Kinaumagahan ay wala kaming imikan ni Gabriel. Tahimik lang din itong nakamasid sa akin habang nag aayos ako ng gamit. Ngayon kase ang balik namin ng metro. Mukang katulad ko at malalim din ang iniisip nito. Nasabi ko naman na ang sekreto ko sa kanya tungkol sa nakaraan ko. Sa totoo lang umulit lang ang nangyari. Ang pinagkaiba lang ay hindi ako pinagpustahan. Pero ginawa naman niya akong s*x slave. Isang bagay lang naman ang pinanghahawakan ko dito. Ang salitang gusto niya ako. Nagpakatanga na nga ako ng ibigay ko ang sarili ko dito at pirmahan ang agreement. Bakit hindi ko pa lubos lubusin ang pagiging tanga ko kung ang kapalit naman nun ay makasama siya?Minsan talaga nakakatanga ang pag ibig. At isa ako sa biktima ng katangahan na iyon. "Gabriel, mauuna na akong bumaba." Paalam ko di

