“Par, punta ka ba mamaya?” Napakunot-noo siya sa text na iyon ni Lucas sa kanya. Agad siyang nagtype ng reply rito at isinend niya rin iyon agad. “Ano’ng meron?” tanong niya via text message. “Tssk. Nag-asawa lang, nakalimot na. It’s my birthday! Pupunta ang tropa mamaya sa bahay. Ikaw, sama ka ba?” Agad siyang napatingin sa calendar sa cellphone niya. s**t! Birthday nga ni Lucas! Siguradong magtatampo ang kaibigan niya pag di siya nakapunta at nabuko na rin siyang nakalimutan niya ang birthday nito. How could she forget her friend’s birthday? Taun-taon ay sini-celebrate nilang magbabarkada ang birthday nila. At madalas nga ay sa bahay sila nagsi-celebrate bukod lang sa tuwing birthday niya dahil hindi niya nga dinadala sa bahay nila noon ang mga barkada niya. But what would sh

