Kinabukasan ay agad siyang naghanap ng trabaho. Sadly, hindi pa niya magamit ang pinag-aralan niya dahil unang-una ay wala pa siyang lisensiya at pangalawa ay nagtatago pa siya sa pamilya niya.
Kung saan-saan siya ng apply. Kahit pagiging waitress at tindera ay inapplyan niya magkaroon lang siya ng pansamantalang pagkakakitaan.
Nagbigay rin siya ng mga resume sa mga nakita niyang job hiring kahit part-time job lang. But sadly, ilang araw na ang nakalipas ay wala pa ring kumukontak sa kanya. She was beginning to lose temper! But she won’t lose hope. Pinili niya ang desisyong iyon kaya papanindigan niya.
Siya yata si Christina Belle Salazar at hindi ang kagaya niya ang basta-basta titiklop at susuko sa buhay lalo’t iyon ang pinili niya.
Kung ngayon pa lang ay gigive-up na siya, para na ring sumuko na siya sa Daddy niya at inamin sa sarili niya na talunan siya.
And that will never happen.
Sa wakas, pagkalipas ng lampas isang linggo at may tumawag sa nananahimik niyang cellphone.
“Hello?”
“Yes, hello! Ito ba ang number ni Miss Bella Lagman?”
“Yes, speaking!” natutuwa niyang sagot agad. Iniba niya konte ang pangalan niya at last name ng Mama niya sa pagkagdalaga ang ginamit niya para hindi agad siya mahanap ng Daddy niya. Mautak yata siya! Hindi siya agad magpapatunton sa parents niya. Saka na lang niya iisipin ang pagpepeke ng birth certificate pag natanggap na siya sa trabaho. Siguro ay lihim na lang ulit siyang magpapatulong sa mga kaibigan niya.
“Nagustuhan ka ni Madam. Pinapapunta ka niya bukas para sa interview mo. Isesend ko sa’yo ang Address na pupuntahan mo at wag kang magpapa-late.” Anang babae na nasa kabilang linya. Ni hindi man lang ito nagpakilala sa kanya. Medyo rude! Tsaka parang puchu-pucho lang ang pagkausap sa kanya.
“Saan nga po ito?” medyo awkward niyang tanong.
“Sa BarHauz, di ba nag-aapply kang waitress?”
Kaya naman pala. Isa lang iyon sa mga pinagtyagaan niyang applyan dahil medyo low class lang ang bar na iyon hindi gaya sa mga bar na pinupuntahan niya kasama ng mga kaibigan niya.
Pero nangangailangan siya ngayon! Kaya hindi na muna siya mag-iinarte kung anong klaseng trabaho ang makukuha niya lalo at wala pa siyang experience sa kahit anong klaseng trabaho.
Mahilig naman siyang mag-bar kaya kahit papaano ay may ideya na rin siya kung paano mag waitress.
“Opo! Opo pupunta ako!” magalang pa rin niyang sabi rito bago nito sinabi ang ilang instructions saka pinutol ang tawag.
Napabuntong-hininga na lang siya pagkatapos. Wala siyang ibang magagawa sa ngayon kundi tanggapin kung anuman ang nakahaing trabaho para sa kanya. Ang mahalaga ay disenteng trabaho pa rin iyon. Saka na lang siya maghahanap ng ibang trabaho o baka maghihintay na lang siya kung may iba pang tatawag sa kanya sa mga inapplyan niya.
Kinabukasan ng hapon na iyon ay pumunta nga siya para raw sa final interview niya.
Pinadiretso na siya sa bar na pagtatrabahuhan daw niya at naghihintay na ang isang babaeng nasa 50’s na ang edad.
“Wala kang experience. Kaya mo bang magwaitress?” prangkang tanong sa kanya ng may katabaang babaeng nag iinterview sa kanya. Pinasadahan pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa habang nakataas ang isang kilay.
“Kaya ko po! May bar ang kaibigan ko at tumutulong ako minsan sa kanya.” Pagsisinungaling niya. Kung kailangan niyang maglubid ng mga kasinungalingan ay gagawin niya magkaroon lang siya ng pagkakakitaan pansamantala dahil hindi naman nababawasan ang expenses niya.
“Maganda ka naman. Sigurado ka bang waitress lang ang gusto mong maging trabaho rito?” biglang tanong nito na nakatitig pa sa kanya.
“Opo, WAITRESS lang po.” pagdidiin niya.
Hindi niya alam kung may iba pa bang bakanteng trabaho roon pero wala na siyang balak magtanong dahil wala naman siyang balak magtagal sa bar na iyon. Sapat nang may pinagkakakitaan siya habang naghihintay ng ibang trabahong pwedeng pasukan niya. Gabi naman ang trabaho niya kaya pwede pa rin siyang maghanap ng trabaho pag umaga.
Tinitigan pa siya nito na tila nag-iisip hanggang sa tumango ito.
“Sige tanggap ka na.” sabi nito maya-maya.
Natuwa naman siya dahil magkakaroon na siya ng trabaho.
Agad na nga siyang pinagsimula ng gabing iyon at aminado siya sa sarili niya na hindi pala madali ang kumita ng pera. Kung tutuusin ay barya-barya lang ang kikitain niya sa bar na iyon kumpara sa allowance na ibinibigay sa kanya ng Daddy niya. Pero kung ipapamigay rin naman pala siya, wag na lang.
She even made small mistakes during her first day at work like interchanging some orders. Buti na lang at smart siyang babae kaya kayang-kaya niyang resolbahin agad ang pagkakamali niya.
Pwede na ring pagtyagaan iyong pagiging waitress pansamantala. There were some customers who’s trying to hit on her at gusto siyang i-table. Damn them! Wala sa pagkatao niya ang magpapabastos kung kani-kanino. Ni hindi pa nahawakan ng mga ex niya ang legs niya tapos magpapa-table siya sa mga hindi kagwapuhang lalaking hindi niya kakilala? In their dreams!
Buti na lang at hindi naman siya kinulit ng mga iyon kaya naipagpatuloy niya ng maayos ang trabaho niya.
Lalo tuloy niyang naisip na dapat makahanap agad siya ng bagong trabaho sa lalong madaling panahon dahil pag nagtagal pa siya sa pagtatrabaho sa bar na iyon ay baka siya pa ang magpasimula ng gulo.
Konteng tiis lang, Belle. She told herself.
For now, siguro aangasan na lang niya ang itsura niya para mas makaiwas na rin siya sa mga manyak na customer sa pinagtatrabahuhan niya.
Few days passed at biglang sumulpot sa bar na iyon si Olivia at si Roel. Nasabi na niya ng palihim sa friends niya kung saan siya nagtatrabaho ngunit dahil alam niyang ipinapahanap na siya malamang ng Daddy niya ay binilinan niya ang mga kaibigan niya na easy-han lang muna ang pagbisita sa kanya at wag munang magsasabay-sabay pumunta ang mga ito.
“Belle!” agad siyang sinalubong ni Olivia at niyakap siya ng mahigpit. Tinapik naman siya ni Roel sa balikat niya at tinanguan niya ito.
“Kumusta? Girl, sure ka ba dito sa work mo? I don’t like this place.” Dagdag pang sabi ni Olivia at muli nang umupo ang magkasintahan pagkatapos nitong magpalinga-linga. Siya naman ay nanatili lang na nakatayo para kunin ang order ng mga ito dahil nasa trabaho siya at customer ang mga ito.
“Me too. But don’t worry, pansamantala lang ito.” Paninigurado niya rito.
“How about your apartment? Malayo ba rito? May service ka ba?” bigla namang tanong ni Roel sa kanya habang nakaakbay kay Olivia.
“Tricyle—”
“What?! Bumili ka na lang ng sasakyan mo!” gulat na sabi ni Olivia na pinutol agad ang sinasabi niya.
“Girl, nakalimutan mo na bang lumayas ako? I have limited funds. Kaya nga ako nagtatrabaho kahit sa ganitong lugar lang. Kailangan ko pang magbayad sa inyo—”
“Shut up, Belle! Bumili ka ng second hand na kotse o kahit motor. Don’t worry about it.” Muling sabi ni Olivia sabay kuha ng isang makapal na envelope muna sa bag nito at pasimple iyong iniabot sa kanya.
“What’s this??” takang tanong niya kahit parang alam na niya kung ano ang laman niyon.
“Friendly support. Galing yan sa aming lima, so you can’t say no.” matigas na sabi pa ni Olivia.
“But this is too much.” Mariin niyang sambit. For sure lilibuhin ang laman ng envelope na iyon at malaki-laki ring pera iyon.
“If you don’t accept it, then just forget that you have friends.” Sabi naman ni Roel.
Napabuntong-hininga na lang siya at tinanggap ang pera saka ibinulsa niya iyon sa loob ng jacket na suot niya.
“Thank you.” Taos-puso niyang sabi sa mga ito at napangiti sabay tango na lang ang mga ito.
Napakaswerte talaga niya sa mga kaibigan niya. Sa tuwing isa sa kanila ang may problema ay nagdadamayan sila at nagtutulungan. Para na rin silang isang tunay na pamilya.
“Utang to ha!” sabi pa niya maya-maya habang iniiisip niya na balang araw ay makakabayad din siya ng utang na loob sa mga kaibigan niya.
Hindi na rin masyadong nagtagal ang magkasintahan at umalis na rin ang mga ito agad. Mahirap na at baka masundan pa ito at mahanap siya ng Daddy niya.