Hindi na rin siya nagtagal sa hospital. Matapos ilabas mula sa operating room si Desiree ay umalis na si Belle roon dahil halatang hindi naman siya welcome na kumustahin ang pinsan niya. Nagwala pa nga saglit ang Tito Esteve niya nang malamang nakunan si Desiree. Mabuti na lang at nandoon ang driver/bodyguard niya na prumotekta sa kanya laban sa galit ng Tito Esteve niya. Kaya ayon, minabuti na lang niyang umalis na. Oobserbahan na lang muna raw si Desiree at hihintayin kung kailan ito magigising dahil kahit mula 2nd floor lang ito nahulog ay marami rin ang pinsalang natamo nito. Sinubukan niyang tawagan muli si Jarren pero bigo pa siyang makausap ulit ito kaya minabuti na lang niyang puntahan ito sa presinto. She’s worried. Paano kung makulong si Jarren? Paano na sila ng mga anak niy

