Alas dos ng madaling araw nang dahan-dahang lumabas si Belle sa kwarto niya dala ang traveling bag niya na may lamang mga damit niya, ilang papeles niya and of course, cash.
Patingkayad at maingat siyang naglakad papunta sa main door para maiwasan niyang makalikha ng anumang ingay.
Her family would never think na lalayas siya nang gabing iyon because she never gave them any clue what she will do next. For sure they would never doubt her dahil magaling ang acting niya. At kahit gustuhin man niyang ipaalam sa mga kapatid niya ang balak niya ay pinili niyang sarilinin na lang iyon dahil baka mahuli pa sila at di matuloy ang plano niya pag marami pa ang nakaalam. And if that happens, paniguradong mas mapapadali ang balak na pagpapakasal sa kanya ng parents niya na pinakaiiwasan niya.
Nang sa wakay ay nakalabas na siya sa main door ng bahay nila ay pumunta siya sa gilid ng bakuran nila. May guard kasing nakabantay sa gate nila kaya hindi maaaring doon siya lumabas dahil paniguradong hindi magtatagumpay ang plano niyang pagtakas.
Pumunta siya sa gilid ng bakuran nila at inakyat niya ang gate. May alarm doon ngunit siyempre ini-off niya iyon bago niya isinakatuparan ang plano niya.
“Belle! Lintik ka! Kailangan mo ba talaga itong gawin?! Baka masugatan ka!” mahinang sabi ni Mariel sa kanya. Nasa labas pala ng gate nila sina Lucas at Mariel, pati na rin si Marlon para sunduin siya ng mga ito gaya ng napag-usapan nila dati.
Inalalayan siya nina Marlon at Lucas na makababa ng tahimik sa gate nila at pagkatapos ay sumakay na siya sa kotseng dala ng mga ito at tahimik silang nakaalis sa lugar na iyon.
“Belle, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Mahirap ang gagawin mo!” ani Marlon sa kanya habang nagdadrive ito sa madilim na daang tinatahak nila.
“Pwede pang magbago ang isip mo, Belle. We can still go back.” Sabi naman ni Lucas.
“Ngayon pa ba ako aatras kung kailan nakatakas na ako? Eh kung kayo kaya ang ipakasal sa hindi niyo kakilala??” pasinghal niyang sabi sa mga ito.
“Kung ako siguro, baka ganyan din ang gagawin ko.” Ani Mariel.
“Kaso, mahirap yan Belle… magtatago ka.. Paano ka makakapagtrabaho??” dugtong naman nito na halata ang pag-aalala para sa kanya.
“I’ll find a way.. Basta wag lang akong matali sa lalaking hindi ko naman kakilala. Malay ko ba kung sanggano yon o ano? Baka bugbugin pa ako non! No way!”
Hindi na umimik pa ang mga kaibigan niya at katahimikan na ang namayani sa kanila hanggang sa marating nila ang pansamantala niyang titirhan.
“Oh, ito ang nahanap naming apartment mo. Bayad na yan hanggang anim na buwan at may deposit pa yan. Sigurado ka bang ayaw mong makitira samin? Wala naman akong gagawin sa’yo. Hindi tayo talo. Kadiri.” Sabi ni Lucas habang ipinapasok na ang dala niyang traveling bag.
“Kadiri talaga kung papatulan kita. Pero ok na ok na ito. Salamat sa inyo. Mabuti na ring hindi ako makitira kahit kanino sa inyo dahil baka matunton pa ako ni Dad at madamay pa kayo sa galit niya. Kaya ko na to! Wag kayong mag-alala.”
“Sure ka ba, Belle? Malayo ang lugar na ‘to sa inyo, tsaka may kalayuan din samin. Ayos lang ba talaga?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Mariel.
Pinili talaga niyang may kalayuan sa siyudad ang titirhan niya para di siya agad matundon ng parents niya, at para makapagtrabaho rin siya. Kahit anong disenteng trabaho ay papasukin niya, mabuhay niya lang ang sarili niya.
“Wag kayong mag-alala. Kaya ko to! Mabuti na ang ganito.” Tumangu-tango pang sabi niya.
Ngayon, mamumuhay siya ng mag-isa. Sounds exciting! Pero aaminin niya sa sarili niya na may takot rin siyang nadarama. Pero mas gugustuhin pa niyang mamuhay mag-isa at maging independent kaysa ang piliting ipakasal siya at maging sunud-sunuran sa isang lalaking hindi naman niya talaga kilala. Isa kasi iyon sa posibilidad pag nag-asawa na siya. Magiging parang palamuti na lang siya.
“Oh, basta. Pag may kailangan ka, tumawag ka lang agad sa’min. Maliwanag?” paalala naman ni Marlon sa kanya.
Mabuti na lang at maaasahan at mapagkakatiwalaan ang mga kaibigan niya.
“Oo. Salamat sa inyo. Sige na, umuwi na kayo at baka may makakita pa sa inyo. Salamat sa lahat pati sa mga gamit dito. Balang araw mababayaran ko rin kayo.”
Umiling lang si Mariel at iwinasiwas naman nina Marlon at Lucas ang tig isang kamay ng mga ito.
“Wag mo nang isipin yon. Sige, lalarga na kami. Ingat ka.”
“Kita-kits na lang sa susunod ha!” tumango siya sa mga ito at kumaway bago ang mga ito tuluyang umalis.
Nang makaalis na ang mga kaibigan niya ay tuluyan na siyang pumasok sa apartment niya at inikot sa kabuuan niyon ang mga mata niya. Sakto lang ang laki niyon para sa kanya ngunit sigurado siyang mahal ang bayad ng mga kaibigan niya sa apartment na iyon dahil maayos iyon at malinis. Hindi niya alam kung makakaya niyang manirahan doon pagkatapos ng anim na buwan at pag nagamit na niya ang deposito roon. But she will surely save for her future expenses. Ngayon ay pagkain lang niya ang poproblemahin niya, although may ilang gamit at stock ng pagkain na rin doon ang inihanda ng mga kaibigan niya para sa kanya.
May apartment din sana ang pamilya nina Marlon kaso pag doon siya tumuloy ay mahahanap agad siya ng daddy niya. So it’s better that way na humiwalay siya.
Hindi man niya madalas mabanggit sina Marlon, Lucas at Roel sa pamilya niya ngunit madali na lang na malalaman ng Daddy niya kung sinu-sino ang mga matatalik na kaibigan niya.
Ni hindi nga pala siya nakapagpaalam ng maayos at nakipaghiwalay sa boyfriend niya. Oo may boyfriend siya, si Patrick. Isa iyong small time businessman pero sinagot niya lang ito para hindi naman laging zero ang love life niya. Pangatlo na niya itong naging boyfriend at lahat ng naging boyfriend niya ay puro fling lang, at nagboyfriend rin siya para lang magkaexperience siya sa kissing, dates at yon bang feeling na may nag-aalaga sa kanya.
But none of her boyfriends really made her feel so in-love. Para bang yong tama lang, sakto lang para masabing in a relationship siya. Ni hindi niya nga sinasabi sa pamilya niya na nagkakaboyfriend siya. At tinatawanan lang siya ng mga kaibigan niya dahil alam ng mga itong nag-eexperiment lang siya.
Inayos na niya ang mga gamit niya at bukas din agad ay maghahanap na siya ng trabaho. Buti na lang at nakuha na niya ang diploma niya. But right now, hindi pa niya matutupad ang pangarap niyang maging nurse kaya ibang trabaho na lang muna ang aapplyan niya.
Anupaman ang mangyari, hinding-hindi siya uuwi sa kanila hanggat hindi nagbabago ang isip ng Daddy at Mommy niya na ipakasal siya sa lalaking hindi niya lubos na kakilala.
Hinding-hindi siya magpapahuli sa Daddy niya.