Chapter 9

1406 Words

“T-Tita, baka pwede pong padagdagan ang baon ko. May project po kasi kami sa school,” nakikiusap na sambit ko kay Tita Jocy nang bigyan niya ako ng pera. “Singkwenta pesos na ’yan, Dhanna! Kulang pa ba? Magkano lang ba ang pamasahe mo, 30 balikan. May bente pang matitira. Hindi mo na din naman kailangang bumili ng pagkain dahil may baon ka na. Ano ba ang tingin mo sa ’kin? Tumatae ng pera? Kita mong hirap na hirap na akong pagkasyahin ang sweldo ko sa mga gastusin dito sa bahay. At saka bakit hindi mo gastusin ’yung kinikita mo sa paglalako ng mga kakanin?” Halos mag-isa nang itinataguyod ni Tita Jocy ang pamilya nila magmula nang maaksidente si Tito Vicente. Hindi na siya nakakapamasada. Kaya naman katakot-takot lagi na sermon ang inaabot ko sa tuwing manghihingi ako ng dagdag allowan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD