Part 2

2661 Words
Kahapon pa ako nagtataka, dahil pagpasok ko palang ng opisina ay marami ng bumabati na kasamahan ko sa trabaho lalo na ang nasa accounting at HR department. Na dati naman ay hindi ng mga ito ginagawa. Hindi nga ako pinapasin ng mga tao dito. Ni hindi nga ako kinakausap ng mga ito. Daanan at lagpasan lang nila ako lagi. Minsan binubully pa nila ko. Tapos magugulat nalang ako kinakausap pa ako ng mga ito at inaayang makipagkwentuhan sa kanila. Inaaya pa ako ng mga ito na kumain sa labas. Tapos ang mga bulaklak na ibinibigay nila sa akin. Liligawan pa daw nila ako? Anong nangyayari sa mundo?! "Yam, baka naman hindi para sa akin ang mga ito. Baka para sayo, namali lang ang delivery boy?" Tukoy ko sa mga bulaklak. Napapalatak ito. "Sayo iyan,Gaga. Ako ba si Liwayway Magdalena Enriquez?" I made face when she called my full name. "Nakakapagtaka lang. Magugunaw na ba ang mundo?" I asked out of nowhere. "Siguro. Kaya pumayag kanang makipag date sa isa sa mga iyan. Para hindi ka mamatay na virgin!" Sabi pa nito. "Yam naman!" Angal ko. "What? Nagsusuggest lang ako bakla. Maranasan mo naman ang sarap bago magunaw ang mundo. Kita mo nga biglang dami mong admirer. Haba ng hair!" sabi pa nito. I just pouted my lips. "Hindi pa ba dinadala dito ng HR ang dapat pirmahan na mga papeles ni Sir Gab?" Tanong ko kay Yam habang inaayos ko ang mga bulaklak na nasa table ko. "Sabi ni Joseph, kunin mo nalang doon." napakamot nalang ako sa ulo ko. "Akala ko pa naman bumait na sila talaga sa akin." I sighed. Napapailing nalang ako na magtungo ako sa HR department para kunin ang mga papeles na kailangan ng pirma ni Sir Gabriel. Malaki talaga ang question mark na nasa isip ko kung bakit ang bait sa akin ngayon ng buong HR Department. Kakatok palang ako ng bigla nalang bumukas ang pinto. Nagulat pa ako ng hatakin ako papasok ni Joseph. Ang head ng HR Department. "Ang tagal mo naman, Liway. Kanina pa kita hinihintay. Natanggap mo ba ang mga bulaklak na ipinadeliver ko? Iyong chocolate?" sunod sunod na tanong nito sa akin. Tumango lang ako. "Upo ka." Mabait na sabi nito sa akin. Napatanga nalang ako dito. Ito kase ang number one bully sa buong building. Bakit parang naging maamong tupa ito ngayon sa akin? "Libre ka ba mamayang lunch? Labas tayo. Treat ko!" tuloy tuloy na sabi pa rin nito. Napakamot nalang ako sa bangs ko. "Joseph, kukunin ko lang sana iyong mga papeles na kailangan ng pirma ni Sir Gabriel. Baka kase dumating na siya." Paliwanag ko. Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Saka niya ako nito nginitian ng makahulugan. Parang sinasabi nito na may alam ito na hindi ko alam. "Labas tayo mamaya ha?" Sabi pa rin nito sa akin at ibinigay sa akin ang isang bungkos ng mga papel. " Joseph, hindi po ako pwede. Iba nalang ang yayain nyo. Madami kase akong dapat gawin pag uwi ko." magalang kong pagtanggi. "Sige na Liway. Ngayon lang." pangungulit pa rin nito. Hindi na ako nakasagot ng mapapitlag ako sa boses ni Sir Gabriel. "Ms. Enriquez!" Tawag nito sa akin. "Sir Gabriel!" Sabay na banggit namin ni Joseph dito. Gusto kong kumaripas ng takbo sa itsura nito ngayon. Madilim na madilim ang muka nito. Nakakatakot ang asul na mata nito na nakatitig sa akin ngayon. Nagbabagang nakatingin ang mga iyon sa akin ng direkta. Napalunok ako sa takot. "Why are you here? Nasa taas ang trabaho mo!" He hissed. "Sorry Sir." Nagyuko ako ng ulo at nilagpasan ko na ito para umakyat sa taas dala dala ang isang tambak na papel. Hanggang sa makarating ako sa table ko ay nanginginig ako sa takot. I touched my chest. Parang may naghahabulang daga sa dibdib ko sa bilis ng t***k nito. Dalidali kong inayos ang mga bulaklak sa table. Napapitlag kaming dalawa ni Yam ng magsalita si Sir Gab. "Gusto ko pag labas ko wala na akong makikita ni isang bulaklak dito." Madiing sabi nito at sa akin nakatangin. Napalunok ako at nagyuko ng ulo. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig nito sa akin. "And Ms. Enriquez, just tell all your suitors na nandito ka para magtrabaho hindi para magpaligaw. This is a working place not a flirting ground!" seryosong saad nito. Hindi kami umimik na dalawa. Tahimik lang akong tumango. Napabuga ako ng hangin ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng opisina nito. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Nanghihina akong napaupo. Narinig kong tinawagan ni Yam ang janitor para ipakuha ang mga bulaklak. Mukang masama ang timpla nito at ako ang napag initan. Lagi naman. I sighed and started to work. Napapitlag pa ako ng tawagin ako nito sa intercom. "Ms. Enriquez. Come here! Hurry!" Utos nito. Tarantang kumatok ako sa pintuan bago pumasok. Sinenyasan ako nitong lumapit. Nakita ko pang napangiwi ito. Siguro napapangitan na naman ito sa akin kaya ganito nalang lagi ang reaksyon nito tuwing titingnan ako. Nalungkot ako sa isipin ko. "Greet them." utos nito sabay turo sa monitor na nasa harapan nito. Bumaling ako sa itinuro nito at pilit akong ngumiti sa mga taong nandoon. "Goodmorning Sir's." magalang na bati ko at bahagya pa akong yumukod. Hindi kumibo ang mga binati ko. Tinitigan lang ako ng mga ito. I sighed. Nagyuko nalang ako ng ulo. "Good. Now get out and do your work!" Utos sa akin ni Sir Gabriel. Malungkot ko itong sinulyapan bago ako lumabas. Tinitigan ko ang nakasarang pinto ng opisina nito. Hindi ako masanay sanay sa reaksyon ng mga taong nakapaligid sa akin. Noon pa man kung tingnan nila ako para akong Alien na nang galing sa ibang planeta. Ngayon palang nga ginagawa na ako nitong laruan. Paano pa sa mga susunod na araw? Malungkot akong napangiti. Alam ko naman na hanggang tingin nalang ako dito kahit noon pa man. Hanggang pangarap nalang ako dito. Pero ang puso ko ay umaasa na isang araw ay tingnan ako nito sa paraang ikakatuwa ng puso ko. Gusto kong pagalitan ang sarili ko. Umaasa akong mapapansin ako nito kahit napaka imposible mangyari. Malayong malayo ka sa pinapangarap niyang babae. Sabi ng isang bahagi ng isip ko. He will just live in my dreams. Only in my dreams. In my dreams his my man. My Man. I sighed and walked away. ______________ Hanggang pagpasok sa opisina ay laman ng isip ko ang larawan na nasa cellphone. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ito si Liway. Napakaimposible kase. Pero hindi naman ako lolokohin ng mga empleyado ko dahil kahit sila ay hirap na paniwalaan na ito ang dalaga na nasa picture. Hindi ko sana papansinin ang secretary ko ng madako na naman ang tingin ko sa table ni Liway na punong puno ng mga bulaklak. Binalingan ko si Yam bago ako pumasok sa office ko. "Ms. Bartolome, sinong may sabi sayo na gawin mong flower shop ang buong floor na ito?" "Naku Sir Gabriel. Hindi po sa akin ang mga bulaklak na ito." Tanggi nito. "Kay nino?" Kunit nuong tanong ko. "Kay Liway po." nakayukong sagot nito. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng nuo ko sa sinabi nito. Kay Liway ang mga bulaklak na ito? I clenched my fist. Mukang balak pa akong unahan ng mga empleyado ko dito. "Where is she?" "Nasa HR Department po. Kinuha ang mga papeles -" Hindi ko na hinintay ito na makatapos sa pagsasalita. Dali dali akong sumakay ng elevator at dumeretcho sa HR Department. Mabibigat ang bawat hakbang ko papunta dito. Huwag na huwag nila akong kakalabanin. Kung ayaw nilang makita ang empyerno kahit buhay pa sila. I won't be Alonso Jr. for nothing. "Where is Liwayway?" Tanong ko sa naka salubong kong empleyado. "S-sir G-gabriel!" nahihintakutan nitong tanong. "Where is she?!" Madiin kong tanong. Hindi ko na kailangan hulaan kung bakit ito takot na takot. I know seeing my face right now was hell. Madilim na madilim ang muka ko. Napadiin ang hawak ko sa kuwelyo nito ng hindi ito sumagot. "Sagot!" I hissed. "N-nasa l-loob po."  Sabay turo nito sa nakasarang pintuan. Saka ko lang ito binitiwan at nagmamadali akong pumasok sa HR Department. Nakita ko si Liway na nakikipag usap sa head ng HR. I know that man. Ito ang may ari ng cellphone kung saan naroon ang larawan ni Liway. I called her. "Ms. Enriquez!" Tawag ko dito. "Sir Gabriel!" Sabay na banggit nila sa pangalan ko. "Why are you here? Nasa taas ang trabaho mo!" I hissed. "Sorry Sir." Nagyuko ito ng ulo at dali dali itong umalis dala ang isang bungkos na mga papeles. Naiwan ako sa loob. Nakita kong nanginginig na nakatangin lang sa akin ang HR head. Sinamaan ko ito ng tingin. "Hindi trabaho ng secretaries ko ang kuhanin pa ang mga papeles na dapat kong pirmahan or for approval. Trabaho nyo iyon iakyat sa kanila. Oras na malaman ko na pinabababa nyo pa sila dito. Especially Ms. Enriquez. I will fire everyone in this department. Nagkakaintindihan ba tayo?" I heard gasped. Sunod sunod na tumango ito.  "Y-yes S-sir G-Gabriel." "Good!" Paalis na sana ako ng may maalala akong sabihin. "One more thing. Oras na malaman ko kung sino sa inyo ang nagpapadala ng bulaklak o ng kahit na ano kay Ms. Enriquez. Tell them, to all the departments. Malalaman nyo ang ibig sabihin ng impyerno kahit buhay pa kayo!" After threatening them. I just walked away. Naabutan ko ang dalawa na tinatanggal ang mga bulaklak na nasa table ni Liway. "Gusto ko pag labas ko wala na akong makikita ni isang bulaklak dito. And Ms. Enriquez, just tell all your suitor's na nagdito ka para magtrabaho hindi para magpaligaw. This is a working place not a firting ground." seryosong saad ko. Hindi umimik ang dalawa. Tahimik lang itong tumango. Naiinis kong niluwagan ang suot kong neck tie. Dinampot ko ang cellphone ko kung saan inilipat ko ang picture nito. Nakangisi kong isinend ito sa mga kaibigan ko. Tinatamad pa akong magtrabaho kaya maglilibang muna ako. I seat with a satisfied smile on my lips. Itinaas ko pa ang dalawang paa ko sa table. I count from 1 to 10. Napangisi nalang ako ng magvideo call sa akin ang mga ito. Sa pangunguna ni Mikhael. "Who is this girl Gabriel?" Bungad agad ni Mikhael sa akin. "Guess who?" Balik tanong ko. "Gago, alam mong ayoko ng mga ganyan ganyan. She looked hot by the way." komento pa nito. "I know it right!" Nakangisi kong saad. Nanlalaking mata na tumutok pa itong mabuti sa camera. "Putcha! Don't tell me. Don't tell me!" hindi matuloy tuloy nito ang sasabihin. Natawa ako. "Tell me what Mik-Mik?" Nalukot ang muka nito sa itinawag kong pangalan. He just gave me a middle finger. I did the same. "Another call!" Sabi ko kay Mikhael. "Ano na naman ito Gabriel?" Bungad naman ni Matt sa akin. "Hindi ano Matt. Kundi sino." sagot dito ni Mikhael. Hindi ako nagsalita ng sagutin ko rin ang tawag ni Hermes at Emperor. "Zap guys!" Masayang bati ko pa. Hermes and Emperor just made a face. "What is this all about Gab?" Kunot noong Tanong sa akin ni Emperor. "You all knew what it is." sagot ko at sumandal pa ako sa upuan. Napailing nalang ang mga ito. "She looks familiar." seryosong saad ni Hermes. I smirked. "Don't tell us Gabriel, she will be your next victim?" Kunot nuong tanong ni Emperor. Tahimik lang na nakikinig ang tatlo. "Aray!" Kunwariy daing ko. "Victim? Para naman akong serial killer or murderer sa paraan ng pagtatanong mo." kunway sabi ko. "Yeah, right. Murderer ka ng puso." nakangising sabad naman ni Mikhael. "Oh, shut up Mik-Mik! They are my willing victim. You know, I don't force any of them. They signed the agreement letter without thinking twice." Preteng sagot ko. "Para ka lang nakikipag business deal sa pinag gagagawa mo." komento ni Matt. "Payag naman sila. Hindi sila lugi. I am fair enough. All they need to do was to warm my bed." depensa ko agad. Hindi naman kaila sa akin na hindi sila payag sa kung paano ko tratuhin ang mga babaeng dumadaan sa buhay ko. But I don't care. Hindi rin naman nila ako pinakikialaman pero hindi rin nila ako suportado. But that's okay with me. "And who is this woman?" Tanong pa rin ni Emperor. "All of you knew her." makahulugan kong sabi sa mga ito. "Ano ito? Guess the picture? Damn it! Sabihin mo na pinatatagal mo pa!" Mikhael hissed. Itinaas ko ang kamay tanda ng pagsuko sa mga ito. "Okay. Okay. Just wait for a while." sagot ko at tinawag ko si Liway gamit ang intercom. "Ms. Enriquez. Come here! Hurry!" Utos ko. Wala pa man isang minuto ay bumungad na ito sa pintuan. Sinenyasan ko itong pumasok. Hindi ko maiwasang mapangiwi sa suot nito. Hindi ako masanay sanay. "Greet them!" utos ko sabay turo sa monitor na nasa harapan ko. Bumaling naman ito roon at kiming ngumiti ito. "Goodmorning Sir's." magalang na bati nito. Hindi kumibo ang mga kaibigan ko. Napansin kong napangiwi si Mikhael. Gusto kong matawa sa reaction ng mga ito. Alam kong matagal na nilang kilala si Liway bilang secretary ni Papa. "Good. Now get out and do your work!" agad naman itong tumalilis palabas ng kwarto. "That is Liwayway." sagot ni Emperor. "The longest secretary of Tito Alfonso." dagdag naman ni Hermes. "Tita Imelda's favorite secretary." sabi pa ni Matt. "And soon to be Gab's Karma." sabi naman ni Mikhael. I made a face. "Bakit? Kung magsalita kayo parang kilalang kilala nyo siya?" Kunot nuong tanong ko. "Of course, we do!" Sabay sabay na sagot ng mga ito. Napangiwi ako. "How?" Kunot nuong tanong ko. Bakit ako hindi ko siya kilala? What the f**k?! "Lagi siyang kasama ng Mama mo sa kahit saang lakad. Ang Papa mo naman laging kasama siya sa mga business meeting. Paanong hindi namin siya makikilala!" Emperor hissed. "At bakit mo ba siya tinawag at pinabati sa amin? Nakahanap ka na naman ng paglalaruan?" Tanong ni Matt. "Nasaan na ang sinasabi mong babae sa picture na pinadala mo?" Naiinip na tanong ni Mikhael. "Hindi nyo gets?" Balik tanong ko. Natahimik ang mga ito. Nang makuha siguro ang ibig sabihin ko ay nagkanya kanyang mura ang mga ito. "Si Liway ito?" Sabay sabay na tanong nila ulit. "I can't blame all of you. Kahit ako hindi makapaniwala. Sinong mag aakala na si Betty Lafia ay isang dyosa pala?" Nakangisi kong sabi. Napapalatak si Emperor. "That's why she looks familiar." tumango tango pa si Hermes. "Bakit siya?" Biglang tanong ni Matt. "Bakit hindi siya?" Balik tanong ko. "She is a decent woman Gab. Wag siya, lalong magagalit sayo ang Papa mo." sabi ni Emperor. "You think I care?" Bale wala kong sabi. Hindi umimik ang mga ito. "Alam nyo naman siguro na may problema ang sundalo ko. But when I saw that picture. Medyo nagkakaroon na ng reaction si soldier. So the cure is on her." giit ko. "Okay, I'm out with it. Sorry guys I have to go. May date pa kami ni Casey. Bye!" paalam bigla ni Emperor. "Good luck man!" Sagot naman ni Hermes at nawala na rin sa kabilang linya. "Gab think about it. Liway is a decent lady. She don't deserved that kind of treatment you are planning for her. She is way better than that. She's a good lady." saad ni Matt. I rolled my eyes. "Matt kailan ka pa naging abogado ni Liway? Sa pagkakaalam ko doctor ka." Nakangisi kong saad dito. Nagtaas lang ito ng dalawang kamay tanda ng pagsuko. "Huwag sanang bumalik sayo ang gagawin mo na iyan Gab. Goodluck! I have to go. Tinatawag ako sa emergency room." sabi nito at mawala na rin sa kabilang linya. "How about you Mikhael. What is your opinion?" Baling ko kay Mikhael. He just shrugged his shoulder. "They are right Gabriel. Humanap ka nalang ng iba. Huwag na si Liway. Kawawa naman siya. Mukang walang kamuwang muwang sa mundo." seryosong sabi nito sa akin. Napailing nalang ako. "I don't care. Bakit naman siya magiging kawawa? Masasarapan naman din siya?" Napailing nalang si Mikhael sa sinabi ko. "She really look innocent. Saka akala ko ba ayaw mo ng virgin? Because its boring. Iyang muka ni Liway mukang kahit hawak, wala pang nakakahawak na lalaki dyan." sabi pa nito. I smirked. "Don't worry, nakukuha naman sa training. Who knows, baka nag iiba ang aura sa gabi si Liway. You know what I mean." sabi ko. "Oo na. Bahala ka na nga Gabriel sa buhay mo." sabi ni Mikhael at nawala na din sa monitor. I sighed. Ano bang malay ko kung virgin ba talaga ito o naghihin hinhinhinan lang sa mata ng ibang tao. Malalaman ko nalang pag naisagawa ko na ang plano ko. No one will resist my charm. I grinned. "You betta ready my dear Liwayway." kausap ko sa picture na nasa cellphone ko. "Because I'm coming!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD