FLASHBACK ( college days )
“Hi tita! Hi tito!” Rinig kong sambit ni Achilles sa may sala.
“An gaga mo naman!” Sigaw ko habang nakasilip sa second floor naming. Gagayak palang ako tapos yung kasabay ko nandito na agad.
“Gusto mo walk trip diba.” Natatawang sambit ni Achilles.
Sanay naman na siya na mabagal ako kumilos, kahit nga naka twalya lang din ako pag nandito siya ay sanay na rin. Ganiyan kami ka comfortable sa isa’t isa.
“Kumilos ka na iha, wag pinag hihintay ang bisita.” Sambit ni Mommy.
“Mom, hindi yan bisita!” Sigaw ko pabalik at pumasok na ng tuluyan sa aking kwarto.
Nang matapos ako gumayak ay bumaba na ako para kumain. Bahala na mag hintay si Achilles, kasalanan nya yon, maaga kasi siya.
“Talaga namang kumain pa siya.” Biro ni Achilles nan aka upo rin sa hapag kainan.
“Eto lang yata reason bakit maaga ka e. Para makikain.” Biro ko kay Achilles.
“Saks lang, masarap kasi luto lagi ni Tita e.” Pag yayabang ni Achilles kaya napailing nalang ako.
“Bilisan niyo na at anong oras na.” Natatawang sambit ni Daddy kaya napangsuo nalang ako habang si Achilles ay nag kamot ulo.
“Halika na.” Pag aya ni Achilles matapos silang kumain.
“Anong oras na ba at madaling madali ka?” Reklamo ko at saka hinampas ng bahagya si Achilles.
“6 am hehe.” Sambit niya at mabilis na tumakbo palayo sa akin.
“Bwisít ka!!” Sigaw ko at saka tinakbo ang pagitan naming dalawa hanggang sa maabutan ko na siya.
“Ang aga aga pa alam mo ‘no.” Inis na sambit ko kay Achilles habang hinihingal sa aking pag takbo.
“Tubig oh.” Sambit niya at marahang binuksan ang kaniyang tumbler saka iniabot sa akin.
“Thanks. Suhol pa.” Biro ko habang umiiling na nakangiti at saka uminom sa kaniyang tubig.
Pareho kaming laway conscious pero ewan ba at pag dating sa isa’t isa wala kaming karate arte na halos mag share na ay okay pa rin.
“Pagod na?” Tanong ni Achilles ng mapansin na pahinto hinto na ako.
“Mhm.” Natatawa kong sambit habang hinihingal.
“Salabay kita.” Sambit ni Achilles na ngayon ay nakatalikod at hinihintay na sumakay ako.
“Ha? Sure ka?” Gulat kong tanong.
“Oo, halika na kaysa mapagod ka pa lalo.” Nakangiting sambit ni Achilles kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa at sumampa na ako sa likod niya.
“K na uy, ditto nalang Makita tayo sa school.” Natatawang sambit k okay Achilles ngunit hinid niya ako pinakinggan.
“Hoy! Loko ka, nakakahiya.” Namumula kong saway kay Achilles habang bahagya siyang hinahampas.
“Ngayon ka pa nahiya, pinagtitilian na tayo.” Biro ni Achilles at marahan akong ibinaba sa tapat ng room naming.
“Ayan na pala ang main character?” Biro ni Annaya habang nakaupo sa lamesa.
“Una na ko Sah.” Sambit ni Achilles kaya tumango ako.
He really loves to call me Sah, I don’t know why. Tamad talaga yan banggitin o isulat name ko kahit kailan.
“At anong kaganapan yon Miss Maam?” Taas kilay na tanong ni Ryen.
“Wala yon. Guni guni niyo.” Biro ko at saka tumawa.
“Grabe.” Napapailing na sambit ni Annaya.
“Sundo mo ayan na.” Bulong ni Ryen sa akin at nginuso si Achilles nan aka sandal sa may pader ng hallway at nakikipag usap kila Noah.
“Hoy.” Bungad ni Annaya sa tatlong boys naa hinihintay kami lumaabas.
“Tara na uwian na oh.” Sambit ni Davian.
“Excited much? Parang hindi mag kakasama kaninang recess at lunch. Ang o-oa ha.” Puna naman ni Ryen.
“Si Achilles at Saraiah lang naman ang mag kasama kanina, ulól.” Sambit ni Noah.
“Ay.” Sabay na sambit ni Annaya at Ryen saka sabay na tumawa.
“Tara na.”Sambit ko at hinitak na si Achilles.
“Nagugutom ako.” Bulong k okay Achilles, kaming dalawa kasi ang sabay na nag lalakad habang ang apat naming kasama ay nag kakaladyaan at nag sisigawan sa harap namin.
