“Mommy, Daddy, gusto ko pong mag-swimming.” Linggo iyon at kumakain sila ng breakfast nang sabihin iyon ni Pauline. “Me too, Mommy and Daddy.” segunda naman ni Jasper na lately ay mas nagiging vocal na kaysa noong nandoon pa sila sa probinsiya. Mas nagiging masayahin na rin ito na katulad ni Pauline. “No problem. Ipapalinis ko ang pool and after breakfast ay puwede na tayong mag-swimming.” Nakangiting pagpayag naman agad ni Jarren sa mga anak nila. Tuwang-tuwa ang mga ito sa sinabi ng ama at halatang binilisan ang pagkain. Ayaw niya sanang sumamang mag-swimming, ang kaso ay nagpumilit sina Jasper at Pauline na magswimming din sila ni Jarren kaya napilitan siyang magsuot ng two piece swimsuit at sinamahan ang mga ito sa pool. Nagmasid-masid lang muna siya habang masayang nagsu-swi

