“Yes, love. Okay lang ako rito, at kasama ko naman sina Julia at Delancy kaya wala ka nang dapat ipag-alala, okay? Magpahinga ka na lang, tapos bukas na lang tayo mag-usap.” Sabi ko sa kabilang linya.
Hindi man ako sure kung narinig niya ‘ko nang maayos pero sana narinig niya.
Nandito kasi kami nina Julia at Delancy ngayon sa isang party. K-in-umbida kasi kami ng Tita ni Julia na um-attend kami sa kasal.
Actually, kanina pa tapos ang kasalan at ngayon nga ay nasa reception na kami. Tulad ng inaasahan, sobrang ingay na rito at ang sentro ng kaingayan na ‘yon ay syempre ang newlywed. Sila ang bida ngayon, kaya moment nila ‘to, ‘di ba?
[Sure kang hindi na kita kailangang sunduin diyan, ha?]
“Kasama ko naman iyong dalawa kaya sinisigurado ko sa ‘yo na makakauwi ako nang maayos. Tapusin mo na lang ‘yang requirement na kailangan mong ipasa para hindi ka na ma-INC sa isang subject mo last sem, para naman makasabay ka na sa klase bukas, okay?”
[Okay, tatapusin ko na ‘to. Mag-ingat ka pag-uwi, ha? I love you.]
Napangiti ako at aminadong hindi mapigilan ang kilig, “I love you,” sabay baba ng cellphone.
Sabihin niyo nang weird ako pero gano’n lang siguro talaga ‘ko.
Almost one-year na rin kaming in a relationship ni Eli pero ‘yong kilig factor na nararamdaman ko sa tuwing magkasama at magkausap kami ay hindi pa rin nawawala. Kagaya na lang no’ng nangyari kanina, which is nagsabi lang naman siya sa ‘kin ng I love you pero ito naman ako’t kinikilig.
Normal lang siguro talaga na hindi pa ‘yon mawala kasi one-year pa lang naman kami; pero syempre ipinagdarasal ko na huwag iyon mawala kahit ilang taon pa ang lumipas para syempre, ‘di ba hindi mawala ‘yong love sa relasyon naming dalawa.
“Sinabihan na naman siguro ‘to ni Eli ng I LOVE YOU or kaya ng I MISS YOU kaya ganyan ‘yang makangiti si Magi,” iiling-iling na sambit ni Julia.
Akalain niyong lumabas na nga ‘ko ng venue para hindi nila ‘ko makita na may kausap at para na rin magkausap kami nang maayos ni Eli, pero ang lakas talaga ng pakiramdam nitong mga kaibigan ko, e.
Wala talaga ‘kong bagay na kayang itago sa mga ‘to, e.
“Curious lang talaga ‘ko, hindi ka ba napapagod na kiligin sa kaniya?” tanong ni Delancy.
Ang seryoso ng mukha niya kaya I assume na seryoso siya sa tinatanong niya.
“Kapag in love ka, hindi mo mararamdaman na pagod ka or mapapagod ka sa isang bagay kasi nakasanayan mo na ‘yon, e.” Maikling tugon ko.
Sa tingin ko, e hindi ko naman kailangang magpaliwanag dahil ano namang ipapaliwanag ko bukod sa masaya at kuntento na ‘ko sa relasyon na mayroon kami ni Eli ngayon.
Aaminin ko na hindi ang kagaya ni Eli ang tipo ko sa isang lalaki, at inaamin ko na umaasa pa rin ako na makikita ko ulit iyong first love ko.
Oo, gusto ko ulit siyang makita at makausap pero hindi naman ibig sabihin no’n, e kapag nagkita kami ulit ng lalaking iyon ay ipagpapalit ko na si Eli sa kaniya.
Marami na rin kaming napagsamahan ni Eli kaya hindi ganoon kadali sa ‘kin na bitawan siya.
“Tyaka ano ba namang klaseng tanong iyan, Delancy? Malamang ay kikiligin ka kasi ikaw ba naman ang sabihan ng gano’ng salita, ‘di ka ba kikiligin?” halata sa boses ni Julia ang frustration. “Jusko, Delancy niyo pagod na.”
“Nagtanong lang naman ako for clarification, tyaka paano ko naman kasi malalaman iyon, e hindi pa nga ‘ko na-i-in love, e!” depensa ni Delancy.
“E ano sa ‘yo ang kapatid ko, ha?”
“Alam mo---“
“Hoy, anong mayroon sa kapatid mo at kay Delancy? Bakit hindi ako updated sa mga ganyang bagay, ha?” tanong ko.
Grabe, sabi pa ng dalawa na ‘to, e dapat wala kaming tinatago sa isa’t isa tapos malalaman ko ‘to? Ni hindi man lang nila ‘ko sinasali sa chismis-an nila, ayon pala may na-missed na ‘kong chika.
“Hindi ka updated kasi puro ka na lang Eli! ‘Yong quality time nating tatlo sana, e ipinagpapalit mo lang diyan kay Eli kaya huwag mo kaming sisihin kung hindi ka updated. Kasalanan mo ‘yon, Magi.” Sabi ni Julia at mukhang nagtatampo pa ‘to.
“Huwag mo nang sakyan iyong pagdadrama ko, Julia. Basta sagutin niyo na lang ako, anong nangyayari, ha?”
“Crush ko kasi ‘yong kapatid niya,” si Delancy na ang umamin. “Pero magkaiba naman kasi ‘yong CRUSH sa IN LOVE, ‘di ba?”
Nagulat naman ako nang malaman ang balita.
Siguro nga ay mas naka-focus ako kay Eli nitong mga nakaraang araw kaya na-missed ko itong importanteng chika na kailangan kong malaman. Medyo na-guilty ako sa part na ‘yon, pero sana ay hindi m-in-asama nitong dalawa ‘yon.
Hindi ko rin naman kasi sinasadya na mawalan na ‘ko halos ng time sa kanila, e.
“Kapatid ni Julia ang crush mo?” paninigurado ko. “Sino ba ‘yang kapatid ni Julia na ‘yan? Bakit parang hindi ko pa yata nakikilala?”
“Sa states nag-aaral ‘yong kapatid ko, pero nag-decide rin naman siya kaagad na umuwi na lang ng Pilipinas, kasi malamang hirap na ‘yon kaka-english, tapos wala pa siyang matinong kausap o kaibigan doon kaya hindi na nakatiis.
Miss niya na rin tiyak sina Israel kaya umuwi na ang gago.”
“Wait, what? Belong sa DWEIYAH ang kapatid mo? Kaibigan din siya ni Eli---“
“Hindi mabubuo ang DWEIYAH without him,” ani Delancy. “Among them, silang dalawa ni Eli ang magka-vibes since same age din sila.”
Napatango ako, at naisip na mukhang makakasundo ko siguro ‘yon since si Eli nga, e naging close friend ko rin noon kaya siguro siya rin ay makakasundo ko.
At para na rin malaman ko kung ano bang nagustuhan ni Delancy sa taong iyon.
“Teka, bakit ba ayaw niyong mag-name drop?”
“Hinihintay lang talaga namin na magtanong ka,” natatawang sabi ni Julia. “Dylan ang pangalan niya, ang panget, ‘di ba? Malayong-malayo sa sobrang ganda kong pangalan.”
‘Actually, mas maganda nga ‘yong pangalan na Dylan kaysa sa Julia, e.’ Bulong ko sa sarili.
“Alam niyo, ang daldal niyo. Pumasok na lang tayo sa loob, ‘no? Para tayong tanga rito, e. Ano, naghihintay lang na may lumabas na server para bigyan tayo ng wine?” sarkastikong sabi ni Delancy.
“Mauna na kayo, pupunta lang akong restroom.” Paalam ko sa kanila.
“Sure kang sa restroom ang punta mo, ha? Baka mamaya makita ka na namin na kasama na naman si Eli habang tumatakas kayo rito.
Aba, baka sapakin ka na talaga namin. Friendship over na talaga kapag ‘yan nangyari!”
Pinalo naman siya ni Delancy, “Ang OA mo! Hindi naman porke iniiwan ka ng mga nakaka-M.U. mo, e ibig sabihin no’n ay iiwan na rin tayo ni Magi.
Ang nega nito masyado.”
“At saan ka nakakuha ng lakas ng loob na magsalita nang ganyan sa ‘kin---“
Hindi ko na sila pinakinggan pa dahil patago na ‘kong um-exit sa kanila para magpuntang restroom.
Kanina pa kasi ako naiihi, at kung papanoorin ko lang sila na mag-away, e baka maihi na ‘ko sa suot kong skirt. Hindi pa naman ako girl scout ngayong araw.
Nang matapos ako, pa-pindot na sana ‘ko ng flush nang may makita akong picture na nakalagay roon.
Isa ito sa mga picture ng kuha ng Tita ni Julia at ng asawa na nito. Ang ganda ng kuha nila rito at bakas ang saya sa mga mukha nila.
Sino ba naman kasi ang hindi sasaya kung dumating ka na sa punto na kung saan pagkakataon mo nang makipag-isang dibdib sa taong mahal mo at talagang pinapangarap mo na makasama habambuhay.
Lahat tayo ay pangarap na maikasal, sa simple o engganyong paraan man. Kung ako ang tatanungin, isa ‘yon sa pinapangarap ko na mangyari sa buong buhay ko maliban sa magkaroon ng isang masaya at buong pamilya.
Ayokong maranasan ang buhay na naranasan ko noong bata ako hanggang ngayon, kung saan lumaki ako sa isang broken family.
Since birth, hindi ko nakilala ang Papa ko habang si Mama naman ay namatay raw nang ipanganak ako. Obviously, nang magkaroon ako ng isip ay wala na ‘kong dinatnan na ama at ina, maliban sa Lola ko na matiyagang nag-aalaga sa ‘kin hanggang ngayon. Kami na lang ang magkasama sa buhay kaya tine-treasure ko talaga ang bawat araw na magkasama kami, kasi hindi ko masasabi na baka huli na ‘yon kaya dapat ay sulitin na, ‘di ba?
Takot akong maiwan mag-isa, kaya sa tuwing naiisip ko na darating iyong araw na mawawala rin si Lola sa tabi ko, hindi ko na lang maiwasan na maiyak. Siya na lang kasi ang kaisa-isahang kasama ko sa buhay, tapos kung mawawala pa siya, sino na lang ang kasama ko?
Ayaw kong maranasan ng magiging anak ko ang naranasan ko. Ayokong maramdaman niya na nag-iisa siya at ayokong lumaki siya sa isang watak na pamilya. Posibleng hindi maiwasan na magkaroon ng broken family, pero ang pinanghahawakan ko na lang ngayon ay, ‘kung ang iba nga ay may pagkakataon na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya, kailangan ako rin.’
Nasa tao ‘yan, kailangan lang na maging matalino siya sa pagde-desisyon para maging maganda rin ang outcome no’n.
“Ang haba yata ng naging monologue ko, nakalimutan ko nang i-flush ito.” Iiling-iling na sabi ‘ko.
F-in-lush ko na nang madalian iyon at iniwan ang picture kung saan ko ‘yon nakita bago ako lumabas ng cubicle. Humarap muna ko sa salamin para saglit na ayusin ang sarili ko bago ako lumabas na ng restroom---
“AAAAAAHHHH! Bastos ka!” sigaw ko habang pilit na ibinababa ang skirt na suot ko upang hindi niya ko masilipan.
Sino ba namang sisigaw nang ganoong kalakas kung may makikita kang isang lalaki na nakaupo sa harap ng pinto ng restroom at mukhang lantaran siyang naninilip sa mga kababaihan!
Napaka-manyak naman ng lalaking ito!
“Hayop ka, manyak ka!” sigaw ko at sinipa-sipa ko siya.
Kita ko namang tumayo siya, and finally nagkita na rin ang mga mukha namin. Nabigla pa ‘ko nang makita ko ang itsura niya.
Gwapo siya, singkit at maputi pero wala akong pakialam. Gwapo man siya o hindi, manyak pa rin siya!
“Ano bang sinasabi mo?” maang-maangan niyang tanong.
“Gago ka pala, e! Lantaran ka na ngang manilip tapos ide-deny mo pa!”
“Sinisilipan kita? Sure ka ba diyan sa sinasabi mo?” at mukhang wala pa rin siyang plano na umamin, e huling-huli na nga siya sa akto!
Grabe ‘to, wala siyang konsensya!
“Unang-una, naabutan kita na nakaupo sa harap ng pintuan ng restroom na ‘to at sakto namang lumabas ako.
Ngayon, kaya mo pa bang i-deny na hindi mo talaga ‘ko sinisilipan?!”
Nakita kong humakbang siya papalapit sa ‘kin hanggang sa maging malapit na talaga ang pagitan ng mga mukha namin.
Gustuhin ko man na lumayo sa kaniya o sipain ang bayag niya, e hindi ko ‘yon magawa dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko.
‘Teka, bakit nga ba ‘ko kinakabahan?’
“Miss, nagtatali lang ako ng sapatos at hindi naninilip, okay? Masyado yatang malawak iyang imagination mo, at kung saan-saan na nakarating.”
Nang masabi ‘yon ay agad rin siyang lumayo at tuluyan na ‘kong tinalikuran para umalis.
Habang ako naman ay iniwan niyang mukhang tanga rito at patuloy na in-a-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya.
“Nagtatali raw siya ng sapatos kaya ko siya naabutan na nakaupo? Anong kagaguhan iyon? Reason niya bulok!”
Badtrip na badtrip akong napabalik sa loob ng venue matapos ng eksenang iyon. Hindi pa rin ako maka-move-on, at mas lalong hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa ng lalaking iyon.
Akala niya siguro, e tanga ‘ko para maniwala sa reason niya. Tsk, style niya bulok. Kunwari pang nagtatali lang ng sapatos, porke nahuli ko lang siya sa akto!
“Anong mukha ‘yan, Margaret? Matigas ba tae mo, at mukhang nahirapan ‘yang mukha mo na ilabas iyan?” ‘yan agad ang isinalubong ni Julia sa ‘kin.
“Funny ka na niyan?”
“Sinabi ko bang nag-joke ako? Wala naman, ‘di ba?”
Hindi ko na lang siya pinansin pa at inabala ko na lang ang sarili na panoorin ang mga tao na nasa harapan ngayon ng isang hindi kalakihan na entablado sa gitna kung saan naroon ang newlywed.
Wala pa ring pagbabago sa eksena kanina, maingay pa rin ang mga tao at halatang nagkakasiyahan sila. Ang newlywed ay masayang nasa gitna ng isang hindi kalakihang entablado habang ang ilan sa mga kababaihan ay nasa harap nila.
Nakatalikod ang bride at naghahanda siyang ihagis ang hawak niyang bouquet of roses.
Hmm, alam ko na ‘yan, e. Ang sinuman na makakasalo ng ihahagis niya, e sinasabing ang susunod raw na ikakasal.
Akalain mong may mga tao pa rin pala na naniniwala roon.
“Anong inuupo-upo mo, diyan? Bukod tanging ikaw lang ang nakaupo, mahiya ka nga!” saway sa ‘kin ni Julia.
Noon ko lang din napansin na kanina pa pala sila nakatayo ni Delancy sa pwesto ng table namin habang ako ay lutang dito kaka-monologue.
“Makisali tayo roon!” pag-aaya ni Delancy habang nakaturo kung nasaan ang kumpol ng mga tao.
“Kung pera sana ‘yang ipapasalo ng bride, e baka sumali pa ‘ko---“
“Pera man iyan o ano, sasali tayo. Okay?”
At magkatulong nila ‘kong hinatak patungo roon at nakisiksik kami sa gitna ng mga nagkukumpulang tao.
Talagang tatanga lang ako rito, at wala ‘kong balak na makisalo sa kanila dahil hindi naman ako naniniwala sa pinaniniwalaan nila, e.
“I ain’t traditional,” bulong ko sa sarili.
“Alam niyo naman na ‘to siguro, ‘no? Basta ang makakasalo nitong bouquet of roses na hawak ko, malamang siya na ang susunod na ikakasal.
Chance niyo na ‘to, baka kayo na ‘yon.” Litanya ng Tita ni Julia.
Ang mga tao naman ay excited na.
Mapa-lalaki man o babae ay handang sumalo ng hawak nitong bouquet of roses para lang umasa na sila na ang susunod na ikakasal.
Sus, hindi naman sa hawak niya nakasalalay kung kailan dapat maikasal ang isang tao, e. Mga Pinoy nga naman, masyadong naniniwala sa mga bagay na hindi naman kapani-paniwala.
“Here we go!” at iyon na ang naging go signal para ihagis niya ang hawak na bouquet of roses.
Nang tingnan ko ang direksyon kung saan ito la-landing, ay nakita kong papunta ‘yon sa gawi ko kaya naman nawalan na rin ako ng choice kundi ang saluhin na lamang ito kaysa naman masapul ako sa mukha---
Pero mas ikinagulat ko nang hindi lang ako ang nakahawak dito, kundi mayroon pang isang pares ng kamay ang katuwang ng kamay ko sa pagsalo ng inihagis na bouquet of roses.
Nang tingnan ko kung sino ito…
“Ikaw na manyakis ka?!”