KABANATA 12

1367 Words
"Tatanggapin mo ba yung inaalok nila Noah na maging business partners?" Tanong ni Ryen sa kalagitnaan ng pag kain namin. Nakauwi na kasi kami ng Manila after a month na pinag pahinga nila ko sa Baguio, at wala silang ginawa kundi ang lasingin ako at asarin sa nararamdaman ko. "Oo naman, kayo nga tinanggap ko e. What more sakanila." Biro ko habang kumakain. "Grabe company mo, hinahabol talaga, on top." Biro ni Annaya. "Katas ng pag hihirap yan, bunga ng walang sawang stress, workload at halos hindi na makatulog sa gabi." Natatawa kong sambit habang inaalala yung mga panahong sobrang ngarag at hirap ako mabuo lang ang kumpanya. "Para mo na kaming personal assistant bigla." Biro ni Ryen. "Tapos wala pang sweldo" Pag paparinig ni Annaya. "Ayos lang yan, para namang hindi tayo mag tropa." Sambit ko sakanila at hindi pinansin ang pagpaparinig. "Ayon, nadale tayo sa tropa." Tugon ni Annaya habang tumatawa. "Bilisan mo na kumilos at may contract signing ka." Napapailing na sambit ni Ryen. Nang matapos akong kumain ay agad ko na silang iniwan sa hapag kainan para maligo at gumayak. 1:30 pm pa naman yung meeting pero sa lagay kong 'to ay matic malelate ako kapag hindi pa ako kumilos. Aawayin nanaman ako ng dalawa kong nanay. "Sama kami ah." sambit ni Annaya pagkalabas ko sa aking kwarto na ngayon ay naka gayak na rin. "Ayos, sisilay." Reklamo ko habang silang dalawa ay nakangiti. "K po." Tumatawa kong sambit habang napapailing. Sa loob ng one month na kasama ko sila sa Baguio, sanay na sanay na ulit ako sa kalandiaan nilang apat. Mukha bang may choice pa ako e single? Wala rin naman si ano, at ayoko pa rin siyang makita. Nang makarating kami sa office ay nandoon na agad si Noah at Davian. “Ang early niyo naman.” Reklamo ko habang hawak ang kape na kabibili lang naming mula sa starbucks. “Late ka lang.” Biro ni Noah. “Ganyan baa ng Gawain ng isang CEO?” Biro naman ni Davian. “Tropa ko kasi kayo, kaya wala akong pake alam sa oras.” Biro ko naman habang tumatawa. “Naka ready na ba?” Tanong ko. “Of course, pipirma ka nalang.” Sambit ni Noah. “Baka arrange marriage ito ha? Hindi ko na babasahin.” Tumatawa kong sambit habang iniisa isang pirmahan ang papeles. “Hindi na naming kasalanan na hindi ka nag basa.” Natatawang sambit ni Davian. “Hoy gágo kayo seryoso ba?” Reklamo ko. “Biro lang, kanino ka naman namin ipapakasal?” Taas kilay na tanong ni Davian. “Malay ko sainyo.” Sambit ko habang napapailing. “Wala ka na bang concerns about diyan sa contract?” Tanong ni Noah. “Surprise me.” Nakangiti kong sambit. Tiwala naman ako dahil kaibigan ko sila kaya hindi na ako nag dalawang isip pa. “Contract Signing done.” Sambit ko at sumandal sa couch. “Ngayon lang kami nakakita ng contract signing na hindi binasa, at gusto surpresa.” Napapailing na sambit ni Davian. “Ganyan din naman yan samin.” Sambit ni Ryen habang tumatawa. “Nagugutom ako.” Pag paparinig ko sakanila. “Nakakarami ka na ha. Abusado ka na masyado.” Biro ni Annaya. “Wala naman kayo magagawa, single here???” Natatawa kong sambit. “Hay nako, ano bang gusto ng bebe na yan?” Biro ni Annaya kaya napatawa ako. “Shawarma?” Tanong ni Ryen kaya tumango ako. Actually this is my normal routine na, lalo sakanila. I have my own money pero sila mismo kusang gumagastos sakin. Ewan ko ba at bakit ginawa nilang responsibilidad ang alagaan ako. “Ayaw ko shawarma, parang masarap mag karinderya tapos palabok lang ganon.” Sambit ko. “Daig mo pa buntis jusko ka.” Napapailing na sambit ni Ryen. “Cravings, malapit na dalaw.” Depensa ko naman habang nakanguso. “O sya, tara na. Sumama na kayo at ipag drive niyo kami.” Nakangiting sambit ni Ryen at hinitak na patayo si Davian. “I