Episode 6 Pagtataka ang rumehistro sa aking mukha dahil sa sinabi ng babae sa aking harapan. "Bakit daw?" She rolled her eyes. "I don't know. He doesn’t tell me why. Just go to the office, now," aniya bago umalis sa harap ko. Naiwan akong nagtataka. Bakit kaya ako pinatatawag? Bumalik ako sa Department namin at inilagay sa desk ni Mrs. Saavedra ang aking pina-photocopy. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Mrs. Saavedra. "Congrats, Anna!" Bati sa akin ni Cleo at halos lahat ng team habang nagsisilabasan. Lunch break na. Nangunot ang aking noo at kilay. Ano’ng ibig nilang sabihin? Hindi na ako nakatanong kung ano ang ibig nilang sabihin dahil nakaalis na silang lahat ng tuluyan sa loob. Nakasalubong ko pa si Mrs. Saavedra habang papunta ako sa opisina ni Sir Leroy. Malawak ang ngiti ni M

