Episode 7 Bumukas ang pinto at ang inilabas nito ay ang sekretarya ng CEO. Yung kaninang kumausap sa akin. "Halika, pumasok ka sa loob, Ms. Anna," Umusod siya para makaraan at makapasok ako sa loob ng opisina. Nilagpasan ko na siya at dumiretso sa CEO. Nakatingin rin ang CEO sa akin. Tiningnan ko ang kulay brown na kahoy na nakapatong sa desk nito. Leroy Buenaventura CEO / President "Pinatawag mo raw po ako, Sir?" I asked him. Sumandal ito sa swivel chair at parang sinusuri ang bawat sulok ng aking katawan. Kung paano siya tumitig sa katawan ko, kung paano siya tumingin sa akin, it's different. It’s really different. Ibang iba kung paano n’ya ako titigan noong mga karaang araw at noong nag-report ako sa harap niya at ng iba’t ibang departamento. Saglit siyang tumingin sa secretary

