From the office, dumiretso muna si Jarren sa bar. Lately ay napapadalas na naman ang pagpunta niya sa bar dahil kung minsan ay bigla na lang siyang inaatake ng lungkot kapag umuuwi siya at wala siyang Belle na nadadatnan. He missed her. How he wished that he can have another chance to talk to her calmly and this time, he promised to himself that he will listen to her. Dumiretso siya sa bar counter at umorder ng maiinom. But not too long after his stay there, napansin niya agad ang grupong papasok at pumuwesto ang mga ito sa isang mesa sa may sulok. Agad tumalim ang tingin niya sa mga ito lalo at nakikita niyang nagtatawanan pa ang mga ito bukod kay Marlon na halatang problemado. Siguro ay dahil pa rin iyon sa babaeng nakita niyang kasama nito kahapon. Napangisi na lang siya dahil nga

