KABANATA 18

1359 Words
ACHILLES Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. *KRING* *KRING* *KRING* "what?" tanong ko agad kay Noah nang masagot ang tawag. "Nakauwi na si Saraiah, it's time for you to wake up." Seryoso niyang sambit kaya napairap ako. "I know, gising ako nung umalis siya." Reklamo ko. "Can you at least give me a fúcking rest? Kakauwi ko lang." Dugtong ko sa kaniyang sinabi. "Nakapag pahinga ka na, na stress ka pa nga diba?" Tumayawa niyang sambit. "f**k off." Reklamo ko at bahagyang tumawa. "Oo na eto na." Sambit ko at bahagya na akong bumangon. "Wala bang matandaan?" Seryosong tanong ko. "Wala, nakausap ko na sila Ryen." Sambit ni Noah sa kabilang linya. "Alright." Tipid kong sambit at ibinaba na ang telepono. mabilis akong gumayak at kumilos papunta sa company ni Noah. Actually ay signing kami for contract para maging brothers ang company namin, wala pa rin kasi sa pinas ang kumpanya ko kaya kailangan ko ng tulong ni Noah. "Kailan mo planong i-launch company mo dito?" Tanong ni Noah. "After this contract signing, I guess?" Sambit ko. "Bakit hindi ka sigurado?" Taas kilay na tanong ni Noah. "Hindi ko alam kung kakayanin na ng powers ko ilipat sa pinas ang company. " seryoso kong sambit. "Kami ni Davian bahala." Sambit ni Noah kaya tumango nalang ako. "How's her?" Tanong ko kay Ryen na kausap ngayon si Davian sa telepono. "Magkakasama kayo?" Takang tanong niya. "Mhm, contract signing." Rinig kong sambit ni Davian. "Okay naman, nandito tulog, may letter ka palang iniwan Mr. 3S." Tumatawang sambit ni Ryen. "Pinabasa sainyo?" Gulat kong sambit. "Ayaw nga kamo, nag tanong lang kung may kakilala akong 3S." Sambit ni Ryen habang nakanguso, mukhang dismayado na hindi nabasa yung letter. "Someone's Safest Secret." Pag paparinig ni Ryen. "Tagal namin kinilala sino yon, tángina all this time ikaw lang pala." Reklamo ni Davian. "Hindi ko rin alam." Takang sambit ko. "E saan mo nalaman 3S?" Tanong ni Noah. "Nung isang araw lang din, obviously nag drop ako ng hint." Kibit balikat kong sambit sakanila kaya napatango nalang sila. Nang matapos ang contract signing ay tumambay nalang ako sakanila. "Certified tambay kasi wala sa Pinas ang kumpanya." Biro ni Davian kaya bahagya akong natawa. "I have a question." Sambit ni Noah. Sa mga ganitong bagay, o kahit personal life ko, kapag nag ask si Noah ibig sabihin may napansin yan na seryoso kaya ubligadong sagutin. "What is it?" Tanong ko, medyo nakakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. "How come kuya Iyo helped you?" Takang tanong ni Noah. "Alam niyang may nararamdaman ako kay Saraiah, sakanya ako unang umamin dahil siya rin ang unang nakapansin." Pag kukwento ko. "Nasa kanila ako nun, saktong tambay kami sa rooftop tapos nakatulog si Saraiah sa hita ko, nung binaba ko siya nakita ni kuya Iyo. doon nag start lahat." Pag amin ko. "Paano mo nasabing mahal o gusto mo na si Saraiah?" Tanong ni Davian. "I always do things na hindi ko naman gawain just because siya yon, gusto niya yon, at gusto kong gawin sakanya." seryoso kong sambit. "It's always the simple things na mas malaki ang impact sa tao." Dagdag ko. "But why did you not confess?" Tanong ni Noah. "I was scared, I admit it, ang tánga ko sa part na yan pero parte naman ng pagiging tao ang pag papaka tánga." Natatawa kong sambit. "Gaya nga ng sinabi ko nung isang araw, kung kailan nag kalakas na ako ng loob, saktong yun din yung araw na nabasa ko letter niya at aalis siya." Kibit balikat kong sambit. "Sinundan mo naman hindi ba?" Tugon ni Davian. "Yes, pero hindi yun ang pakay ko kaya pinasunod ako ni kuya Iyo." Seryoso kong sambit. "Kuya Iyo wants me to build and handle my own company. Usapan namin na kapag may napatunayan na ako, na kapag stable na ang lahat at kaya ko, saka niya ako hahayaan muli. Kasi alam niya, sa oras na okay na, ilalaban ko si Saraiah." Seryoso kong sambit. "Do you think this is the right time?" Tanong ni Noah. "Yes, kasi wala namang right time kung hindi a-action ang tao. Hindi magkakaroon ng tamang oras at panahon kung hahayaan lang na destiny o tadhana ang kusang gumalaw." Sambit ko. "Nasa tao ang galaw, ang desisyon." Dagdag ko. "E paano yan, alam mo na ganap niya." Sambit ni Davian. "Wala namang nag bago sakanya." Natatawa kong sambit. "I'm willing to endure everything, basta sa dulo akin siya." Seryoso kong sambit. "I won't settle for that fúcking almost." Seryoso kong sambit. "Limang taon na rin ang nakalipas, talagang mahal mo 'no?" Sambit ni Davian. "Wala e, tinamaan talaga." Napapailing kong sambit. "Wala kang nakausap na iba?" Tanong ni Noah. "Wala, bukod tangi siya lang." Seryoso kong tugon. "Paldo." Biro ni Davian habang tumatawa. "Naging guest ako bigla tángina, interview." Reklamo ko sabay kamot sa aking ulo. I was shocked when Noah asked some questions, ang hirap din kasi basahin ng isip niya kaya nag aalangan ako. "Duda ka nanaman sa'kin." Nakangising sambit ni Noah. "Ano ba kasing nakain mo." Reklamo ko. "Trust me on this one." Natatawa niyang sambit. "Tiwala ngayon, thank you sa susunod." Nakangiting sambit ni Davian na ipinag tataka ko. Hindi ko sila maintindihan pero hinayaan ko nalang, wala rin naman akong choice at hindi mga mag sasabi yan. "Recorded." Biglang sambit ni Ryen. "Dámn, naka call nga pala kayo." Gulat kong sambit at sinamaan ng tingin si Davian na nag peace sign lang habang tumatawa. "Buhayin na natin yung gc na kasama si Chavez." Pag paparinig ni Ryen. "Oo nga 'no? bakit Chavez binanggit mo kay Saraiah nung isang araw?" Tanong ni Ryen. "Nagulat ako e, yun agad lumabas sa bibig ko. Hinayaan ko nalang." Natatawa kong sambit. "Ano naramdaman mo nung bigla siyang sumulpot? Kulit kasi non pinipigil namin biglang tumakas." tumatawang kwento ni Ryen. "At first of course I didn't expect it, sa bar pa talaga kami unang magtatagpo tapos ang lagay hindi ako na aalala." Reklamo ko na ikinatawa nila. "Kilala ka non, but in her mind she refuses to believe na ikaw yon." seryosong sambit ni Ryen. "Ganon siya kapag gustong umiwas, bukambibig nga non na familiar ka diba." dagdag pa ni Davian. "After all these years, eto na. We finally talked." Natatawa kong sambit. "Usap nga, nilandi ka naman agad." Biro ni Ryen kaya napatawa ako. "Thank God ako yung nilandi, kasi kung hindi baka bumalik nalang ako Australia at mag paka baliw sa trabaho." Biro ko na mas ikinatawa nila. When we started talking, her voice hit me like a wave. That same calm, comforting sound na matagal kong inalala. "Ganda pa rin 'no Chavez?" Pang aasar ni Noah sa akin. "f**k off man. Stop calling me Chavez." Reklamo ko dahil hindi naman talaga ako sanay tawagin second namin ko. Even Saraiah, hindi yon ang tawag sa akin. "Card mo nga pala." Nakangising sambit ni Noah sabay lahad ng black card ko na nasa kanya. "Hindi naman na siguro namin need yan dahil nandito ka na." tumatawang sambit ni Davian. Yes, lahat ng expenses nila kay Saraiah ay pera ko, sa akin mismo. Habilin ko sakanila bago ako umalis ng bansa. "Hawakan niyo muna, hindi pa tayo sigurado kung kaya ko na. Mailap yan." Seryoso kong sambit. "Push and pull method." Sambit ni Ryen. "Itutulak ka niya palayo, hihitakin mo siya papunta sa'yo." Sambit niyang muli. "Basta kung ano man mangyari, trust us." Sambit ni Noah kaya tumango nalang ako. Hindi na rin ako mag tatanong, matigas pa sa bato yan kapag nag salita, hindi mauuto ng kahit na sino, except kay Annaya na kahinaan niya. Pinatay na ni Ryen ang call dahil gising na si Saraiah kaya nagkaroon na ako ng chance mag tanong sa boys. "Kamusta kayo ng mga partners niyo?" Tanong ko. "Wala namang pinag bago sa amin, mas lumala pa nga ugali." reklamo ni Davian, mukhang laging inaasar ni Ryen. "Aso't pusa pa rin ba Noah?" tanong ko at wala pang isang segundo ay naka oo na agad siya. "Hindi na ata mawawala yon." Sagot niya kaya napatawa ako. Kami kaya? Kung umamin agad ako, ano kaya kami ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD