Agad rin niya 'kong itinayo nang maayos at mabilis na humiwalay kami sa isa't isa. Siguro ay maging siya'y nakaramdam ng pagka-awkward sa nangyari. Hindi man ako sigurado kung na-awkward ako pero ang malinaw lang sa 'kin ngayon ay hindi ko gusto na kaming dalawa ni Dylan ang pinag-partner ni Ma'm Cynthia.
Sa dami ng bilang ng babae rito sa classroom, ako pa talaga?
"You will perform that on our next meeting, at pinapayagan ko rin kayong humiram ng lalaki sa ibang department para maka-partner niyo since kulang ang number of boys ninyo sa number of girls." Paliwanag ni Ma'm Cynthia at ito'y tumingin sa 'ming dalawa ni Dylan. "Partner kayong dalawa at inaasahan kong magiging maganda ang performance niyo, since both of you are good at dancing." Umalis na si Ma'm pagkatapos sabihin iyon.
Natulala 'ko nang marinig ang sinabi nito, like what the fvck? May part 2 pa 'yong "PAGLIYAD" ko kasama si Dylan? Bakit naman gano'n? Sana tinanong muna ko ni Ma'm kung papayag ako, 'di ba?
Bwiset na buhay ito!
"Dancerist yarn?" pagkalabas na pagkalabas ng aming Prof ay nagsimula nang gumawa ng daldalan itong si Julia.
"Ikaw na lang kaya p-um-artner kay Dylan? Tutal kapatid mo naman siya, e." Sabi ko kay Julia at mayamaya'y napatingin ako kay Delancy. "Pwede rin namang ikaw na lang, Delancy. Crush mo si Dylan, 'di ba? Chance mo na 'to!"
"Sige, pwede rin---"
Naputol sa pagsasalita si Delancy nang magsalita si Julia.
"Ayaw naming malagot kay Ma'm! Kung gusto mo gawin iyan, ikaw na lang, okay? Huwag mo na kaming idamay pa ni Delancy diyan!"
"Papayag na si Delancy---"
"Kung ayaw mo 'kong ka-partner, sana tinanong mo 'ko kung gusto ko rin ba na ikaw ang ka-partner ko?" dinig kong sabi ni Dylan mula sa likuran ko.
Dahan-dahan akong napaikot para tingnan siya nang masama. "Iyon na nga ang point ko, ayaw nating dalawa sa isa't isa kaya ko ginagawa 'to. Hindi mo 'ko gusto, hindi rin naman kita gusto---"
"Sino nagsabing hindi kita gusto?"
Kumulot ang kilay ko sa sinabi niya, "A-Ano? Anong sinasabi mo diyan?"
Mula sa kaninang seryoso niyang mukha ay napalitan ito ng saya; tinatawanan niya ko. "Ang panget mo ka-bonding. Bahala ka sa buhay mo, basta ako, wala kong balak na palitan ka." Tiyaka siya pa-cool na lumabas ng classroom.
Naiwan akong nakanganga habang sinusundan siya ng tingin na papalabas ng classroom. Hindi ko maipaliwanag kung gaano na ba kainit ang dugo ko dahil sa lalaking iyon! Napaka-angas niya, napakayabang!
Kita ko namang lumapit si Israel sa 'kin at hinawakan ang baba ko, "Pakisara, baka pasukan ng langaw." Bago siya sumunod kay Dylan na lumabas ng classroom.
Dahan-dahan akong napatayo mula sa kinauupuan ko, at tumingin kina Julia at Delancy. Sila man ay kakaiba ang tingin sa 'kin, mukhang nagpipigil sila ng tawa.
"AAAAAHHHHHHHHH!!!!" sigaw ko. "NAKAKABWISIT SILA, ANG YAYABANG! GRABE 'YONG KAYABANGAN NILA, LAGPAS NANG UNIVERSE! AAAAHH!"
Nagsisigaw lang ako rito sa classroom hanggang sa mawala 'yong sama ng loob ko. Kami na lang naman tatlo ang nandito kaya hindi na ko nahiya.
Basta mailabas ko lang iyong inis ko sa magkaibigan na 'yon. Ang sakit nila sa ulo, sa totoo lang!
-
Dalawang oras ang vacant namin at nakatunganga lang kami sa classroom. Soundtrip, naglalaro ng uno, ng Mobile Legends at kung ano-ano pang libangan ang ginagawa namin sa loob habang vacant.
Nang maburyo ako dahil sa inip, lumabas ako ng classroom para sana maglakad-lakad. Hindi ko inaakalang sa may garden area ako dinala ng mga paa ko at sa gitna ng garden kung saan nandoon ang isang fountain ay namataan ko si Yuwi na nakaupo roon habang nakatingin sa paligid.
Lumapit ako roon at naupo sa tabi niya. Aaminin kong hindi kami ganoong ka-close ni Yuwi at minsan ay naiinis din akong kausap siya kasi may pagka-pilosopo siya. Pero sa kanilang pito, masasabi kong isa si Yuwi sa nakakausap ko nang matino.
"Wala kayong klase?"
"Kung may klase kami, makikita mo ba ko rito?" aniya. Sabi sa inyo, pilosopo 'to, e.
"Sabi ko nga," saad ko at pinaglaruan ang paa ko habang iwinawalis sa mga damo.
"Boring ako kausap kaya kung ako sa 'yo, bumalik ka na sa classroom niyo." Dinig kong sabi ni Yuwi kung kaya't naagaw niya ang atensyon ko. "Kilala mo naman ako, hindi ako 'yong tipo ng tao na madaldal at maraming sinasabi.
Ayokong sinasayang ang laway ko sa walang katuturan na bagay kaya wala kang mapapala sa 'kin, Magi."
"Nagpunta 'ko rito para magpahangin at hindi para kausapin ka." Sagot ko.
"Kaya pala ikaw ang unang kumausap sa 'kin, iyon pala wala kang balak na kausapin ako. Ang galing mo naman, pang-Cumlaude ang sagot mo." Bakas sa boses niya ang pagka-sarcastic.
Napairap naman ako, "Bakit ba kasi minamasama mo na kausapin ka? Bakit ka ba bawal kausapin---"
"Ang daldal mo, ang ingay mo. Ang dami mong sinasabi kaya nagtataka talaga ko kung bakit nagustuhan ka ni Eli, e. Sa tagal kong kilala si Eli, hindi ko alam na mahuhulog lang siya sa isang babae na akala mo, e nakalunok ng microphone." Seryoso niyang sambit.
Nasaktan ako sa sinabi niya, dahil parang ipinapahiwatig niya lang sa 'kin na maski siya ay hindi boto para sa 'min ni Eli.
"Nang dahil lang ba sa maingay ako, hindi na ko dapat maging karapat-dapat para sa kaniya?"
Sa wakas ay natapunan na rin niya ko ng tingin. "Huwag mo nga kong sapawan, pwede? Hindi pa ko tapos sa sinasabi ko, sabat ka nang sabat diyan."
Napakuyom ako sa kamao ko. Kung sakaling binigyan ako ng Diyos ng kakayahan na manapak kagaya ni Manny Pacquiao, baka kanina pa may black eye 'tong si Yuwi.
"Nakakainis ka naman talaga minsan, dahil ang ingay at ang daldal mo. Oo, kinukwestyon ko si Eli kung bakit ka niya nagustuhan pero hindi ibig sabihin no'n ay tutol ako sa relasyon niyong dalawa.
Una sa lahat, wala 'kong karapatan na tutulan ang relasyon niyo o diktahan si Eli na huwag ikaw ang mahalin niya dahil kaibigan niya lang ako. Kung sino ang gusto niyang mahalin o kung ano ang gusto niyang gawin, sarili niya dapat ang magdikta no'n at hindi ang ibang tao.
Pangalawa, sa tagal ng relasyon niyo ni Eli ay masasabi kong isa ka sa dahilan ng malaking pagbabago niya. Oo, nagbago si Eli pero sa magandang paraan. At dahil iyon sa 'yo, Magi. Hindi ko man gusto ang ugali mo na pagiging maingay, pero kung anumang ritwal ang ginawa mo para baguhin si Eli ay lubos kong ipinagpapasalamat.
Dahil sa 'yo, natuto siyang humarap at magsalita sa ibang tao na dati ay hindi niya nagagawa. Tinulungan mo siyang maabot ang pangarap niya, kaya walang dahilan para sabihin ko sa 'yong hindi ka karapat-dapat sa kaniya.
Dahil sa totoo lang, sa lahat ng naging girlfriend niya, ikaw ang the best. Sana nakatulong ang sinabi ko para hindi mo na isipin na tinik ka sa pag-abot ni Eli sa pangarap niya. Kung tutuusin, ikaw iyong tubig na nagdilig sa kaniya para mamulaklak siya."
Nagpaalam na rin si Yuwi sa 'kin na mauuna na siya dahil magsisimula na ang klase nila. Ako naman ay naiwan sa lugar na 'to habang pine-play sa utak ko ang mga sinabi ni Yuwi.
