Chapter 60 – Under The Shower (SPG)

1590 Words

Natigil lang sila sa paghahalikan ni Jarren nang marinig nila ang paghagikhik nina Jasper at Pauline. Bigla sila nitong sinabuyan ng tubig gamit ang mga kamay kaya ibinaba na rin siya ni Jarren at masaya silang nagsabuyan ng tubig. Nang mapagod ay umahon na muna sila at nagpahinga. Tanghali na pala kaya iniutos ni Jarren sa mga katulong sa ihanda na lang sa may pool area ang lunch nila na labis namang ikinatuwa ng dalawang bata. Para lang silang nagsi-swimming sa isang resort at solo nila ang buong area. Maganang kumain ang mga bata. Maging siya ay marami rin ang nakain dahil bukod sa may buhay sa loob ng tiyan niya ay medyo napagod din siya sa pakikipaglaro sa mga anak nila ni Jarren. Naisip niyang magandang pagkakataon na rin iyon para sabihin sa mga ito na madadagdagan na sila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD