba papunta sa kusina. Gusto kong gumawa ng cookies. Naalala ko pa 'yung sinabi sakin ni Nikko kahapon. Ang sarap daw ng cookies na ni-bake ko. Di nga daw niya inuubos dahil baka daw hindi na ulit ako sipagin na mag-bake eh. Haha! Walanghiya. Nasa kusina na ako at nagulat ako sa taong nakita ko. "Good m—" "Good morning, Gab." nakangiti niyang bati sakin. Nag-iwas ako ng tingin at tamad na pumunta sa gawi niya. Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng inumin. "Anong ginagawa mo dito, Mike?" tamad na tanong ko bago uminom ng tubig. "Wala naman. Gusto lang kitang makausap. 'Wag kang mag-alala. Nagpaalam naman na ako sa kanila." Itinuro niya sila Tatay, Kuya at Ate Rissa na nasa sala. Nang makita nilang nakatingin ako sa kanil

