Hindi namalayan ni Belle kung kailan basta’t napansin niya na lang na si Jarren na ang nakahawak sa braso niya nang mahigpit at bahagya siyang hinihila pabalik sa table nila. Ramdam niya ang mabigat na aura nito mula nang makita siya nitong kausap si Marlon and she wonder why? Akala ba nito ay balak niyang hindi na ituloy ang pagpapanggap nila? “Hijo, what’s wrong?” bigla ay tanong dito ng Mommy nito nang makabalik na sila sa upuan nila. Napatingin tuloy siya sa mukha ni Jarren at napansin niyang malalim itong nakakunot-noo habang seryosong nakatingin sa nagsasalita sa stage pero tila malayo naman ang isip nito. Nakita pa niya kung paano biglang umiba ang ekspresyon nito at napalitan ng ngiti ang mukha nito. “Nothing, Mom.” Anito sabay ngiti sa Mommy nito. Kinuha pa nito ang kamay

