“W-why are you mad? Dahil ba nakipagkita ako sa mga kaibigan ko? I thought ok na sa’yo, akala ko tanggap mo na ang mga kaibigan ko. Birthday ni Lucas, Jarren, kaya ako pumunta don. Di ba nagtext naman ako sa’yo? Ikaw nga itong—” “Is that enough reason para matulog ka sa bahay niya? We talked about this Belle, you can see them but you can’t go home late! Sabagay, hindi ka nga umuwi ng late dahil hindi ka na umuwi! You’re such an irresponsible woman! At sino ang katabi mong natulog ha? Nagmamadali pa akong umuwi tapos madadatnan kong wala ka sa bahay. At ano? Nandoon ka nakitulog sa kaibigan mo? O nakitulog ka lang ba talaga?” may sumbat nitong litanya kaya agad niyang pinadapo sa mukha nito ang isang palad niya. Mabuti na lang ay nasa loob na sila ng kwarto nila kaya hindi na maririnig