“Tara street foods.” Pag aya ni Davian matapos matanaw ang mga stalls ng street foods sa daan papauwi sa amin.
“Tangéks tara nalang sa Burnham mamayang gabi.” Sambit ni Noah na pilit hinihitaak palayo si Davian.
“Wala namang pasok bukas, mag Burnham Park nalang tayo. Tuwing 9 PM may mga stalls dun.” Sambit muli ni Noah.
“Kapag yan wala.” Reklamo ni Annaya at masamang tumingin kay Noah.
“Meron, available nga lagi yon, open every day.” Sambit ni Noah.
“Anong oras mag kikita kita?” Tanong ni Achilles.
“Kanya kanya na punta. Sa Burnham na mag kita kita.” Sambit ni Ryen.
Nang maihatid ako pauwi ni Achilles ay agad din naman siyang umuwi. Pag stay-in ko nalang sana kasi may gamit naman siya ditto kaso ang gusto ay umuwi muna siya.
*BEEP* *BEEP* *BEEP*
“Mommy! Nandyan na po si Achi, aalis nap o kami.” Paalam k okay Mommy, since si Daddy ay natutulog na.
“Mag ingat ha! Alam ko namang iingatan ka ni Achilles.” Nakangiting sambit ni Mommy kaya tumango nalang ako at hindi na nagsalita.
“Wow, pormado boss ah.” Biro k okay Achilles na ngayon ay pinag bubuksan ako ng pinto sa passenger seat.
“Kakain lang street foods oy.” Biro ko pa.
“Ikaw nga naka sando?” Taas kilay na tanong niya.
“Init.” Sambit ko habang inaayos ang seatbelt.
Nang maakarating na kami sa Burnham ay kami nalang pala ang iniintay.
“Amats ni Saraiah, naka sando.” Tumatawang sambit ni Ryen nan aka hoodie.
“Mainit daw.” Kibit balikat na sambit ni Achilles.
“Nginig yan mamaya tamo.” Sambit ni Annaya.
At tama nga siya, sa kalagitnaan ng food trip naming ay nakaramdam na akong lamig.
Hindi pa man din ako nakakapag salita ng biglang may isang hoodie agad na inabot si Achilles. Hinubád niya yung kaniya niyang suot na pang porma kaya ngayon ay naka tshirt nalang siya.
“Nilalamig ka na, suotin mo.” Seryoso niyang sambit habang hawak haawak ang hoodie. Hindi na rin ako pumalag o nag inarte dahil nilalamig na talaga ako.
“Sah, fav mo.” Sambit ni Achilles at agad na inabot sa akin ang inihaw na bbw, paa, adidas, at Betamax.
“Hala nakakamiss kumain neto.” Masayang sambit ko at agad na tinanggap ang kaniyang binigay.
“Thank you Achi.” Sambit ko habang kumakain.
“Alam na alam ang gusto.” Puna ni Ryen habang napapailing.
“Dikit pusod ba naman yang dalawa.” Sambit naman ni Noah habang nakangiti at pinag mamasdan kami ni Achilles na nag susubuan at nag papalitan ng pagkain.
“Hoy painom! Masarap yan.” Sambit ni Davian matapos Makita ang iniinom ni Achilles.
“Ayoko, bumili ka ng iyo.” Matigas na sambit ni Achilles at talagang inilayo kay Davian ang iniinom niya.
“Arte, si Saraiah nga pinapainom mo, tapos ako hindi.” Reklamo ni Davian.
“Ikaw ba si Saraiah?” Pambabara ni Achilles kaya napangisi ako at inagaw kay Achi ang kaniyang iniinom.
Favorite kasi naming lahat ang mangpo graham shake na maraming crushed grahams and mango.
“Laway conscious sa iba, expect kay Saraiah.” Pag paparinig ni Ryen.
“Bumili kayo ng inyo, usapan kkb ditto.” Puna ni Achilles.
“KKB pero pag kay Saraiah.” Pag paparinig ni Annaya.
“Tama na ang pag tatampo, hindi kayo si Saraiah para paboran at kampihan niya.” Napapailing na sambit ni Noah kaya agad na tumigil mag parinig at mang asar ang mga kaibigan namin.
“Bumili na kayo.” Tumatawa kong sambit.
Nag lakad lakad pa kami hanggang sa makarating sa stall ngt shawarma. “Hala! Busog na ako huhu.” Sambit ko matapos Makita ang shawarma.
“Araw ku po, kawawa mo naman.”Pang aasar ni Davian habang kumakain.
“Hey, I’ll eat your left overs.” Sambit ni Achilles at binigay sa akin ang isang shawarma.
“Oh? Ano ka ngayon?” Pag yayabang ko kay Davian na dinilaan lang naman ako.