“Gawin mo lahat nang ’yan. May pupuntahan ako kaya ikaw na lang muna ang bahala.” Napatingin ako sa mga notebook na inilapag ni Jovy sa lamesa. Lagi na lang tuwing may takdang-aralin siya ay ako ang pinapagawa niya. “Pero marami din akong gagawin, Jovy. Mas marami nga ang sa akin kaysa sa ’yo. Bakit kasi hindi mo pa ginawa kanina pagdating mo? Wala ka namang ginawa kanina. Ngayon ko nga lang magagawa ’tong mga ’to kasi marami din akong ginawa pagkarating ko galing school.” Reklamo ko sa kaniya. Sa kusina ako gumagawa ng takdang-aralin. Pundi na kasi ang ilaw ko sa kwarto at ayaw namang palagyan ni Tita ng bumbilya dahil mataas daw lagi ang bayarin sa kuryente. Mabuti na lang at hinahayaan pa niya akong gumamit ng electric fan. Kaya sa tuwing may hahanapin ako, flash light lagi ng cel

