"What happened back then Liway!" I hissed at her. Nasa ospital kami ngayon dahil isinugod namin dito si Cassandra ng malaglag ito kay Flash. Kasama si Ysabell na hindi namin alam kung bakit nandoon. Si Liway naman ay ayaw magsalita hanggang ngayon. Nakatanga lang ito. "Ha?" Baling nito. Napasapo nalang ako sa ulo ko. "Tinatanong kita kung ano ang nangyari?" Ulit ko. Umiling ito. "You need to speak! Hindi magwawala ng ganon ang kabayo ni Simon kung walang nangyari!" Giit ko dito. "Ayoko!" Sabi nito. "Magsasalita ka o gusto mo pang magalit ako sayo?!" I yelled at her this time. Napapitlag ito. Nanginginig na tumingin ito sa akin. Parang takot na takot. "Don't yelled at me! Ayoko nga Gabriel!" Sigaw din nito sa akin. Hinaklit ko ang braso nito. "Why? Anong sinabi niya sayo at takot n

