KABANATA 2

1290 Words
NANG sumapit ang hapon, umuwi na rin si Mariya. Sakay na siya ng kanilang family car habang minamaneho ni Kuya Ambert. Naghiwalay na sila ni Hades nang dumating na ang mga sundo nila. Makalipas ang halos kalahating oras, nakarating na rin sila sa Hacienda Malvar, ang hacienda na pag-aari nila at kung saan din nakatirik ang mansyon nila. Nagpasalamat ang dalaga kay Ambert bago nagpatiuna sa mansiyon. Kaagad na bumungad si Manang Lusing, ang maid dito sa bahay nila. "Akin na ang bag mo, Mariya." Iniabot niya ang bag sa matanda bago ibinuka ang bibig. "Sina mommy at daddy po, Manang Lusing?" magalang niyang tanong dito. "Wala pa sila, hija. Ang mommy mo, kakaalis lang kanina, pupuntahan daw ang daddy mo." "Ganoon po ba? Sige po, aakyat lang ako sa kuwarto ko." Nginitian niya ang matanda bago naglakad patungo sa hagdan. Nakakailang hakbang pa lamang siya nang magsalita si Manang Lusing. Nagtataka niyang binalingan ang matanda. "Bakit po?" "Hindi ka ba kakain?" "Hindi na po, Manang Lusing. Actually, kakakain lang po namin ni Hades kanina. Nga po pala, akin na po ang bag ko, ako na po ang bahala." Nilapitan niya ito at kinuha ang bag niya rito. Ayaw pa sana nitong ibigay kung hindi lang siya nagpumilit. Sa lahat ng ayaw ni Manang Lusing, iyon ay magbuhat siya, magaan man iyan o mabigat, ayaw nito. Simula't-sapol kasi, ang matanda na ang naging kasambahay rito sa bahay nila. Kilalang-kilala na niya ang matanda— syempre, kilalang-kilala na rin siya nito. Malaki ang tiwala nila sa matanda dahil noong naghirap sila, hindi sila iniwan nito. That's why she's so thankful dahil si Manang Lusing ang naging kasambahay nila. Ito rin ang takbuban niya kapag nakakaramdam siya ng lungkot. "Magsabi ka lang kung kakain ka at dadalhan kita sa kuwarto mo, ha?" "Opo, Manang Lusing. Sige po't maiwan ko muna kayo. Gusto ko na rin po kasing magpahinga." Nang tumugon ito, nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kuwarto niya. Hindi sa pagmamayabang pero kung susumahin, kasya ang maraming tao sa kuwarto niya. Well, siya lang naman ang kaisa-isang prinsesa ng mommy at daddy niya. Biyaya siya dahil siya lang ang anak ng mga ito. Prinsesa man kung ituring pero iba pa rin ang puso niya. Hindi siya spoiled na anak. Lumaki siyang maayos at may masayang pamilya kaya hanggang pagtanda niya ay dinala niya iyon. Parehas mabait ang magulang niya at talaga namang namana iyon ni Mariya. Wala na siyang mahihiling pa kundi ang maging masaya sila habang-buhay— habang nabubuhay pa sila. Malapad na ngumiti si Mariya at tinungo ang malapad na kama. Marahan siyang umupo sa sariling kama at pinakatitigan ang mga regalo sa lapag. Halos mapuno na ng mga regalo ang sahig ng kuwarto niya. Kakatapos lang kasi ng debut niya nitong isang araw. Engrande ang naging ganap. Maraming tao ang pumunta at hinding-hindi makakalimutan ni Mariya ang gabing iyon. She celebrated her 18th birthday with a big smile on her face and a memorable experience. Sunod-sunod siyang napailing saka ibinagsak ang katawan sa kama. Ipinikit ang mga mata at hinayaang lamunin ng kadiliman. Makalipas ang ilang minuto, nakatulog na siya. At nang magising siya, madilim na ang kapaligiran. Sakto namang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya. "Mariya, handa na ang pagkain. Hinihintay ka na ng daddy at mommy mo sa hapag." "Sige po, susunod na po ako, Manang Lusing." Hindi na tumugon ang matanda kaya bumaba na siya ng kama at hinubad ang uniform niyang nakalimutan niyang alisin kanina. Nang mahubad, nagbihis na siya ng bahay. Bahagya niyang inayos ang sarili bago lumabas ng kuwarto. Dinako niya ang hagdan at bumaba gamit iyon saka tinungo ang dining area. Ang totoo nga niya ay nagugutom na siya. Walang katotohanan iyong sinabi niya kay Manang Lusing kanina na kumain sila ni Hades. Nang makarating, nakita niya ang mommy at daddy niya, naghihintay sa kaniya. "Nandiyan ka na pala, Mariya. Umupo ka na para makakain na tayo," anang daddy niya na may ngiti sa mga labi. Ngumiti rin siya bago lumapit sa mga ito. Hinalikan niya sa pisngi ng daddy niya at sinunod naman niya ang mommy niya na nasa gilid nila kapagkuwan ay nagtungo siya sa kabilang gilid— kaharap ng mommy niyang parang matamlay. "Bakit mukhang matamlay po kayo, mommy?" nagtataka niyang tanong sa mommy niya. Nginitian siya nito. "Huwag mo akong alalahanin, Mariya. Ayos lang ako," sagot nito sa mababang tono. "Makulit iyang mommy mo, Mariya. Pumunta siya kanina sa trabaho ko, matamlay. Sabi ko, dadalhin ko siya sa ospital pero ayaw naman. Ano pa bang magagawa ko?" "Mommy, siguro masabuti pong dalh—" "Mariya, ayos lang ako. Halina't kumain na tayo. Huwag tayong mag-usap ng ganiyang bagay sa harap ng pagkain." Nagkatinginan lang silang mag-ama. Umiling ang daddy niya samantalang siya'y nag-aalalang binalingan ang mommy niya. Walang nagawa si Mariya kundi hayaan ang mommy niya. Nagdasal na sila at nang matapos, kumain na sila. Tahimik lang silang tatlo hanggang sa matapos. "What's wrong with mommy, daddy?" tanong ni Mariya sa daddy niya nang makalabas ang mommy niya sa kusina. "Hindi ko rin alam, Mariya. Ilang beses ko nang tinatanong ang mommy mo pero hindi niya naman ako sinasagot. Ayaw ring magpadala sa ospital. Nag-aalala na ako sa kaniya, anak. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa mommy mo. I can't afford to lose her. I love your mom at alam mo iyan, Mariya. I'll try to convince her na magpadala na sa ospital. Gagawin ko ang lahat, anak." "Thank you, dad." Ngumiti ang daddy niya, nilapitan siya, at masuyong hinalikan ang noo niya. Nagpaalam na rin ito kaya sila na lamang ni Manang Lusing ang nasa kusina. Mayamaya pa ay nagpaalam na rin siya rito. May gagawin nga pala siyang homework. ISANG linggo ang nakalipas... "Bes, nakagawa ka na for our research?" tanong ni Hades kay Mariya habang naglalakad sila palabas ng campus. "Oo naman. Tapos ko na nga siya, e. Ikaw, may nagawa ka na?" "Oo pero hindi pa tapos. I'll finish my part mamayang gabi." "Madali lang naman iyon, e kaya alam ko matatapos mo rin agad iyan." Biglang nahagip ng mga mata niya si Kuya Ambert, nakasandal sa kotse habang naghihintay. "O, siya, nandito na iyong sundo ko. See you tomorrow." Nagbeso silang dalawa. Nagpaalam na rin si Hades sa kaniya dahil dumating na rin ang sundo nito. Naglakad na siya hanggang sa marating niya ang puwesto ng family driver nila. "Halika na po, Kuya Ambert." Pinagbuksan pa siya nito ng sasakyan kaya wala siyang nagawa kundi pumasok sa loob. Pumasok na rin ito at minaneho na ang sasakyan pauwi. Until now, nag-aalala pa rin si Mariya sa mommy niya. Ayaw talaga nitong magpadala sa ospital. Kahit anong pilit nilang mag-ama, ayaw talaga nito. Lalo pang nag-alala si Mariya para sa mommy niya. Natatakot siya na hindi niya mawari. Sinubukan niyang mag-isip ng positibo ngunit hindi niya magawa. Puro negatibo ang naiisip niya nitong mga nagdaang araw. Habang malalim ang iniisip, biglang nag-ring ang cellphone niya sa bag. Nagtataka niyang kinuha ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Ang daddy niya. Agad niyang sinagot ang tawag. "Hello, dad, napatawag ka po?" "Anak, I-I have a bad news." "A-Ano po iyon?" Kumabog ang dibdib niya at animo'y makikiwal ang puso niya ano mang oras. "Ang mommy mo, s-sinugod sa ospital." Biglang natigilan si Mariya. Parang nabingi siya ng mga sandaling iyon. Hindi na niya alam ang nangyari. Nabitiwan na lang niya ang kaniyang cellphone at namataan ang sarili na humahagulgol dahil sa balitang iyon. Umaasa siyang panaginip lang ang lahat ngunit nang makita na mismo ng mga mata ang mommy niya, doon niya nakumbinsi na totoo iyon— nasa ospital ang mommy niya at lumalaban sa isang malubhang sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD