“Tina, tama na muna iyan at kumain ka muna.” “Opo, Auntie. Tapusin ko lang po ito.” Binilisan ni Belle ang paghuhugas sa mga pinagkainan ng mga customer sa kainan na iyon. Heto siya ngayon at doon siya napadpad sa isang malayong probinsiya pagkatapos niyang umalis sa bahay ni Jarren. Noong una ay abot-abot ang kaba at pag-aalala niya na baka hindi siya makaalis ngunit sa tulong ng ilang prosthetics niya ay nakapagdisguise siya at nagkunwaring isang matanda kaya siya nakalabas sa subdivision na kinaroroonan ng bahay ni Jarren. At nang makalabas na siya sa subdivision ay nagpalipat-lipat siya ng sinakyan niya hanggang sa mapadpad na siya sa isang terminal papuntang probinsiya. Basta na lang siyang sumakay sa isang bus at ang pinakamalayong destinasyon ang pinili niya. Sakto namang na