May mga pagkakataon na ako mismo ay kinukwestyon ang sarili ko kung talaga bang karapat-dapat ako para kay Eli? Kung deserve ko ba na magkaroon ng boyfriend na kagaya niya? May mga tanong na kagaya niyan ang minsan nang sumasagi sa utak ko, pero nang marinig ko ang mga sinabi ni Yuwi, ngayon ko napatunayan na deserving ako para kay Eli.
Hindi man ako naging perfect girlfriend para sa kaniya, pero alam kong nararamdaman ni Eli kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kaimportante sa 'kin. Nangangako ako na mananatili ako sa tabi niya at sisiguraduhin kong maaabot niya ang pangarap niya.
Alam kong kaya niya.
Umalis na rin ako sa lugar na 'yon nang ma-bored ako dahil ang tahimik at wala rin naman akong kausap. Naglalakad ako sa field pabalik sa classroom namin nang may marinig akong sigaw.
"Ate, umilag ka!"
Napalingon ako sa gilid ko at gano'n na lang ang gulat sa mukha ko nang may paparating na bola sa mukha ko. Dala ng takot ay itinakip ko ang braso ko sa mukha ko upang hindi 'to matamaan.
Ilang segundo ang nakalipas ngunit wala pa ring bola ang tumatama sa katawan ko kaya naman dahan-dahan kong inalis ang pagkakatakip ng mga braso ko sa mukha ko---
"Okay ka lang?"
Nabigla 'ko nang si Dylan ang bumungad sa 'kin. Nasa harap ko siya ngayon at mukhang ang katawan niya ang sumalo ng bola na dapat mukha ko ang sasalo.
Ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Nakatulala lang ako habang tinititigan siya at tila ba hindi ma-proseso nang maayos ng utak ko ang mga pangyayari.
Grabe 'yong t***k ng puso ko sa mga oras na 'to. Sa sobrang bilis nito, akala ko nakipagkarera ko sa kabayo.
"Alam kong gwapo ako, pero kailangan ba talagang tulalaan mo ko nang ganiyan? Baka pagselosan pa ko ni Eli, ah? Ayaw kong mag-away kami nang dahil lang sa 'yo." Nangingisi niyang sabi tiyaka umayos ng tayo at pinagpagan ang sarili.
Dahil narinig ko na naman ang kayabangan ng hindi maalis-alis sa katawan niya ay nanumbalik ako sa wisyo. Magpapasalamat na talaga 'ko dahil sa ginawa niya e, kaso nagyabang na naman siya sa 'kin kaya binabawi ko na!
"Tanghali na, oh? Baka natutulog pa 'yang diwa mo? Pogi ka? Hibang ka na ba o baka naman nakahithit ka ng m*******a?
Una sa lahat, hindi ako naga-gwapo-han sa 'yo at mas lalong hindi ako papatol sa kagaya mo, 'no! Ang taas din naman ng pangarap mo, hindi kita ma-reach!"
Napailing-iling ito, "Siyempre sa una, i-de-deny niyo na hindi niyo gusto 'yong isang tao pero habang tumatagal na nakakasama mo siya, doon mo ma-re-realize na gusto mo na ang taong iyon."
Tumawa ako, "Tanga, sa K-Drama lang iyan nangyayari. Ang bobo mo naman kung maniniwala ka roon!"
Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Lumapit siya sa 'kin at talagang inilapit pa niya ang mukha niya sa 'kin, dahilan para pigilan ko ang paghinga ko.
"Bobo na kung bobo, pero hindi mo ko mapipigilan na paniwalaan iyon. At sinisigurado ko sa 'yo na maiintindihan mo rin ang sinasabi ko."
"A-Ang---"
"Gagawin ko ang lahat para maniwala kang nag-e-exist ang happy ending sa totoong buhay, Magi."
Lumayo na siya pagkaraan na sabihin iyon. Isinuksok nito ang magkabilang kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at tiyaka lumakad papalayo sa 'kin.
"Pwe! Akala niya ikina-cool niya 'yon?" naiirita kong sabi bago ko nagpatuloy sa paglalakad.
Napansin ko pa ang ilan sa mga estudyante na kakaiba ang tingin sa 'kin ngayon. Malamang ay nasaksihan nila ang kalandian na ginawa ni Dylan sa 'kin. Hindi na lang sila masanay roon, malandi naman talaga 'yon, e!
Hindi ko na lang pinansin ang mga estudyante na mainit ang tingin sa 'kin, bagkus ay nagmadali akong maglakad hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Halos walang pinagbago 'to nang iwan ko 'to kanina hanggang sa datnan ko 'to ngayon.
Grabe 'tong mga kaklase ko, hindi nagsasawa sa kakalaro ng Uno at ng Mobile Legends, e. Next time makapagdala nga ng bingo cards para mag-bingo-han na lang kami rito habang naghihintay ng Prof, tapos tayaan, 'no?
"Mukhang nakasalubong niyan si Dylan kaya ganiyang lukot ang mukha ni Magi ngayon." Dinig kong sabi ni Israel.
Abala silang tatlo sa may dulong pwesto na kumakain ng chichirya. Ang dami na ngang balat na nakakalat doon e, mukhang nakakarami na sila ng kain.
"Isang sumpa talaga na nagkakilala pa kami no'n, e. Mula nang makilala ko siya, parang nakalimutan ko nang sumaya." Umiirap na sambit ko.
Totoo naman kasi, simula nang makilala ko 'yang si Dylan, parang never na 'kong nag-enjoy sa buhay. Paano ba naman kasi ako mag-e-enjoy kung may isang kagaya niya na nanggugulo sa buhay ko?
"Grabe ka kay Dylan, hindi naman siya masamang tao. Ang bait kaya niya tiyaka gwapo pa." Sabi ni Delancy. Magtataka pa ba ko sa sasabihin niya? Malamang kay Dylan papanig iyan, palibhasa ay crush niya.
Aysus.
"Huwag mong ginaganyan si Dylan, kapatid ko pa rin siya, ah!" pagtatanggol ni Julia rito.
"Parang wala naman akong magiging kakampi sa inyo. Mukhang lahat kayo ay kay Dylan pabor e, edi sige magsama-sama kayo hanggang sa impyerno!" inis kong sabi.
"Pwera 'ko. Si Eli lang ang bata ko, mas mahal ko 'yon kaysa sa sarili ko, 'no?" dinig naming sambit ni Israel.
"Bakla---"
Hindi na natapos sa pagsasalita si Delancy nang magsalita si Israel. "Alam ko na 'yang mga tinginan niyong ganiyan. Hindi ako bakla, mas lalong hindi rin bakla si Eli kaya girlfriend niya nga si Magi, 'di ba?
Close lang talaga kami ni Eli, at mahal namin ang isa't isa dahil magkaibigan kami. Huwag niyong lagyan ng malisya! Kaya kayong mga babae, e natatawag na mga tamang hinala, e."
"Kaya nga tamang hinala kasi tama 'yong hinala namin. Duh!" umiikot ang mata na sabi ni Julia.
"Sarcastic iyon, Julia. SARCASTIC!"
Tingnan niyo 'tong dalawa na 'to, mukhang mayroon pa silang plano na pag-awayan iyong gano'ng simpleng bagay. Hay nako, buhay.
Natigil ang lahat sa kani-kaniyang ginagawa nang senyasan kami ng Class President na mag-ayos na raw. Sign iyon na paparating na ang Prof kaya naman dali-daling inayos namin ang mga upuan upang ibalik sa dati, at ang mga kalat dito sa likod ay iniligpit na rin namin.
Kasabay no'n ay ang pagpasok ng Prof namin sa subject na Modern Geometry. Hawak ang laptop ay humingi 'to ng tulong sa Class President namin upang i-setup ang kaniyang gamit pati ang projector na nasa mesa. Nang matapos i-setup ay nagsimula na nang pormal ang klase.
"Let us start this session by defining what is Euclidean Geometry.
Euclidean Geometry is considered as an axiomatic system, where all the theorems are derived from the small number of simple axioms. Since the term “Geometry” deals with things like points, line, angles, square, triangle, and other shapes, the Euclidean Geometry is also known as the “plane geometry”. It deals with the properties and relationship between all the things.
Non-Euclidean is different from Euclidean geometry. There is a difference between these two in the nature of parallel lines. In Euclid geometry, for the given point and line, there is exactly a single line that passes through the given points in the same plane and it never intersects."
Grabe, nakakaantok naman itong klase na 'to. Paano ko kaya pipigilan itong antok ko?
"Here are the seven axioms given by Euclid for geometry.
1. Things which are equal to the same thing are equal to one another.
2. If equals are added to equals, the wholes are equal.
3. If equals are subtracted from equals, the remainders are equal.
4. Things which coincide with one another are equal to one another.
5. The whole is greater than the part.
6. Things which are double of the same things are equal to one another.
7. Things which are halves of the same things are equal to one another."
"Delancy, may candy ka ba riyan?" tanong ko kay Delancy na nasa ikatlong upuan. Umiling naman siya bilang sagot.
"Margaret Serrano,"
Nagulantang ako nang marinig ang pangalan ko. Dahan-dahan akong tumayo sa upuan ko at aminadong kinakabahan. Hindi naman ako na-inform na may graded recitation pala ngayon?
"Why are you standing?" tanong ng Prof.
"P-Po?"
"I called your name for you to say present. Nakalimutan ko kasing mag-attendance bago ang klase. Do you u understood?"
"Y-Yes po. P-Present, M-Ma'm." At tiyaka ako dahan-dahang bumalik sa pagkakaupo.
"Ano 'yon, 'te? Lutang yarn?" tatawang-tawang bulong sa 'kin ni Julia. Mga bwiset na 'to, pinagtatawanan pa 'ko!
Hindi ko naman kasi narinig na may sinabing gano'n si Ma'm. Nakatitig kasi ako sa powerpoint presentation niya, kaya siguro hindi ko narinig.
Grabe, nakakahiya!
---
Nang mag-dismissal ay sakto ang naging pasok ni Eli sa classroom. Naka-jacket at shade pa siya para malamang itago ang sarili sa mga reporter na nag-aabang lagi sa tapat ng building ng HYBE.
"Ang aga mo para sa klase bukas, bro." Salubong dito ni Israel at inakbayan ito. "Bakit kasi ngayon ka lang? Hindi mo ba alam na kanina ka hinahanap ng future Misis mo?"
"Hoy, hindi ah!" pagtanggi ko.
"Ang sikip ng schedule ko ngayon---"
"Edi paluwangin mo, bro! May alam kami ni Dylan na paraan para mapaluwang iyan!" tumataas ang kilay na sabi ni Israel.
"Huwag mo ko sinasali sa kalokohan mo, Israel. Matino ako!"
Matino raw, saan banda kaya? Bakit hindi ko makita?
"Sinadya ko lang talaga si Magi rito dahil kailangan ko siyang makausap." Ani Eli at tiningnan ako. "Can we talk?"
"Tara na nga, bigyan natin sila ng privacy. Nakakahiya naman, istorbo tayo." Dinig kong sabi ni Dylan at isinukbit na ang bag sa balikat bago sila sabay na lumabas ni Israel sa classroom.
"Una na kami. Ingat ka sa pag-uwi, Magi!" sabi ni Delancy.
"Hoy, i-chika mo 'yan sa 'min bukas!" sabi naman ni Julia at lumabas na ng classroom.
Ngayon ay kaming dalawa na lamang ni Eli ang nandito sa loob. Aminadong kinakabahan ako sa magiging pag-uusap namin. Ang seryoso ng mukha niya, kung kaya't seryoso rin tiyak ang pag-uusapan namin. Sana ay walang kinalaman dito ang tungkol sa showbiz career niya at sa relasyon naming dalawa.
"Pasensya na kung nagiging busy na rin ako ngayon at hindi na tayo nakakapag-bonding. Alam kong ang laki na ng pagkukulang ko sa 'yo bilang boyfriend pero huwag ka mag-alala, kapag naman mayroon akong free time ay sisiguraduhin kong makakabawi ako sa 'yo.
Sa ngayon, sana kayanin mo 'yong ganitong setup nating dalawa. Kailangan mo lang na magtiwala sa 'kin at huwag na huwag mo kong bibitawan. Sana sa kabila ng pwedeng mangyari sa mga susunod na araw ay piliin mo pa rin ako at piliin mong manatili sa tabi ko."
Hindi ko siya maintindihan, hindi ko alam kung bakit niya 'to sinasabi ngayon. Anong pinanggagalingan niya? Senyales ba 'to na may mangyayaring hindi maganda sa susunod na mga araw? Ayaw kong isipin na gano'n ang ibig niyang sabihin pero 'yon ang nararamdaman ko ngayon.
Magsasalita na sana 'ko nang unahan ako ni Eli at siya'y walang pakundangan na lumuhod sa harap ko. May kinuha siyang maliit na kahon sa likod ng bulsa niya at nang ipakita sa 'kin ang laman no'n---isang singsing.
"I know I'm too early for this, pero gusto ko lang i-secure 'yong pag-aari ko. From the very first day of us being in a relationship, alam kong ikaw na 'yong babaeng gugustuhin ko na makasama sa buong buhay ko. Ikaw iyong babae na gusto kong makasama sa bubuuin kong pamilya.
That's why I'm here to propose; kaya mo bang ipangako sa 'kin na ako lang ang lalaking mamahalin mo?
Kaya mo bang ipangako sa 'kin na ako lang hanggang dulo?"