guess third wheel ulit ang tao naa ito.” Natatawa kong sambit. “As always Miss Maam.” Tugon naman ni Ryen kaya napairap ako. Nakakaproud sila for some reason, kasi how come they’re still stogether after how many years. And who would’ve thought na kay Davian siya babagsak e buong akala ng lahat magiging end game sila nung lalaking pinakilala niya. Patay na patay pa naman siya doon. Parang sila Annaya lang, walang pake alam sakanya si Noah noon, halos enemies sila tapos ngayon? Sobrang strong ng relationship nila. Kami kaya ni Achi kamusta? Kung hindi ko kaya siya iniwan sa ere? Kung hindi ako lumayo? At kung hindi ako tumakas sa mga bagay na dapat hinarap ko? Kung sinunod ko yung sabi nila Annaya na sundin ang puso bago ang isip. Kamusta na kaya kami ngayon? Ang daming thoughts, pero wala na rin naman akong magagawa kasi nga, nangyari na. Tapos na ang lahat. “Saraiah.” Pag tawag ni Noah. “Mhm?” Tanong ko. “Paano kung isang araw dumating si Achilles? Paano kung kailangan mo pala siya in the future?” Tanong ni Noah. Agad naman akong napatahimik at napaisip. “Mahirap mag salita ng patapos, pero as of the moment. Ayoko, kahit sabihin niyo na mahal ko pa o anything, hindi pa ako ready na makaharap siya. At hinding hindi ako hihingi ng tulong sakanya.” Diretsa kong sambit. “Nasasabi mo lang yan ngayon, mababago rin yan kapag dumating na ang panahon.” Pambabara naman ni Ryen. “Who knows?” Takang sambit ko at nag kibitz balikat nalang. I was enjoying my food since sinunod nila ang request ko. I am eating palabok right now at grabe, nakakamiss ang lutong pinoy. Mommy usually cook foods like this noong nasa Autralia pa ako since sinasanay nila si Yana sa pag kaing Pilipino para kapag nag migrate at umuwi sila ay hindi ito manibago o mag inarte. “Nga pala, nabanggit ni kuya Iyo. Nasundan ka pa pala? Hindi na ikaw ang bunso.” Natatawang sambit ni Ryen. “Ah oo, her name is Yana. Miracle baby nila Mommy.” Sambit ko. “She’s 5 years old na. Marunong mag tagalog yun at hindi kumakain ng walang kanin.” Biro ko. “Wow, tinuruan agad nila tita?” Gulat na sambit ni Annaya. “Oo, may plan silang umuwi ditto sa Pinas kapag sure na okay na si Dad. Ayaw na nila mag stay sa Australia, baka maiwan nalang sila kuya Iyo doon para mag ka anak.” Biro ko habang kumakain. “Really? Uuwi talaga sila Tita?” Gulat na sambit ni Ryen. “Mhm, hinihintay lang nila passport ni Yana tapos sinusure kung kaya na ni Daddy.” Tumatangong sambit ko. “Isa din yan sa reason kung bakit ayaw naming ipabago yung house sa Baguio. Gusto kasi nila Mommy Makita ni Yana kung ano bahay naming noon hanggang ngayon.” Dagdag ko. “Saka, hindi niyo ata napansin. May isa pang kwarto sa taas, may kwarto na agad na nakalaan para kay Yana.” Natatawa kong sambit. “Luh? Saan gawi?” Tanong ni Annaya. Ang boys ay mukhang may pinag uusapan na iba at talagang nakikinig lang sa pinag uusapan naming tatlo nila Ryen. “Yung katabi ng kwarto ni Kuya, may isang pinto doon color pink.” Natatawa kong sambit. “Wait, ah! Oo nakita ko yun.” Tumatawang sambit ni Annaya. “Ang daya, saan yun.” Reklamo ni Ryen. “Malapit sa pintuan sa may ano rooftop. Yung katabi ng Master’s bedroom saka nung kwarto ni kuya Iyo.” Sambit ni Annaya. “Hindi ko napansin, kainis saying.” Sambit ni Ryen. “Pinasok mo ba yung room?” Takang tanong k okay Annaya. “Oo, kaya pala puro girly stuffs, akala ko para sa anak nila kuya Iyo kaya hindi ko na sinabi sainyo.” Sambit niya. “Wala pang anak sila kuya Iyo, hindi pa nabubuntis ang ate Haya ever since.” Nakangusong sambit ko, matagal na rin kasi naming hinihintay na mag ka anak sila. I wanna be a Tita so bad. Kaso hindi pa nabibiyayaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD