Chapter 4

3214 Words
Nang makauwi ako ng bahay ay bandang alas-singko na ng hapon. Hindi na namin nahintay pa ni Eli na lamunin ng dilim ang kalangitan dahil sa isang call na natanggap niya. Ayon sa nakausap niya, kinakailangan siya sa agency nila para daw sa isang urgent meeting. Dahil doon, hindi natuloy ang plano ni Eli na mag-star gazing kami at napilitan siyang iuwi ako kaagad upang maka-attend sa meeting nila. Aminadong nalungkot ako sa plano ni Eli na hindi natuloy pero naniniwala naman akong may next time pa para doon. Pagkapasok ko ng bahay, hindi ko inaasahang maaabutan ko si Delancy sa loob habang kakwentuhan niya ang ilan sa mga kasambahay namin na sina Yaya Jonna at Nanay Puring. Nang makapasok ako ay nahinto ang kwentuhan nila at sila'y bumalik na sa pagtatrabaho. "Mag-ga-gabi na, ah? Bakit nandito ka?" tanong ko kay Delancy tiyaka naupo sa katabing sofa na inuupuan niya. "Actually nakauwi na 'ko sa 'min kaya lang naabutan ko sa bahay na nandoon iyong kabit ni Papa kaya umalis na lang din ako kaagad. Tapos ayon, 'dito ako dinala ng mga layas kong paa." Sambit niya, at bakas sa mukha niya ang lungkot. Nakilala ko si Delancy bilang isang babae na happy-go-lucky. Sa unang tingin, aakalain niyong masayahin siya at walang dinadalang problema pero kapag lubusan niyo na siyang nakilala, doon niyo malalaman na first impression doesn't last. Kagaya ko, lumaki siya sa isang broken family. Iyong Mama niya ay nangaliwa gano'n din ang Papa niya. Siya ang kaisa-isang anak ng Mama at Papa niya pero hindi siya piniling isama ng Mama niya sa bahay ng kabit nito kaya naiwan si Delancy sa poder ng Papa niya. Iyon nga lang, mayroon din palang kabit ang Papa niya kaya pala nagkasundo ang mga magulang niya na maghiwalay na lang. Ngayon ay nakatira si Delancy sa isang bahay na pakiramdam niya ay hindi siya belong. May mga anak na ang Papa niya sa kabit nito kaya naman siya ang nagmumukhang anak sa labas. Naikwento 'yon ni Delancy sa 'min ni Julia at talagang nalulungkot ako sa sitwasyon ni Delancy. Napakahirap na manirahan sa isang bahay na alam mong hindi mo na lugar para manatili ka pa roon. Pero dahil wala naman nang maaasahan at matutuluyan, pinili ni Delancy na manatili roon kahit ang bigat na sa kalooban niya ang makasama ang kabit ng Papa niya pati ang mga anak nito. "Hindi mo kailangang kimkimin iyang sama ng loob na dinadala mo. Alam mo namang nandito lang kami parati ni Julia para sa 'yo, para pakinggan ka. At kung hindi mo na talaga kinakaya na magtiis na kasama ang kabit ng Papa mo sa iisang bubong, bukas na bukas ang pinto ng bahay namin para sa 'yo." Tiningnan niya ko at batid kong pilit ang ngiti na ibinigay niya sa 'kin. "Okay lang ako, Magi. Salamat sa pag-aalala pero kaya ko pa namang tiisin ang lahat, e. Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko iiwan si Papa sa kabit niya dahil naniniwala 'kong hindi magiging maayos ang buhay niya kasama ang babaeng iyon." Kumunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin, Delancy?" "Nahuli ko noong isang araw si Lucy na may kinitang lalaki sa may tindahan malapit sa bahay namin. Sobrang linaw ng mata ko kahit gabi no'n, at kitang-kita ko kung paano sunggaban ng halik ng babaeng iyon ang lalaking kinita niya. Alam kong wala 'kong sapat na ebidensya kung sakaling sabihin ko 'to kay Papa para paniwalaan pero naniniwala ako na darating ang araw na mabibisto rin ang Lucy na 'yon. Alam kong pineperahan niya lang ang Papa ko at hindi niya 'yon mahal kaya hangga't humihinga ako, mananatili ako sa tabi ng Papa ko para protektahan siya sa Lucy na 'yon!" Nabigla 'ko sa nalaman kay Delancy. Ngayon lang siya nagkwento tungkol sa gano'ng bagay at talagang halos hindi ako makapaniwala sa nalaman. Pero kagaya niya, sana nga mahuli na ang babaeng iyon. Hindi naman habambuhay ay maitatago niya ang sikreto niya, e. Bandang huli, walang sikreto na hindi nabubuking. "Pero hindi talaga 'yon ang sinadya ko rito," aniya at kinuha ang remote ng TV upang buksan ito. "Available na raw sa youtube 'yong cover ni Eli sa kantang Someone Like You!" Nagpunta siyang youtube para hanapin ang cover ni Eli na sinasabi niya at nang makita ay agad niyang pinindot iyon at i-p-in-lay. "Alam mo namang boto pa rin ako kay Eli para sa 'yo kahit na medyo nawawalan na siya ng oras para sa 'yo. Pero laban lang, Magi!" dinig kong sabi niya pa bago tuluyang itinutok ang atensyon sa TV nang magsimula ng mag-play ang video. I heard that you're settled down That you found a girl and you're married now. I heard that your dreams came true. Guess she gave you things I didn't give to you. Old friend, why are you so shy? Ain't like you to hold back or hide from the light. I hate to turn up out of the blue uninvited But I couldn't stay away, I couldn't fight it. I had hoped you'd see my face and that you'd be reminded That for me it isn't over. Never mind, I'll find someone like you I wish nothing but the best for you too Don't forget me, I beg I'll remember you said, "Sometimes it lasts in love but sometimes it hurts instead, Sometimes it lasts in love but sometimes it hurts instead" You know how the time flies Only yesterday was the time of our lives We were born and raised In a summer haze Bound by the surprise of our glory days I hate to turn up out of the blue uninvited But I couldn't stay away, I couldn't fight it. I'd hoped you'd see my face and that you'd be reminded That for me it isn't over. Never mind, I'll find someone like you I wish nothing but the best for you too Don't forget me, I beg I'll remember you said, "Sometimes it lasts in love but sometimes it hurts instead." Nothing compares No worries or cares Regrets and mistakes They are memories made. Who would have known how bittersweet this would taste? Never mind, I'll find someone like you I wish nothing but the best for you Don't forget me, I beg I'll remember you said, "Sometimes it lasts in love but sometimes it hurts instead". Never mind, I'll find someone like you I wish nothing but the best for you too Don't forget me, I beg I'll remember you said, "Sometimes it lasts in love but sometimes it hurts instead, Sometimes it lasts in love but sometimes it hurts instead." "Grabeeee walang-kupas ang boses niya, 'no? Ang ganda talaga tapos ang swabe!" sambit ni Delancy habang niyuyugyog ako. Jusko, hilong-hilo ako sa ginawa niya. Mukhang mas kinikilig pa 'to kaysa sa 'kin, e. Nakakaloka ang babaeng ito, ah? Parang kanina nag-e-emote pa siya tapos biglang magiging ganito siya ka-hyper! "Dumistansya ka nga muna sa 'kin nang kaunti at baka masampal kita!" naiirita kong utos sa kaniya. "Kinikilig lang naman ako para sa 'yo---" "Iyong totoo? Sumobra 'yong kilig mo, nalagpasan mo na 'ko!" Tumawa siya habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay, "Gosh, nawalan yata ako ng laway. Pahingi naman ako ng tubig, oh?" Umirap ako, "Bahala ka diyan---" "Ano ba, ang bilis mo naman magtampo!" aniya at itinulak ako. "Hindi ko naman aagawin si Eli sa 'yo kaya huwag kang OA diyan! Tiyaka isa pa, si Dylan lang ang crush ko, kuha mo?" "Hindi naman ako nagtampo, 'no? Tiyaka okay lang naman sa 'kin na kiligin ka sa pagkanta ni Eli pero sana huwag mo naman akong lamangan, 'di ba?" sarkastikong sabi ko. "Daig mo pa girlfriend kung makatili diyan! Hampasan kaya kita ng tubo, gusto mo?" "Possessive yarn?" tatawa-tawa niya pang sabi. Parehas sila ni Julia e, nakakabwisit! Hindi ko na lang siya pinansin, bagkus ay i-p-in-lay kong muli ang video kung saan i-c-in-over ni Eli ang kantang Someone Like You. Totoo nga ang sinabi ni Delancy, napaka-swabe ang ginawang atake ni Eli sa pagkanta sa awitin na 'yon. Ang sarap lang pakinggan ng malalim ngunit napakaganda niyang boses. Dama ko 'yong emosyon niya habang kinakanta 'yon, at habang pinapakinggan ko na inaawit niya 'to ay ramdam kong ako ang babae na pinag-aalayan niya ng awitin. Ayaw kong maging assuming pero bilang girlfriend niya, iyon ang nararamdaman ko. "Ngayon niyo sabihin sa 'kin na mali ang ginawa kong desisyon na suportahan si Eli sa career na gusto niya. Ngayon niyo kwestyunin ang desisyon ko na manatili sa tabi niya para suportahan ang pangarap niya." Ang nasabi ko out of the blue tiyaka napatingin kay Delancy. "Habang pinapanood ko ang video na 'yan, mas nagiging malinaw sa 'kin na hindi isang pagkakamali ang ginawa ko. Ginusto kong suportahan siya para sa career niya, at ito na 'yong outcome. Hindi ko maipaliwanag iyong saya na nararamdaman ko habang pinapanood ko siyang kumanta, dahil nababakas ko sa mukha niya na masaya siya sa ginagawa niya. Nararamdaman kong mahal ako ni Eli at ni minsan ay hindi siya nagkulang sa 'kin. Hindi ko tiningnan bilang isang pagkukulang ang mawalan siya minsan ng oras para sa 'kin, dahil inilalaan niya naman ito para sa pangarap niya. Sino ba naman ako para pigilan siya, 'di ba? Ang kailangan niya ay suporta, at hindi panghuhusga. Kaya sana huwag niyo kong kwestyunin o husgahan sa mga ginagawa ko. Oo nasasaktan din naman ako sa sitwasyon ko ngayon, pero pilit kong titiisin iyon basta para sa kaniya." Mabilis kong iniwas ang tingin ko kay Delancy para tumingin sa kawalan sabay sabing, "Mayroon akong pangarap, at iyon ay ang makasama ang lalaking mahal ko sa hinaharap. Kapag g-in-ive-up ko si Eli, para ko na ring tinalikuran ang pangarap ko." Naramdaman ko ang kamay ni Delancy na pumulupot sa braso ko, "Gets naman kita, at kailanman ay hindi ako tututol sa mga ginagawa mo. Malaki ka na, at sigurado akong alam mo na ang tama at maling gawin." Oo, alam ko na ang tama at maling gawin. Sigurado kong sa ginagawa kong ito, nasa tama ako. --- "Instant celebrity na naman si Eli rito si campus matapos i-release 'yong cover niya. Kaya proud ako roon, e. Ako kaya nag-voice coach sa kaniya kung hindi niyo naitatanong." Sabi ni Israel. Kasalukuyan kaming nasa classroom habang naghihintay ng Professor at ayon nga, napag-kwentuhan nila ang tungkol sa cover ni Eli na officially na-release kahapon sa youtube. At hindi rin nakapagtataka na wala si Eli ngayong araw dahil alam kong busy siya kasabay ng naging successful ang release ng una niyang cover song. Sino ba naman kasing hindi mabibigla, e wala pang 24 hours na na-re-release ang kanta ay mayroon na ito agad 24M views at 13M likes sa youtube. BTS yarn? "Hindi namin itinatanong, okay? Ano, share mo lang?" pambabara dito ni Julia. Natawa naman si Israel, "Gusto mo lang yata na kantahan kita para paniwalaan mo 'ko, e. Ano bang gusto mong kantahin ko sa 'yo? Pusong-bato? Binibini? Gayuma? Kabilang-buhay---" "Nanghaharana ka ba ng patay o ng babaeng broken-hearted?" natatawang tanong ni Delancy. "Anong pinapalabas mo ngayon, ha? Na broken-hearted ako? Ang kapal naman ng libag mo sa singit! E, ano namang pakialam mo kung palagi akong broken? Ang mahalaga, e napapalitan ko rin naman sila ng bago, 'no!" "Proud pa siya, ah?" bulong sa sarili habang iiling-iling. "Hindi mo kasi tularan si Magi, ayan oh, happy kay Eli." At nagmula ang boses na 'yon sa kakapasok lang na si Dylan. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang aming mga paningin. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa mga tingin niya na 'yon, na para bang nakita ko na ang ganoong titig noong bata pa ako. "Nakakatuwa naman dahil sumisikat na ang boyfriend mo, sana hindi ka niya ipagpalit sa mas magaganda na magiging ka-trabaho niya sa showbiz." Pumait bigla ang timpla ng mukha ko matapos marinig ang sinabi niya. Siguro ay nang-aasar lang siya pero sa 'kin, pakiramdam ko ay pine-personal niya 'ko, e. "Akala ko kaibigan mo si Eli? Pero bakit ganiyan ka na lang kung makapagsabi ng mga salita laban sa kaniya? Kung tutuusin, ikaw ang mas nakakakilala sa kaniya kasi mas matagal ang pinagsamahan niyo kaysa sa 'kin. Para namang hindi mo kilala ang kaibigan mo kung makapagsalita ka. Ganiyan ba ang ugali mo talaga? Naninira ka nang patalikod sa mga kaibigan mong hundred percent ang tiwala sa 'yo? Kung gano'n man, isa kang basura." Magsasalita na sana si Dylan nang pumagitna si Israel, "Talagang pag-aawayan niyo pa 'yan dito? Paano kapag nakarating ito sa Admin? Edi pare-parehas tayong lagot? Chill lang kayong dalawa, huwag mainit ang ulo. Umaga pa lang oh! Nahiya ang araw sa inyo, sa totoo lang." "Sino ba kasing nagsimula? Nananahimik iyong tao tapos guguluhin ng bwiset na 'yan." Bulong ko sa sarili pero ramdam ko namang narinig din naman iyon ni Dylan. Imbes na patulan ay umupo na lang ito sa upuan niya at nakita kong itinutok sa cellphone ang atensyon nito. "Easy ka lang, Mags---" "Pagsabihan mo nga 'yang kapatid mo. Kung sinusubukan niyang magbiro o mang-asar, pwedeng huwag niyang idadamay si Eli? Akala niya kasi nakakatawa pa 'yang ginagawa niya. Na-me-mersonal, wala naman siyang alam." "Kalma lang, ako na ang bahalang kumausap kay Dylan. Hindi naman siya kagaya ng iniisip mo na nakakainis o kung ano pa man. Maiintindihan mo 'ko kapag nakilala mo na nang lubusan si Dylan, promise." Iyon ang huling sinabi ni Israel bago siya umalis sa pwesto naming tatlo. Napairap ako sa kawalan. Bakit ko paniniwalaan ang sinasabi ng bugok na 'yon? E, isa pang bugok iyon, e. Malamang ipagtatanggol niya si Dylan kasi magkaugali sila. Tsk, nakakasuka! Mabuti na lang hindi nila naimpluwensiyahan si Eli na maging kagaya nila. Mabuti na lang talaga, jusko! Ilang minutong paghihintay ang nakalipas bago dumating ang Prof namin ngayong araw. Muntik ko nang makalimutan na Thursday ngayon kaya't P.E. time pala namin. As usual, nag-discuss ang Prof about sa lesson which is ballroom at tiyak kong next meeting ay i-pe-perform na namin ang itinuro niya. Hay nako. "Waltz is a German word that means “to roll. There have been many Waltz types throughout the years; modernly it is known as the Viennese Waltz. The essential movement of the Waltz is a three-step sequence comprising of a step forward or in reverse, a step to the side, and a step closing the feet. The timing of the steps is known as one, two, and three. Waltz is the artistry of “rise and fall” and “body influence.” The best illustration could be Emma Watson or Belle dancing in Beauty and the Beast." Mahabang litanya ng Prof namin. Nakakaantok naman ito. Wala naman akong future sa pagsayaw kaya bakit kailangan pa 'tong gawin? Bakit kasi may P.E. pa rin na subject hanggang sa college, e? "Para mas lalo ninyong maintindihan kung paano sayawin ang waltz, kailangan makita ninyo ang step-by-step ng pagsayaw nito. With that, I need two representatives from the class." Sabi ng aming Professor. Tahimik naman ang buong klase at mukhang wala ni isa sa 'min ang gustong tumayo sa harap upang gawin ang sayaw. Pare-parehas kasi namin hindi alam iyon, e. "Wala?" tanong ni Ma'm Cynthia. "Alright, I will select random student instead." At tumingin na nga siya sa masterlist namin. Ito ang ayoko, e. Kailangan sapilitan kapag walang volunteer? Ang daya, ha! "Miss Serrano and Mister Villarosa, please come forward." Nanlaki ang mata ko nang matawag ang pangalan ko kasama ang pangalan ng kinaiinisan kong lalaki. Sa labing-tatlo na lalaki sa classroom na 'to, bakit si Dylan pa 'yong natawag? "Go, Magi!" dinig kong bulong ni Julia sa 'kin habang si Delancy ay nakangiti lang. Isa pa 'yan, dapat kung si Dylan din naman ang tatawagin ni Ma'm, sana si Delancy ang tinawag niya sa babae kasi crush ni Delancy itong bwiset na 'to, e. Ano kayang nagtulak kay Ma'm at ako ang natawag? Sinong demonyo ang bumulong, ha? "Alright, let's start!" anunsyo ni Ma'm kaya kami ni Dylan ay napaayos na sa pwesto habang magkaharap kami. Grabe, parang sumasakit mata ko, ah? Hirap niyang titigan. "Firstly, hold your partner close; you can't waltz with someone if you're keeping her at arm's length and trying to pretend she's not with you." Sambit ni Ma'm at kagaya ng sinabi niya ay hinawakan ni Dylan ang isang kamay ko, habang ang isa ay nakahawak sa baywang ko, at ang isang kamay ko ay nasa balikat niya. I hate this feeling, bakit parang kinakabayan ako at pinagpapawisan? Normal lang ba na maramdaman mo 'to kapag ganto ka kalapit sa demonyo? Pagpapawisan ka na lang bigla at kakabahan kasi baka mamaya dalhin ka na niya sa impyerno at gawing reyna roon? "Second, don't think of the first step as being out to the side; think of it as stepping round your partner.  Usually the man starts with his left foot and the lady with her right. So in the first bar, the man is moving round the lady, while she's not travelling much at all; on the second bar the lady does the moving.  Whichever s*x you are, make sure that the travelling is done on the left foot, and that you're going round your partner.  Some women believe they should be going backwards, but that's not true — in a turning waltz no-one is going backwards.  Either you're going round your partner or you're turning on the spot." Hindi ko masyadong naintindihan iyong second step pero buti at si Dylan na ang nagsimulang gumalaw sa 'ming dalawa. Tulad ng instruction ni Ma'm Cynthia, inikutan ako ni Dylan habang ako ay naka-steady lang, at matapos no'n ay gumalaw na rin ako. "Thirdly, in a free waltz you don't have to turn all the time — it's just you and your partner so the choice is yours.  You could do two steps in a straight line, with the man going forwards and the woman backwards, and then two steps to turn all the way, and repeat this as often as you like." Obviously, waltz ang third step kaya 'yon ang ginawa namin. Ako ang backwards, siya naman ang forwards and we repeated it three times. "And finally, give a firm hold with your right hand on her back and lead her, for heaven's sake.  That's why the ballroom position is the way it is.  It's the man's right hand that controls the woman, not the one that's sticking out in front — you can let go with your left hand and still waltz well.  It's much harder for the woman to control things with the hand on your shoulder.  And she won't mind which foot you start on or which way you go, provided you show her that you know what you're going to do." At ang pinakahuling step ay ang bwiset na pagliyad ko habang nakasalo ang kamay niya sa likod ko. And there it is, dahil sa ginawa naming iyon ay nagtagpo ang mga mukha namin sa isa't isa na sobrang lapit. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ba 'kong napalunok ng laway, pero ang ipinagdarasal ko na lang ngayon ay sana hindi niya nahalata ang pamumula sa pisngi ko. Ang weird ng feeling, pero bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD