Episode 5 "Ano’ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Kinuha niya ang shoulder bag ko. "I'm picking you up." He said. "Bakit?" tanong ko. "Bawal ka na bang sunduin?" May halong tampo at pagbibiro ang kaniyang boses. Umiling ako ng nakangiti sa kaniya. Bakit ang cute niya kahit nakasimangot? "Hindi naman pala e," binuksan na niya ang pintuan ng kotse niya at pumasok ako. Umikot siya para pumasok na din sa kabila. "Kanina ka pa sa tapat ng bahay namin? Ba’t ‘di ka tumawag? Pinagtitinginan ka tuloy ng mga tao." He started the engine and started to drive. May namuong ngisi sa kan’yang labi. "Why? Are you jealous?" tanong niya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kalsada. "Baliw ka? O sadyang feelingero?" Natatawa kong tanong sa kaniya. Natawa rin siya ng mahina. "Hindi na ako nag

