Nagulat ako ng mabungaran ko si Gabriel na nasa sala ko. Hindi ko namalayan na dumating ito dahil sa lalim ng pag iisip ko. Sa totoo lang hindi ako nakatulog kagabi kakaisip kung bakit bigla nalang itong nagwalk out. "Kanina ka pa?" Tanong ko dito. Hindi ito kumibo. Nakatitig lang ito sa akin. His stared make me shiver. May kakaiba sa mga titig nito sa akin. Parang ibang tao ang kaharap ko ngayon. "Get dress. We will go out. I'll wait for you in the car. Make it fast. I hate waiting." Utos nito. Sinulyapan pa ako nito bago lumabas ng bahay. Nagtataka man ako sa ikinikilos nito ay sumunod nalang ako. Mabilisan lang akong naligo at nagbihis. Nang makatapos ako ay agad akong sumakay sa sasakyan nito. Napakapit nalang ako sa seatbelt ng sasakyan ng sobrang bilis ng takbo ng sasakyan nito

