After 6 years…. “Pauline, nasaan na naman ang kuya mo?” Napatingin agad sa kanya ang isang batang babae na kamukhang-kamukha ni Jarren. Kahit babae ito ay hindi maikakailang mas namana nito ang features ni Jarren kaysa sa kanya. Ang sabi nga ni Auntie Josie sa kanya ay pekpek lang yata niya ang namana nito na tinatawanan na lang niya. Hapon iyon at naglalaro ito sa bakuran pag-uwi niya galing sa Barangay. Yes, she’s a health worker volunteer for 6 years now at labis siyang nag-eenjoy sa ginagawa niya dahil hindi man natupad ang pangarap niyang makapagtrabaho sa hospital, kahit papaano ay malapit din sa pangarap niya ang ginagawa niya dahil nakakatulong din naman siya sa mga residente sa Barangay na iyon. Kasabay noon ay may online job din siyang pinagkakakitaan. “Na kina Bryan po, M

