Hindi alam ni Belle kung bakit kakaiba ang kabang nararamdaman niya. Iyon na ang araw ng Wedding Anniversary ng parents ni Jarren at may gaganaping malaking pagtitipon sa isang kilalang hotel nang gabing iyon. She feels so nervous! She’s already wearing an elegant dress and she’s already well-prepared for the occasion. Maging ang mga alahas na suot niya ay nagkikinangan at naggagandahan, which of course, because of Jarren’s courtesy. Pero kakaiba ang kaba sa dibdib niya. If it was because of intuition, gut feeling or purely because of fear that someone might recognize her at the party, she doesn’t know exactly. Pinilit na lang niyang kalmahin ang sarili niya at inisip na lang niya na pagkatapos ng gabing iyon ay halos malaya na muli siya. Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto niya.

