KABANATA 2

1383 Words
Nang matapos ang speech ko ay aagad na rin akong bumama, nag start na rin naman kaagad ang welcome party kaya kanya kanya na rin agad sa mga pwesto ang mga tao. Nasa isang vip couch kami nila Ryen, tatlo lang kaming girls. Hindi ko rin alam bakit hindi nila kasama ang mga partners nila. “Nga pala, bakit hindi niyo tinangay sila Noah?” Tanong ko. “Edi fifth wheel ka? Kawawa mo naman kung ganon.” Biro ni Ryen. “Epál lang ganon?” Reklamo ko habang nakanguso. “Girls time kasi, haayaan mo muna yang mga boys.” Sambit naman ni Annaya. “Uminom ka nalang.” Suhol ni Ryen kaya napanguso nalang ako lalo. Gaya ng sabi nilang dalawa, uminom talaga ako nang uminom. “Hey.” Nauutal kong sambit kay Ryen. Ramdam kong may tama na rin sa akin ang alak . "Yes?" Tanong ni Ryen. "Uwi na tayo." Naiiyak kong sambit kaya agad namang naging alerto si Annaya at Ryen. "Hoy! Gagá ka, wag kang iiyak." Hindi alam ni Annaya ang mararamdamna kung tatawa ba o magiging concern sa biglang pang gigilid ng luha ko. "Halika na, uuwi na tayo." Natatarantang sambit ni Ryen at agad akong inalalayan papunta sa exit. Hindi na namin nakuhang mag paalam pa sa ibang mga kasama dahil sa taranta. Hanggang sa makarating kami sa loob ng condo ko ay hindi mapakali si Ryen at Annaya. "Bakit ka ba biglang naiyak diyan?" Tanong ni Ryen. "Ryen, I miss him." Umiiyak kong sambit dahilan para magkatingin ang dalawa na nagtataka. "Sino? May iba ka pa bang naging boyfriend o talking stage sa Australia?" Takang tanong ni Annaya. “Wala hahahaha.” Umiiyak kong sambit at nakuha ko pa talagang tumawa. “Gágo e sino?” Tanong ni Ryen. “Sino pa nga ba?” Takang tanong ko sakanilaa ni Annaya. “Don’t frickíng tell me it’s Achilles?” Hindi makapaniwalang sambit ni Ryen. “Well?” Natatawa kong sambit saka nag iwas ng tingin. This is the reason why I hate drinking alcohol, hindi ko napipigil ang sarili ko. Masyado akong mao malasing. “How? I mean why?” Tanong ni Annaya na seryosong nakatingin sa akin. “Hindi ko alam, hindi ko rin gusto pero ayan mismo nararamdaman ko.” Pag amin ko. “Who would’ve thought na kapag uwi ko pala ng Pilipinas siya agad gusto kong sumalubong sa akin? Na there’s a slight hope for me na sana, sana nandito lang siya.” Umiiyak kong sambit. “Pero hindi bat ikaw ang?” Hindi na tinuloy ni Ryen ang kaniyang sasabihin, halatang naguguluhan na rin sa nagiging actions at sa mga sinasabi ko. “Oo, ako, ako ang umiwas at lumayo, ako ang nang iwan.” Natatawa kong sambit. “Kaya nga hindi ko alam bakit siya pa rin hinahanap hanap ko hanggang ngayon, e ako naman itong nang iwan sakanya.” Biro ko. “Hindi na ba kayo nag kausap after graduate ni Achilles?” Tanong ni Annaya. “Hindi, saktong after graduation nasa airport ako. Papunta na agad Australia.” Sambit ko. “Bakit hindi ka nag paalam sakanya? Pero sa amin oo?” Tanong ni Ryen. Mabilis ang naging pag iwas ng mata ko kagaya ng pag iwas ko sa tanong niya. I am not yet ready to answer those kind of questions. “Kaibigan mo rin siya hindi ba?” Tanong ni Annaya. “Kaibigan.” Mahinang sambit ko at mas lalong napaiyak. That’s the whole point, kaibigan ko lang naman DAPAT siya. “Naguguluhan kami.” Sambit ni Ryen. “Miski ako sa sarili ko ay naguguluhan sa nararamdaman at nangyayari sa akin.”Seryoso kong sambit habang humihikbi. “Pero seryoso ka? Wala kang nakausap, naka fling o naka rs sa Australia?” Tanong ni Ryen, halatang curious sa nangyayari. “Mhm.” Mahinang tugon ko. “Bakit?” Tanong ni Annaya. “Walang humihigit e.” Seryosong sambit ko. “Kanino?” Taas kilay na sambit ni Ryen. “Bakit hindi naming alam na may naaka something ka na ha?” Tanong muli ni Ryen. “Meron tangá, hindi lang natin kilala kung sino.” Natatawang sambit ni Annaya. “Ah oo! Walang confirmation, walang sagot, walang anything.” Pag paparinig ni Ryen, referring to Achilles. “Walang humigit kay someone’s safest secret?” Tanong ni Ryen. Pinangalanan kasi nilang Someone’s Safest Secret si Achilles kasi hindi ko nireveal sakanila kung sino yung nagustuhan ko noon sa college. It remain a secret, a mysterious guy that turns out, friends din naman nila. “Oo.” Mabilis kong sagot sakanilang dalawa. “Wala akong ini entertain sa Australia, nireretuhan ako, may mga nanliligaw, may mga sumusubok.” Pag amin ko. “Pero walang nakakapasa?” Tanong ni Annaya. “Walang humihigit?” Tanong ni Ryen. “Wala, sinubukan ko rin, nag try din ako pero wala.Wala talagang humihigit, hindi nila sila makapasok kahit sa bingit lang.” Seryosong pa gamin ko. “Now, I’m really curious kung sino yang Someone’s Safest Secret na yan, at parang baliw na baliw ka sakanya.” Napapa iling na sambit ni Annaya. “Hindi naman sa baliw na baliw. It’s just that wala talagang nakakahigit sa kung ano yung ipinaramdam niya sa akin.” Sambit ko. “Paanong may hihigit e siya lang naman kasi gusto mo.” Seryosong puna ni Ryen dahilan para mapatahimik ako at mapaisip. “Siya pa rin kaya talaga after all those years?” Tanong ko sakanilang dalawa. “Alam mo, ikaw lang naman ang makaka sagot niyan e. Siya pa rin ba talaga?” Tanong ni Annaya. Hindi ko alam ang isasagot ko, natatakot akong ang lumabas sa bibig ko ay ang salitang oo at hindi ang salitang hindi na. “Hindi mo masagot?” Tanong ni Ryen dahilan para mapa kagat ako sa aking labi at bahagyang tumango. “It’s fine, no need to rush things kahit ilang years na ang lumipas. Masasagot mo rin yan sa tamang oras, sa tamang panahon.” Tumatawang tugon ni Ryen. “Grabe ka mag lasing, nag maamaoy.” Biro naman ni Annaya. “I have a gut feeling kung sino yang Someone’s Safest Secret mo.” Seryosong sambit ni Ryen dahilan para kumanog ng malakas ang dibdib ko. I am not yet ready na malaman nila kung sino yun. “Who?” Kinakabahan kong tanong. “I’ll keep it to myself muna. Malakas lang kutob ko pero hindi rin ako sigurado.” Seryosong sambit ni Ryen. Nakabalik na rin si Annaya na galing sa kusina para kuhanan ako ng tubig. “ Uminom ka muna.” Sambit niya kaya tumango ako. “Thanks.” Tugon ko aat agad na ininom ang tubig na kaniyang inabot. “Kmausta pakiramdam mo?” Tanong ni Ryen, mabilis na iniba ang topic. “Ayos na, siguro.” Sambit ko at muling nag iwas ng tingin. I know dámn well na hindi pa ako okay. May kulang e, may nawawala. “Kung nakakamatay lang ang pag sisinungaling, baka pinag lalamayan ka na naming ngayon.” Puna ni Annaya at naupo sa tabi ko. “Hindi ka naman naming aasarin kahit mag maoy ka pa.” Biro ni Ryen kaya napangsuo ako. Nahimasmasan na rin kasi ako ng bahagya kaya medyo nawala na ang tama ng alak sa aking Sistema at katawan. “Kapag sinusubukan mo makipag usap or anything, ano napifeel mo?” Tanong ni Ryen. “Wala.” Seryosong sambit ko. “Tototo ba? As in wala?” Tanong niyang muli. “Oo, wala akong nararamdaman na anything. Para lang akong nakikipag usap sa client ko.” Nakanguso kong pa gamin. “Malala ka na.” Biro ni Annaya habang nag kakamot sa kaniyang ulo. “Pero kapag if ever si Someone’s Safest Secret?” Tanong ni Ryen. “Ibang usapan na yon.” Sambit ko naman. “Ayon, ang bilis.” Biro ni Annaya. “Kitang kita naman, may nararamdaman ka pa rin sakanya.” Seryosong puna ni Annaya. “Hindi ka makakaramdam ng kaba sa dibdib mo kung wala na siyang epekto sayo. Aminin mo man sa sarili mo hindi, halata.”Sambit ni Ryen. “Pero ayoko na maramdaman ‘to.” Sambit ko. “Let it hurt, until it doesn’t anymore.” Sambit ni Ryen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD