“Sweetheart, palagay mo ba makukulong si Jack?” Nakauwi na sila ni Jarren and they’re currently in their room getting ready to sleep. Masyadong naging mahaba ang araw na iyon dahil parang ang daming nangyari. Binisita lang naman sana nila si Desiree pero hindi nila inasahan na biglang lalantad ang lalaking sagot sa lahat ng katanungan nila at ang tuluyang makakalinis sa pangalan ng asawa niya. Her Tito Esteve is still processing the shock at nanatili lang itong nakabantay kay Desiree nang sumuko si Jack. Now she realized why he looks familiar to her. Minsan na pala niya itong nakita sa magazine at mayroon din itong commercial sa TV. Ok naman ang lalaking iyon kung tutuusin, he can provide for Desiree at maganda rin ang image nito, pero binalewala lang iyon ni Desiree. “It dep

