Nang makauwi kami matapos gumaala sa kung saan saan ay agad naman silang nakatulog, habang ako, hindi. Inabot na rin kasi kasi ng hapon, dumalaw sila sa families nila, sa school naming, ang daming napuntahan. Nakakapagod pero buhay pa rin diwa ko hanggang ngayon na gabi nanaman. Lumabas ako sa aking kwarto at pumunta sa may rooftop. Tanaw ditto ang city lights kaya ditto ko napiling tumambay, hindi rin naman ganon kalamig. Umakyat ako dala dala ang isang bote ng beer na kinuha ko sa ref naming. Is it really possible na kahit sobrang tagal na ang nakalipas, yung nararamdaman ay hindi pa rin nag babago? Na yung akala natin na okay na, na tanggap na, nan aka move on na… Sa isang iglap hindi pa rin pala. Distracted lang pala talaga, pero kapag nandon na mismo yung tao, o kahit pangalan lan

