Sobrang nag-aalala na si Belle! Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang kaba niya pagkatapos niyang makausap si Jarren at marinig ang ingay na iyon sa kabilang linya. Parang may bumubulong kasi sa kanya na may mangyayaring masama. She couldn’t explain it, she just felt it. Maybe it’s a woman’s intuition. Tapos tinatawagan niya ulit si Jarren pero busy naman ang line ng phone number nito. She made few more attempts to call him after few minutes pero busy pa rin ang line! s**t! She’s really nervous now at hindi niya alam kung bakit. Ok naman si Jarren nang makausap niya ito. But something just doesn’t seem right. Bigla niyang naalala ang secretary nitong si Ben. Right! Kasama nga pala iyon ni Jarren. Nagmamadali niyang tinungo ang home office ni Jarren at hinanap niya roon

