"Liway, hindi kaba nagtataka?" tanong sa akin ni Cassandra ng tinutulungan ako nitong isuot ang gown na gawa nito. Ayoko na nga sanang magpatulong dito dahil nakacast pa rin ang isang braso nito. Pero makulit ito kaya hinayaan ko nalang. "Saan Cassandra?" tanong ko dito. "Kase hindi naman ako ang may birthday. Hindi rin naman ako ang apo, pero bakit sa akin laging nakatutok iyong camera? Tapos kanina may interview pa?" napakamot nalang ako sa ulo. "Hindi ko rin alam Cassandra. Nagagandahan lang siguro sila. Saka di ba, alam na nila kung sino ka talaga? Baka iyon ang dahilan." Sabi ko pa at itinaas ko ang suot kong gown dahil parang ano mang oras ay malalaglag ito. I heard her chuckled. "Hindi ka talaga sanay noh?" tanong nito. Nagyuko nalang ako ng ulo. Baka kase maoffend ito. "Pas

