Prologue

493 Words
Tahimik lang kaming dalawa na naglalakad rito sa eskinita nang biglang may humatak sa bag ko. Shit! Nand'on pa naman iyong mamahalin kong cellphone! "Hoy!" rinig kong sigaw ni Dylan saka mabilis na tumakbo para habulin yung magnanakaw. Agad naman akong sumunod sa kaniya at mabuti na lang ay nahabol niya pa 'yong magnanakaw. Ewan ko pero biglang uminit ang dugo ko kaya naman lumapit ako roon sa magnanakaw at hinampas-hampas siya saka sinabunutan. "Walanghiya ka! Ang kapal ng mukha mo na kuhanin iyong bag ko! Alam mo bang mahal pa 'yan sa buhay mo, ha?!" inis kong sabi. Akmang tatakbo na ito paalis nang hatakin ko siya at hiniga sa kalsada saka siya pinagsasampal sa mukha. "Tatakas ka pang gago ka? Ha?! Akala mo papalampasin ko itong ginawa mo? Hindi! Gago, hindi na kita paaabuting buhay sa barangay!" "Magi, tama na." Pag-awat sa akin ni Dylan at saktong dumadating ang mga tanod. "PASALAMAT KA TALAGA AT NAPIGILAN AKO NI DYLAN KASI KUNG HINDI BAKA KALULUWA KA NA LANG NGAYON! GAGO!" Hinihingal na napaupo ako sa kalsada. Kasi ba naman, sino ang hindi hihingalin sa ginawa ko? "Ayos itong araw na 'to, ah? May tragic, may comedy, may horror tapos ngayon naman, action?" sabi ko at hindi ko maiwasang matawa. Kita ko namang naupo rin sa tabi ko si Dylan. "Grabe—" natigil ako sa pagsasalita nang pagharap ko sa gawi niya ay malapit na pala ang mukha namin sa isa't isa. "And now, ending this chapter with a romance." Saglit akong natigilan, ramdam na ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko sa mga oras na 'to. Gustong-gusto kong lumayo sa kaniya at bumitaw na sa pagtitinginan namin kaya lang may kung anong pumipigil sa 'kin na gawin iyon, eh. 'Ano bang nangyayari sa 'yo, Magi?' Lumipas ang ilang segundo, at tinapangan ko na ang sarili ko para ako na ang bumitaw sa titigan namin at dumistansya 'ko nang kaunti kay Dylan. Ang awkward kasi, basta! Ang hirap ipaliwanag. "Tara na kaya, walang taxi na hihinto sa 'tin dito." Sabi ko at akmang tatayo na nang maramdaman ko ang paghawak ni Dylan sa kamay ko upang pigilan akong tumayo. Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya, walang pagbabago sa kanina, nanatiling seryoso ang mga tingin niya sa 'kin. Unti-unti na talaga 'kong na-we-weird-uhan sa kaniya, ha? "Ano bang problema mo? Kanina pa iba 'yang titig mo sa 'kin, ha? May binabalak ka sigurong masama sa 'kin, 'no?!" Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya, bagkus muli niyang inilapit ang sarili sa 'kin. "Simula pa lang, alam kong ikaw na talaga siya. Sa murang edad ko, tinuruan mo 'kong magmahal. You made me feel how was the feeling of being in loved to someone." Makahulugang sabi niya. "Nahanap kita nang hindi kita hinahanap, Magi." Kumunot ang noo ko, "Ano bang sinasabi mo? Baliw ka na ba?" "You might say this is serendipity, but you really have to make these things happen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD